Mateo Santiago - Book cover

Mateo Santiago

Katlego Moncho

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Si Juniper ay isang werewolf na hindi kayang magpalit-anyo. Nang ang kanyang ama, ang Alpha, ay pinalayas siya mula sa kanyang sariling angkan, nakita niya ang kanyang sarili na isang rogue sa isang banyagang lupain. Pero malapit na niyang makilala ang isa pang alpha. Na siyang magpapabago ng kanyang buhay magpakailanman ...

Rating: 18+

View more

Maligayang Kaarawan sa Akin

JUNIPER

Ito ay dapat na isa sa pinakamasayang araw sa aking buhay. Dapat ay nasasabik ako.

Masaya.

Pero ang bigat na darating sa araw na ito, sa aking ika-labintatlong kaarawan, ay isang walang hanggang pagkabahala at pagkalungkot.

May mga inaasahan na dapat kong gawin. Mga inaasahan na kailangan kong isagawa para matanggap ako ng aking ama at ina.

Ang mga kaarawan ay isang pagsubok, o siguro sa akin lang. Hindi ko eksaktong maalala ang panahon na ipinagdiwang ito kasama ng aking mga magulang. Hindi rin dahil gusto nila ako maliban sa aking kaarawan.

Kundi, pinamigay nila ako sa aking mga lolo at lola, na isang munting himala na natutunan kong pahalagahan habang lumalaki ako. Sila ang nagpalaki sa akin, nagturo sa akin, nagmahal sa akin.

Tulad ng mga nagdaan kong mga kaarawan, ang umaga ay nagsimulang dumilim at naging kulay-abo.

Bumuhos ang ulan mula sa langit at sa mga bintana. Ang tunog ng lagaslas nito sa bahay ay pumapawi, tumatanggal ng pagod sa aking katawan.

Hindi ako kinabahan tungkol sa aking kaarawan. Dahil alam ko, ito ang dapat na mangyari. Lahat ng tao — ang aking ama, ina, aking pamilya, aming mga kapitbahay, aming angkan — ay umaasa na ako ay lalabas doon at magpapalit-anyo sa kauna-unahang pagkakataon.

Ngayon ay kukunin ko ang nararapat na posisyon bilang tagapagmana ng Alpha.

Iyon ay, kung magagawa kong magpalit-anyo sa aking lobo.

Nag-iisa akong kumain, isang pangkaraniwan na agahan na sana hindi ko inaalala.

Ang dagundong ng kulog ay nagpayanig sa kabahayan na sinundan ng malalayong tinig na gustong sumigaw ng napakalakas na nagbibigay babala sa akin sa panganib na maaaring ibunyag nito.

Sa labas, mas malakas ang ulan, at lalo pa itong lumakas ng maabot ko ang harap ng aming beranda. Ang mga tao sa aming angkan ay paikot-ikot at nag bulung-bulungan, pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi ng sinuman.

Nang, isa-isa nila akong makita ay agad silang tumahimik. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, lahat ay nandoon. Mga matatanda at bata at ang aking lolo.

Ang aking ama.

Nasa tabi niya si Jacob, mapagmataas at mayabang. Siya ay bago sa angkan, isang ulila na kinupkop ng aking ama. Ang aking ama ay humanga kay Jacob at tnuring siyang tulad ng isang anak.

Nagselos ako.

“Juniper. Halika. "

Nais kong umatras, bumalik sa aking silid, upang matulog.

Gusto ko sana.

Pero wala akong magawa. Kailangan kong gawin ang hinihiling niya.

Isang hakbang, papunta sa putikan, at ang mga tao ay nagsilayo.

"Dayton, hindi pa siya handa," pakiusap ng aking lolo. Magkamukhang-magkamukha sila pero ang mga mata ng aking lolo ay puno ng init, sa aking ama ay napakalamig.

"Kailangan niyang maging. Siya ay magiging. Wala akong anak na walang lobo.” Umasa at naghintay ang aking ama habang ako ay palapit.

"Ano ang nangyayari?" Ang aking boses ay halos pabulong, at ito ay nawala nang tumingin sa akin ang aking lolo. May takot sa kanyang mga mata. Kawalan ng pag-asa

“Pakiusap, anak. Anak mo siya. " Sa mga sinabi ni lolo, ang mukha ng aking ama ay napalitan ng isang malupit na ngiti.

“Kung si June ay karapat-dapat, siya ay magpapalit-anyo. Lalaban siya. Tulad ng lahat ng Alphas na nauna sa kanya. ” Si Jacob ay nagpalit-anyo na sa kanyang lobo. Meron siyang dugo ng Alpha, tulad ko, at kamakailan lamang siya ay naging lobo sa kanyang ika-labintatlong kaarawan.

"Masyado pang maaga."

Hindi ko alam kung nasaan ang aking lola nang umagang iyon, pero si inay ay nasa tabi, tahimik lamang na nanood at larawan ng walang pakialam. Kung magsalita siya, kahit na, ang kanyang mga salita ay kasing lamig nang sa aking ama. "Hindi ko alam kung sadya talaga. Ang bawat kagalang-galang na Alpha ay nagpapalit-anyo sa kanilang ika-labintatlong kaarawan. "

“Hindi mo naiintindihan. Kahit sinuman sa inyo. ”Lumapit ang aking lolo sa aking ama, nagmamakaawa.

"Tama na!" Ang isa pang dagundong ng kulog ay sumabay sa sigaw ng aking ama, at itinulak niya si lolo sa lupa.

"Tigil!" Nakatayo ako sa harap nila ngayon, walang magawa at takot na takot. Ang lobo ni Jacob ay mapanganib na nakatayo sa gilid. Bumaling sa akin ang aking ama, ang kanyang mukha ay puno ng galit at pananabik.

“Panahon na, Juniper. Alam mo kung anong araw ngayon. Magpalit-anyo ka at ipaglaban mo ang titulo mo laban kay Jacob. ”

Hindi ko kaya.

Sinubukan kong tawagin ang aking lobo, para sa anumang senyales ng pagbabago, pero ako ay natigil, nanigas.

Ang pag-click ng baril ay narinig, mas nakakabingi kaysa sa ulan o kulog. Nakita kong namilipit si lolo habang dumikit ang barrel sa kanyang ulo. Nanlaki sa galit ang mga mata ng aking ama, habang binabaon ang armas sa sentido ng aking lolo.

"Magpapalit-anyo ka o papatayin ko siya." Hindi gumalaw ang kanyang kamay. Hindi nanginig. Ito ay matatag, at ang mga tao ay tahimik na nanonood.

Nakiusap ako sa kanila, at sa aking ama. Nakiusap ako sa aking inner beast.

"Magpalit-anyo ka!"

"Hindi ko kaya!"

Pagkatapos ay pumutok ang baril.

***

Kumakabog ang aking dibdib at basang-basa ng pawis, bumangon ako mula sa kama, ang tunog ng putok ay umalingawngaw pa rin sa aking ulo.

Isa na namang bangungot.

Isa na namang panaginip na muling bumuhay sa pinakamasamang sandali ng aking buhay.

Ligtas ka na, June. Tapos na.

Starlet.Napabuntong-hininga ako, nakaramdam ng kaginhawaan sa kanyang mga sinabi. Bumagal ang pintig ng aking puso, hindi na ito gustong lumabas sa aking dibdib. ~Sana hindi ko na ito muling~maranasan~.~

Sana napunta ako sayo ng mas maaga.

Si Starlet ay dumating sa aking buhay pagkatapos ng isang nakakakilabot na araw limang taon na ang nakalipas, kahit na hindi pa rin namin magawa ang aming pagpalit-anyo. Hindi sinabi sa akin ng aking lobo kung bakit, at ayaw pa rin niyang sabihin. Wala naman akong pakialam. Nandiyan siya sa akin — isang mahal kong kaibigan kung kailan ko kinakailangan — at iyon lang ang mahalaga.

Isang mahinang katok ang gumulo sa amin, at bumukas ang pinto.

Ang aking lola ay pumasok sa loob, nakangiti nang makita niya akong gising na. Ang mga taon ay naging mabait sa kanya, pero ang stress ng pagkawala ng kanyang asawa, limang taon na ang nakalipas ay nag iwan ng mga marka sa mga linya sa paligid ng kanyang mga mata at ang patuloy na pagbagsak ng kanyang mga balikat.

Buong akala ko ay sisihin niya ako ng umagang iyon. Ang pagkasira ng kanyang mukha nang makita niyang patay na si lolo sa lupa ay nagpakumbinsi sa akin na siya ay mawala na rin sa akin. Ang kanyang sigaw na tumakot sa aking ama ay sapat na para ito ay umatras.

Makalipas ang ilang sandali, lumapit sa akin si lola at ako ay niyakap. Dinala niya ako sa kanyang bahay, kung saan ako nanatili sa nakaraang limang taon.

Takot na takot akong umalis, siguradong uulitin ng aking ama sa akin ang ginawa niya kay lolo. Napagpasyahan namin na mas makakabuti para sa akin na manatiling nakatago at ligtas hanggang, kung, may magtulak sa akin para umalis.

"Maligayang kaarawan, June." Pakaladkad siyang naglakad sa maingay na sahig. Sa kanyang mga kamay ay ang isang maliit na cake na may mga kandila na kumikislap sa itaas. "Humiling ka, baby girl."

Ngumiti ako at pinikit ang aking mga mata, nag-isp ng mabuti.

Ang simoy ng hangin ay pumasok sa silid. Ang mga kurtina ay bumaliktad, at ang pintuan ay sumara. Nang imulat ko ulit ang aking mga mata, patay ang mga kandila at si lola ay masama ang tingin at magulo ang buhok.

"June!"

"Sinabi mo na dapat akong magsanay sa paggamit ng mga ito!"

"Ang magic ay hindi dapat ginagamit sa ganoong paraan. Lalo na ang mga elemental na kapangyarihan. " Pinagalitan niya ako habang inaayos niya ang kanyang buhok.

Gamit ang isip, sinindihan ko ang mga kandila, ang maliliit na apoy ay muling pinaliyab gamit ang kislap ng mahika. Pinakunot ko ang aking mga labi at humihip, pa inosenteng nakangiti habang sumisingkit ang mata ni lola na nakatingin sa akin.

"Okay, okay." Tumatawa ako, sumusuko. "Patawad."

Lumambot ang ekspresyon ni lola, may ngiti sa kanyang mga labi.

Ang aking mahiwagang kapangyarihan ay lumabas nang paunti-unti sa pagdaan ng mga taon na nakatira ako rito. Ang kauna-unahang pagkakataon na nakitaan ako ng mga palatandaan ng elemental na mahika ay noong nagising akong nilalagnat at agad na pinasingaw ang banyo ng napakatagal.

Humakbang si lola, kahit na isa na naman itong hindi natural na kababalaghan tungkol sa akin. “Espesyal ka kasi, Juniper. Magagawa mo ang mga magagandang bagay, baby girl, ”sabi niya sa akin nang pumunta ako sa kanya na umiiyak.

"Umuulan na naman ba ngayon?" Tumango siya, pero hindi na ako nagulat.

Laging umuulan sa aking kaarawan.

“Lalabas ako ngayon. Kailangan kong tulungan si Tabatha may kung ano sa kanyang bahay. " Inayos niya ang buhok sa mukha ko, sabi nito na nag-alala. "Magiging maayos ka lang ba kung aalis ako ng ilang oras?"

Mahina akong ngumiti. "Sige po, puntahan mo si Tabatha sa anumang gulo na ginawa niya sa oras na ito."

Meron akong karaniwang gawain, sa kabila ng, o dahil sa, nakakulong ako sa bahay. Almusal, gawain sa paaralan, maraming eehersisyo hangga’t kaya ko, libreng oras, at pagkatapos ay hapunan. Ang mga gabi ay karaniwang inubos ko kasama si lola at kung anong kasalukuyang palabas na magustuhan nito.

Ngayon, halimbawa, natagpuan ko ang aking sarili na nakatingin sa likod ng bahay. Minsan hinahangad kong lumabas sa init ng araw o sa malamig na buhos ng ulan o maramdaman ang haplos ng hangin. Ang pananabik ay hindi mapigilan noong una, pero natutunan kong pigilin ito.

Akala ko kaya ko.

Hanggang sa nasa kalagitnaan ako ng agahan ng umagang iyon ng narealize ko na itong si Starlet ay panay ang pamimilit, tinutulak akong lumabas..

Dapat tayong lumabas ngayon.

Nanigas ako, ang kutsarang puno ng cereal ay dumikit ang kalahati sa aking bibig.

Starlet, mangyaring. Alam mo hindi tayo pwede.

Kailangan natin, June. Kinakailangan.

Hindi pwede! Anong problema mo?

Pakiramdam ko ... oras na. Hindi tamang manatili kang nakakulong. Hindi para sa isang lobo. Hindi para sa isang tao.Ramdam ko ang pagka desperado ni Star, isang balon ng kabiguan na bumubula patungo sa ibabaw.

At sa totoo lang? Nais kong ring lumabas.

Masyadong mapanganib. Paano kung may makakita sa atin?Tanong ko, pero ang mga salita ko ay walang katapatan.

Sa tingin ko hindi naman siguro marami ang lalabas ngayon.

Tama si Starlet, syempre. Kulay-abo, at ang panahon ay hindi maganda. Karamihan ng aming mga kalahi ay pipiliing manatili sa loob ng bahay, tama ba?

Pwede tayong mag lakad-lakad sa kagubatan. Alam mo, mahirap kang makita doon.

Hindi ko na kailangan ng mas maraming pangungumbinsi.

May kagat ng hangin sa labas, pero bumuhos ang ulan. Sa kabila nito, nagmadali ako papunta sa likod ng balkonahe hanggang sa ilalim ng mga puno.

Ang bahay ni lola ay nakahiwalay at nakabantay sa mga kagubatan na nakapalibot sa aming angkan. Halos walang tao ang nakipagsapalaran malapit dito, at hinala ko si lola ang nasa likod nito.

Ang paglalakad sa mga kakahuyan ay nakapagpapalaya. Ito ay payapa, tahimik maliban sa mga dahon at mga sanga na nadudurog at pumuputok sa ilalim ng aking mga paa. Mahinang huni ng mga ibon mula sa kanilang mga pugad.

Sana maramdaman natin ang araw.

Napakagandang isipin. Ang kawawang si Starlet ay nakatikim lamang sa labas ng mundo bago siya nakatago sa bahay kasama ko.

Wala ka bang magagawa, June?Nagsusumamo siya sa akin.

Gusto ko. Si Starlet ang matalik kong kaibigan. Sinamahan niya ako sa lahat ng hindi magagandang bahai nitong nakaraang limang taon. Pinapanatili niya akong matino at isa sa iilan na tunay na nagmahal sa akin.

Pero ano ang magagawa ko? Hindi ito tulad ng panahon na pwede kong pigilan..

Pasensya na, Star.Bumuntong-hininga ako.

Naramdaman kong nanlumo si Star, nadurog ang kanyang puso, nabasag ito kasama ng sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata, isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.

Anong klaseng buhay ito? Kailangan naming lumusot sa aming sariling bakuran sa takot na makita kami. Kailangan naming ipagsapalaran ang aming buhay para matikman ang hangin, ang maramdaman ang araw sa aming balat.

Kung pwede sana ...

Bigla, lumakas ang hangin, kinaluskos ang mga puno at ginulo ang mga ibon.

Nanlaki ang aking mga mata nang ang mga ulap ay biglang nagbago at lumiwanag, at lumabas dito ang araw.

Maningning at mainit at maliwanag.

Nakatayo ako doon , hindi gumalaw, nakababad dito. Nararamdaman kong dumipa si Star na parang isang bulaklak na namumukadkad, ang kanyang kaluluwa ay umakyat sa kalangitan.

Hindi ko mapigilang tumawa. Marahil ang maliit na swerte na ito ay ang regalo sa akin ng mundo sa aking kaarawan.

"Ikaw!"

Tumalon ang aking puso nang manumbalik ako sa aking katinuan.

Sa isang iglap, isang malakas na kabog, ang nagpaikot-ikot sa akin nang makita ko ang isang estranghero, lumilitaw at hindi kilala.

Congrats!

Natapos mo ang iyong unang daily episode ng Mateo Santiago. 🏆 Ito ay isang immersive na kwento designed to fit sa iyong busy schedule. Everyday, may isang bagong episode na 5-10 minutes ay mare-release.

Gusto Mo Pa?

Kung gusto mong magbasa nang magbasa, you can do this sa pamamagitan ng pagbili o pag-earn ng mga points via the Skip the Wait button na nasa dulo ng episode. Pwede ka ring magkaroon ng mga points via the Free Points button sa Discovery Page, at kapag nag iwan ka ng comment sa bawat countdown screen. 1 comment = 1 point (max. 1 point bawat araw)

💸💸💸

Mga Tip sa Pro ...

Pwede kang manatiling up-to-date sa mga darating pa na mga kwento via the News icon. 📰 Kung kailangan mo ng tulong sa pag-navigate sa app, o may mga question ka or issue, pwede mong gamitin ang Support icon. 💬 Ang mga icon na ito ay matatagpuan sa Discovery Page. 🔍

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok