Jack in the Box - Book cover

Jack in the Box

Kashmira Kamat

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Si Nurse Riley ay naassign sa isa sa pinakasikat na pasyente sa psych ward — si Jackson Wolfe. At nagkataon lang naman na sobrang drop-dead sexy nito, which is ironic considering ang lahat nang nasa paligid niya ay namamatay. Habang inaakit ni Jackson si Riley gamit ng kanyang charm, malalaman kaya ni Riley kung sino ang killer...o baka ang hinahanap niyang tao ay ang lalaki kung saan nahuhulog na siya mismo?

Rating ng Edad: 18 +

View more

31 Chapters

Wolfe in Sheep’s Clothing

MADDYHoy! Gumising ka na!
MADDYAlam kong humihilik ka pa rin, babae, aba bumangon ka na!
RILEYSeryoso Maddy? Alas tres pa lang.
MADDYKailangan mong pumasok nang maaga ngayon.
MADDYBibigyan ka nang offer ni Aaron, isang promotion. Naghahanap sila nang mag-aasikaso sa isang high profile na pasyente.
RILEYTOTOO BA?!
RILEYAng galing naman!!!
MADDYSa totoo lang ... Hindi ako sigurado dito.
RILEYTeka, bakit naman?
RILEYAlam mo naman na kailangan ko nang pera ...
MADDYWell, yung pasyente eh…
MADDYIsa sa mga "special cases" natin dito.
RILEYAnong ibig mong sabihin?
MADDYIsang full blown psychopath.
MADDYAlam kong gusto mo nang mga ganitong cases, pero dapat mong PAG-ISIPANG MABUTI ang bagay na ito.
MADDYI mean, tingnan mo na lang ang nangyari kay Roxanne…
MADDYShit, nakita ako ni Aaron na nagse-cellphone. GTG.
RILEYAnong sinasabi mo?
RILEYMaddy?
RILEYAnong nangyari kay Roxanne??

Nilagay ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko, at napadaing sa inis.

Typical Drama Queen, Maddy. Hindi na ako makakabalik sa pagtulog ulit nito.

Umikot ako pababa sa kama at kinaladkad ang sarili papunta sa banyo. Ang mga lumang ilaw ay bumukas, at pinakita nito ang kamangha-manghang at kakilakilabot kong itsura.

Para akong basura.

Ang asul kong mga mata ay mukhang handa na para sa paglalakbay sa buong mundo sa dami ng mga bag sa ilalim ng mga ito, at ang buhok kong dark-lavender ay magulo at nakatayo kung saan saang anggulo.

Makeup at matinding pagsusuklay ng buhok lang ang makakaayos dito.

Siguro nga, ang isang nurse na may kulay purple na buhok ay hindi normal na bagay, pero okay lang kay Aaron. Gustung-gusto ng mga pasyente ang mga makukulay na bagay.

Naghilamos ako nang mukha at naghanda para sa trabaho, gumagalaw nang parang naka-autopilot.

Another day another dollar — OW!

Patalon-talon ako gamit nang isang paa, napangiwi sa sakit at yumuko para kunin ang tumama sa hinliliit ko.

Isa ito sa mga paborito kong libro: ang cover nito ay sira na at ang mga pahina nito ay puro ngatngat na dahil sa kalumaan.

The Stranger Beside Me.

Sinusubukan ni Ted Bundy na patayin ako lagpas pa ng libingan.

Inilagay ko ang libro sa istante, nilagay ang Ted Bundy pabalik sa kanyang pwesto sa pagitan nang Jack the Ripper at Pedro Lopez.

Baka nga tama si Maddy tungkol sa pasyente na psychopath, na specialty ko ito...

Hobby ko ang mga ganito...

Pwedeng isipin nang iba na ito ay isang obsession.

Naghahanap ako pagkain sa kusina, at nilagay ko sa bibig ang isang malamig na strudel toaster.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Maddy.

Tingnan mo na lang kung ang nangyari kay Roxanne ...

Kinuha ko ang susi ko, at pumunta sa pintuan ng maliit kong apartment, na medyo kinakabahan.

Sino bang high profile na pasyente ito?

***

Promotion.

Naghintay ako sa labas ng office ni Dr. Shaw, kinakabahan na parang may paru-paro ako sa loob ng tiyan. Karaniwan, ang idea na mabigyan ng isang promotion ay makakapag pa-excite sa akin.

Pero ang mga bagay ay nagiging komplikado kapag nagtatrabaho ka sa isang psych ward para sa baliw na kriminal.

Lalo na't si Roxanne ay bigla na lang nag-leave of absence.

At ako ang kapalit niya...

"Pasok ka, Riley," tawag ni Dr. Shaw.

Naglakad ako palapit, sinusundan sa nakakaakit na amoy ng home-baked cookies sa kanyang opisina.

Nakaupo si Dr. Aaron Shaw sa likod ng kanyang mesa, at may isang maliliit na ngiti sa kanyang mukha at isang plate ng tsokolate-chip cookies sa harapan niya.

"Gusto mo ba? Specialty nang lola ko iyan."

Tinitigan ko lang ito.

So, gumagamit tayo nang panunuhol dito, ganun?

Kumuha ako ng dalawa at kinain ang isa, ang matamis, at gooey na tsokolate ay natutunaw sa dila ko.

Pinapanood ako ni Aaron na ngumunguya at maaliwalas ang ngiti niya, at nagmukha siyang mas bata kaysa sa dapat niyang edad, na thirty.

Hindi ka na rin naman bata, Riley ...

Inalog ko ang ulo ko, sinusubukan na mag-focus sa sitwasyon ko ngayon.

Bata pa ang twenty-nine, ~Sa isip-isip ko. ~Ako ay larawan ng isang kabataan.

"So," pasimula ko pagkatapos kong kainin ang pangalawang cookie na hawak ko. "Isang promotion…?"

"Tama," sabi niya. "Makakakuha ka ng dagdag na bonus sa pagtatapos ng bawat buwan, over time, at pati na rin lahat ng mga allowance mo ay kasama."

Napauwang ang bibig ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala. Ang sobrang pera ay tiyak na malayo ang mararating.

Lalo na kung iisipin mo ang sitwasyon ko sa bahay...

Pero syempre, hindi libre ang mga ganitong bagay.

"What’s the catch?" Tanong ako.

Tumawa si Aaron. "Come on, Riley. Hindi ka dapat masyadong magduda."

Kumuha ako ng isa pang mainit-init na chocolate chip cookie. Tinaasan ko siya ng kilay.

Itinaas ni Aaron ang mga kamay niya na parang sinasabing Okay, nahuli mo ako doon. Isa siya sa mga easy going na doctor dito. Maganda ang pakikitungo niya sa akin, at itinuturing ko siyang kaibigan kaysa boss.

Nawala ang ngiti sa mukha niya, at sumandal siya, all business. “Mababawasan ang trabaho mo. Isang pasyente lang ang aalagaan mo. Pero meron siyang maliit na… reputation.”

Nakaramdam ako nang panlalamig.

"At ang pasyente na iyon ay…?"

"Si Jackson Wolfe."

Kumunot ang noo ko, sinusubukan kong alalahanin kung saan ko narinig ang pangalang iyon dati. Baka isa siya sa mga mas kasumpa-sumpang pasyente na mayroon kami dito sa ospital.

"At ano ang nangyari kay Roxanne? Ako ang kapalit niya, di ba?” Naalala ko ang masayahin, at masiglang nurse. Isang araw, bigla na lang siyang hindi pumasok sa trabaho.

"Nag-leave siya dahil sa personal na mga kadahilanan," hindi malinaw na sinabi ni Aaron.

May hindi tama tungkol dito sa bagay na ito.

Naalala ko ang mga sinabi ni Maddy.

Pero kakaiba ang nararamdaman ko... lalo ko lang na ginusto ito. Parang isang hamon.

Saka, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako curious dito...

"Okay," sabi ko, ang mga salita ko ay parang hindi magiging maganda ang wakas. "Gagawin ko."

"Great." Pinalakpak ni Aaron ang mga kamay niya. “Si Dr. Bennet ang magsasabi sayo tungkol sa profile ni Jackson. ”

“Dr. Bennet? "

“Ang bago kong assistant . Fresh out of med school."

"Ah, bago mong utusan?"

Tumawa si Aaron. "Ikaw nagsabi niyan, hindi ako."

Tumayo ako, at kinuha ang huling cookie para kainin ko habang naglalakad. Nasa kalahati na ako ng pintuan nang tawagin ako ni Aaron.

"Riley," tawag niya, sa isang seryosong expression.

"Yeah?"

“Good luck.”

***

Sa paghahanap ko sa opisina ni Dr. Bennet, ay nakita ko ang isang security guard na natutulog sa kanyang pwesto. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para manggulat.

"AHH!" Sigaw ko, at niyugyog siya.

"AGHH!" Sumigaw din siya pabalik, at gulat na gulat na bumukas ang mga mata.

Pinandilatan niya ako, at mukhang nainis.

"Pinapasama mo ang pangalan ko dito, Ken," pang-aasar ko. "Alam kong ako ang nagpasok sayo dito, pero hindi porket kapatid mo ako eh mapipigilan kong matanggal ka sa trabaho."

"Hindi ako natutulog, pinahinga ko lang mga mata ko." Sinampal ni Ken ang mukha niya ng ilang beses.

Pinisil ko ang balikat niya. Hindi ito madaling gawin, ang pumasok sa veterinary school at magtrabaho bilang isang security guard.

"Kinuha ko ang promotion na inalok ni Aaron, siguro pwede ka nang kumuha nang mas konting shifts ngayon," sabi ko.

Umiling lang si Ken. “Nah. Hindi ko pwedeng hayaan kita na saluhin lang lahat ito.” Pinakatitigan niya ako ng husto, na nakakunot ang noo niya. "Sigurado ka ba dito? Narinig kong mahirap ang trabaho sa psych wing."

"Kailangan natin ng pera," Simpleng sabi ko na lang.

"Pwede naman akong kumuha pa nang shift-"

"Hindi pwede." Tiningnan ko ang ilalim ng mata nang kapatid ko, nangingitim na ang balat doon. Mukha na siyang pagod at haggard. "Tingnan mo itsura mo. Konti na lang magiging pasyente ka na dito kaysa sa security guard."

"Minamaliit mo ang kapangyarihan ko," bulong niya na parang tauhan siya sa isang sci-fi na palabas.

"Huwag mong nang subukan," automatic na sabi ko, sabay irap ng mata. Hinampas ko siya sa balikat.

Simula nang namatay sina Mama at Papa, kami na lang ang magkasama.

Naalala ko pa ang gabing iyon nang buksan ko ang pintuan at makita ang isang pulis sa kabila nito, ang flash ng pula at asul na ilaw sa likuran niya. Isang car accident, iyon ang sinabi niya sa akin.

Mula noon, nag-palipat lipat kami, mula sa isang murang apartment patungo sa isa pa, parang nakalutang at puro utang.

Pero nakakayanan namin. Lagi naman.

"Huwag ka nang makakatulog ulit!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad ako palayo.

"Baka gusto mong ipagsigawan na lang sa buong ospital, try mo?" ganti niya.

Lumiko ako sa kanto, na may isang ngiti sa mukha ko.

Ngayon hanapin na natin si Dr. Bennet ...

***

Matapos ang ilang minuto ng paglalakad, sa wakas natagpuan ko na ang opisina niya. Kumatok ako sa pinto at binuksan iyon. “Dr. Bennet? " Tawag ako.

Humarap sa akin ang lalaki na nasa loob; nasa gitna siya ng pag-aayos nang ilang mga file.

Napahinto ako, at napakurap ng ilang beses.

Sobra siyang…

Hot.

"Tawagin mo akong Paul." Ngumiti siya, at ipinakita ang isang hilera ng perpektong puting ngipin. "At ikaw si?"

Tumagal pa ng isang segundo bago ko mahanap ang boses ko. "Riley Frazier," sabi ko. "Kapalit ako ni Nurse Roxanne?"

"Ah, ikaw ang bagong nurse ni Jackson," sabi niya. "Maupo ka. Kukunin ko lang bago mong kontrata.”

Umupo ako sa tapat niya, sinusubukan — at nabigo — na hindi siya suriin.

Kahit nakaupo, masasabi kong matangkad siya. Mga six feet ang tangkad. Mayroon siyang wavy raven black na buhok at isang jawline na kayang humiwa nang salamin.

Kahit na nakasuot siya nang doctor’s coat ay nakikita ko ang well-defined muscles niya.

Bigla akong na-conscious sa itsura ko. Sinubukan kong ayusin ang scrub ko at sinuklay ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.

Kung sinabi lang sa akin ni Aaron na ang bagong medical resident niya ay isang supermodel ~edi sana nakapag-ayosako nang mas ~presentable ~kahit papaano.~

"Ah, nandito." Inilapag ni Paul ang mga papel sa harap ko. “Basahin mong mabuti. Hindi mo gugustuhin na pirmahan ang isang bagay na hindi ka handa."

Tumawa ako.

Joke ba yun?

Sinuri ko ang kontrata. Mga karaniwang mga bagay lang na mababasa mo doon -- wala namang kakaiba. Confident akong pumirma. Nakapag-desisyon na ako bago pa ako pumasok sa kwarto na ito.

Saka, kung makakatulong ko si Dr. Bennet sa lahat ng oras, ay hindi na ako magrereklamo ...

Tumayo siya at inabot sa akin ang isang set ng mga susi.

"Makikita mo ang kwarto ni Jackson sa kanan nang hall," sabi niya. "Room 606."

"Hindi ka sasama sa akin?" Tanong ko, sinusubukan kong itago ang disappointment ko.

Tumingin sa akin si Paul at ngumiti, napatalon ang puso ko.

“As much as I'd love to, may iba pa akong dapat asikasuhin. Huwag kang mag-alala. Magkakaroon pa tayo ng oras para makilala ang isa’t isa.”

"Gusto mo magkape bukas?" Matapang kong tanong. Nasa 21st century na tayo. Natural na para sa mga babae ang tanungin ang lalaki.

"Libre mo ba?" tanong niya na nakangisi.

Kumuha ako ng isang sticky note mula sa kanyang mesa at isinulat ang number ko. Inabot ko ito sa kanya, pero imbes na kunin ito ay hinawakan niya ang pulso ko at hinila palapit sa kanya.

Napasinghap ako ng ilapit niya ako sa dibdib niya, at ang malaki niyang braso ay pumulupot sa bewang ko.

Parang nag-overdrive yung puso ko sa ginawa niya, at lumaki ang butas nang ilong ko nang maamoy ko na mabango siya.

Woodsmoke at pine ...

"Violet ba iyang nakikita ko sa buhok mo?" tanong niya.

"Ah — Oo, dark lavender, iyong kulay niya," nauutal kong sabi.

Lumapit pa siya nang konti at ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko. Isang masarap na kilabot ang naramdaman ko nang lumapit siya.

Hindi ko dapat siya hinahayaan na gawin ito...

Technically BOSS ko siya.

"Naaalala ko ang cotton candy na lagi kong kinakain sa mga karnabal dati," bulong niya. "Naalala kong masarap ~iyon"~

Pinagdikit ko ang mga hita ko nang maramdaman kong naapektuhan ako sa sinabi niya. Ang malaki, at malakas niyang kamay ay bumaba mula sa baywang ko, papunta sa pwet ko...

Holy shit, gagawin ba talaga namin

Pero bigla na lang niya inalis, at nawala ang init ng katawan niya sa akin.

"Well, duty calls," panunukso ni Paul. Lumakad siya paalis, at lumabas ng pinto. "Mag-ingat ka kay Jackson. Medyo mahirap siyang i-handle.”

Ginising ko ang sarili ko mula sa pagkatulala, at kagat ang labi. Nararamdaman ko na magiging masaya ang bagong kong posisyon higit sa iniisip ko...

Nahanap ko ang boses ko, huli na para sagutin ang komento ni Paul.

"Kaya ko siyang i-handle," sabi ko sa sarili.

Iyon sana ang iniisip ko...

***

606.

Sino ang mag-aakala na ang numerong ito ay nakaka-intimidate.

Sobrang kaba ang naramdaman ng puso ko nang ipasok ko ang susi sa lock.

Huminga ako ng malalim, nang binuksan ko ang pinto at naglakad papasok.

Natagpuan ko naka-restrain si Jackson sa kama niya ng mga leather na strap at isang Hannibal Lector-style ang nakatakip sa bibig niya. Nagpupumiglas siya nang makita akong pumasok, ang kanyang mga mata ay nanlalaki at desperado.

Sinubukan niyang sumigaw ng kung ano sa akin, pero natakpan ng maskara ang mga sinasabi niya.

"Calm down, Jackson," sabi ko sa kalmadong paraan. "Ang pangalan ko ay Riley, at ako ang magiging bago mong nurse."

Hindi niya ako pinansin, at pilit pa ring nagpupumiglas. Kung magpapatuloy ito, masasaktan niya ang sarili niya. May tumalsik na dura mula sa sulok ng maskarang suot niya, at nakaramdam ako nang pagka-awa dito.

Siguro ito yung sinasabi ng lahat na si Jackson ay mahirap i-handle...

"Kailangan mong kumalma, Jackson," mahigpit kong sinabi. "Kung kakalma ka, ay tatanggalin ko ang maskara mo para makapagsalita ka nang hindi sumisigaw. Okay?"

Pinaningkitan ako nang mata ni Jackson at huminto, dahan-dahan siyang tumango. Siya ay may kulay dirty blond na buhok at mga freckles na nakakalat sa mukha niya.

Lumapit ako sa kanya at maingat na inalis ang mouthpiece niya; nagsimula na siyang sumigaw pag-kaalis ko nito.

"ALISIN MO AKO SA MGA RESTRAINTS NA ITO SAKIN!" Sigaw niya. "HINDI AKO JACKSON WOLFE!"

Napaatras ako. Ang psychosis ay malala pa kaysa sa naisip ko.

"Jackson ..."

"Makinig ka sa akin," gigil na sabi niya. "Ang pangalan ko ay Dr. Paul Bennet. Riley ang pangalan mo, di ba? Ikaw dapat ang magiging bagong assistant ko.”

"Anong pinagsasabi mo?" Umikot ang ulo ko. "Kakatapos ko lang kausapin si Dr. Bennet..."

“NAKITA MO SIYA? AT PINAKAWALAN MO LANG SIYA? " sumabog siya sa sobrang galit. "Tignan mo ang files ng pasyente. Iyon ang dapat mong unang ginawa bago ka pumunta dito."

"Well, iyon naman talaga gagawin ko, pero nagsimula kang sumigaw at magwala—"

"NGAYON NA!" Nagpupumilit na sabi ni Jackson-na-hindi-si-Jackson.

Kinuha ko ang file sa may pintuan, at binuksan iyon. Merong larawan ni Jackson Wolfe doon. Siya ay may wavy raven black hair at isang jawline na kayang humiwa ng salamin ...

Parang nawalan nang dugo ang buong mukha ko.

Hindi si Dr. Bennet ang kausap ko kanina...

Iyon ay si Jackson Wolfe.

At nagplano lang naman ako nang isang date kasama siya habang pinapanood siyang naglalakad palayo at palabas ng ospital.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok