Ni hindi alam ni Belle na mayroon palang mga shifters. Sa isang eroplano patungong Paris ay nakilala niya ang Alpha na si Grayson, na siyang umaangkin at nagmamay-ari raw sa kanya. Minarkahan si Belle ng possessive na alpha na ito at dinala sa suite nito kung saan pilit niyang sinusubukang labanan ang namumuong pananabik sa kanyang sarili. Makukumbinsi ba si Belle ng kanyang mga ninanais o mapipigilan kaya niya ang kanyang sarili?
Rating ng Edad: 16+
BELLE
Huminga ako ng malalim habang naglalakad ako sa airport, dala-dala ang aking maleta. Tila hindi ko mapakalma ang aking sarili, kahit anuman ang gawin ko.
Ayoko talagang sumasakay ng eroplano.
At ang pagbiyahe ng labing isang oras patungong Paris ang huling bagay na nais kong gawin isang araw bago ang Bisperas ng Pasko. Ngunit nakiusap sa akin ang aking ina na magpalipas naman ako ng holidays kasama niya at ng kanyang asawa.
Alam kong iniimbitahan lang niya ako dahil nagi-guilty siya.
Hindi ko siya nakita sa loob ng higit limang taon, pero parang wala lang sa kanya noong iniwan niya ako pagkatapos magkasakit ni papa.
Isang taon lamang ang kinailangan niya para makapag-asawang muli at magkaroon ng isa pang anak. Tuluyan na niyang pinutol ang kahit anumang ugnayan na meron siya sa amin ni papa, na para bang balewala na lang kami sa kanya.
Kaya naman nung inimbitahan niya ako para puntahan siya ay asar na asar talaga ako.
Pero wala naman akong choice. Ang pagpunta ng Paris lang ang tanging option ko kung ayaw kong mag-Pasko ng mag-isa.
Ang pagdaan sa security ay mas madali kaysa sa aking inakala, at hindi naman ako nagkaroon ng problemang mahanap ang aking gate. Ngunit kahit na parang ang swerte ko ngayon, hindi ko pa rin maiwasang hindi mapalagay.
May dalawang iba pang beses akong sumakay ng eroplano sa aking buhay, parehong sa mga kadahilanang nais kong iwasan.
Ang unang pagkakataon ay para sa libing ng aking lola sa Florida. At ang pangalawa ay para sa kasal ng aking ina sa Paris sa isang lalaking hindi ko pa noon kilala - isang lalaking hindi ang aking ama.
Kaya naman, hindi lang paglipad 'yung lubos na nakakatakot, kundi dahil palagi rin ako nitong hinahatid sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon. Alam kong wala ring mag-iiba sa pagkakataong ito.
Halos kalahating oras rin ang hinintay ko para makasakay. Gusto kong maging maaga para ma-sigurado na hindi ako mahuhuli para sa flight ko. Ayoko nang magbayad pa ulit.
Habang nasa eroplano, hindi ko mapigilan ang aking mga kamay mula sa panginginig. Ngumiti sa akin ang isang flight attendant nang madaanan ko siya, at nang mapansin niyang kinakabahan ako ay binigyan niya ako ng isang mapagpanatag na tango.
Sa abot ng aking makakaya ay sinubukan kong masuklian siya ng isang ngiti.
Nang makarating ako sa aking kinauupuan, sa malayong likuran ng eroplano, nasagi ng aking paningin ang isang lalaki na makakasama ko sa susunod na labing isang oras.
Tinitigan niya ang aking katawan pataas at pababa, huminto ng sandali sa aking dibdib, bago magkasalubong ang aming mga mata.
Napangisi siya, "Kamusta ka naman diyan?"
Great. Just perfect.
Palilipasin ko ang susunod na labing-isang oras na pinagnanasahan ng creep na iyon.
"Okay naman," bulong ko.
Ipinagwalang bahala ko si Mr. Creeper, kinuha ko ang aking dalahin at binuhat ito para mailagay sa overhead compartment.
Nang mapansin ko na yung ungas-na ngayon ay pinapanood akong magpakahirap-ay inilagay yung maleta niya sa gitna ng compartment, nagalit ako, sinubukan kong i-usog iyong maleta niya gamit yung isang kamay ko habang nagpupumilit na isiksik yung sa'kin sa tabi nito.
Aayusin ko na sana ang aking bagahe nang maramdam ko na may mga kamay na naka-paikot sa aking baywang, humihipo sa lantad na balat ng aking tiyan, kung saan tumaas ang aking kamiseta.
Sa buong pag-aakalang si Mr. Creeper ito, sinubukan kong lumukso papalayo, ngunit napatigil ako nang humigpit ang hawak ng mga kamay na ito sa akin at nakaramdam ako ng nginig sa aking buong katawan.
Lumingon ako para makita kung kanino yung mga kamay na nakahawak sa akin, at naramdaman ko na lang na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.
Napakakisig niya...Napaka matipuno na halos parang nakakatawang narito siya sa maliit na eroplanong ito.
Yung muscles niya ay batak na batak sa kanyang itim na shirt at maong na pantalon, na nagpapahiwatig sa akin na marami siyang inubos na oras sa gym.
Mayroon siyang kulay tsokolateng buhok, nakakahalinang kulay luntiang mga mata, at isang panga na tila maaaring makakahiwa ng papel.
Ang kanyang mga labi ay nakakaakit at buong buo, at hindi ko namalayang napasandal na pala ako sa kanya, iniisip kung ano ang pakiramdam kapag dumampi ang aking mga labi sa mga labi niya.
Isang biglaang malalim na ungol ang nagpabalik sa akin sa pagkakatayo, at aming mga mata ay nagkasalubong kaya't nalaman kong pinapanuod niya ako habang sinisiyasat ko siyang maigi. Agad na namula ang mga pisngi ko, ngunit bago pa ako mapahiya ng sobra, nagsalita siya.
"Mine. Mate," aniya, ang kanyang malalim at husky na boses ay ruminig sa aking tainga. Mahigpit niyang hinawakan ang aking baywang habang binababa niya ang kanyang noo upang salubungin ang sa’kin, at huminga siya ng malalim.
Sasampalin ko na sana siya, ngunit sa halip ay ipinikit ko na lang aking mga mata at sinamyo ang pakiramdam ng mga braso niyang nakapalibot sa akin habang ang nakakahalinang kilig ay dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko lubos maisip na posibleng makaramdam ako ng ganito.
Naramdaman kong iginalaw niya ang ulo niya tungo sa bandang leeg ko upang sumiksik rito. Ikiniling ko naman ang aking ulo upang magbigay daan sa kanya, na siya namang kinatuwa niya.
Matapos ay naramdaman kong naglagay siya ng isang malumay na halik sa pagitan ng aking leeg at balikat. Una kong naramdaman na nanghina ang aking mga tuhod, sinundan ng pamamanhid ng aking katawan habang isang buntong hininga ang lumabas sa aking mga labi.
Ngumiti siya sa aking leeg, marahang natawa at sinuportahan ako sa kanyang mga braso upang tuluyan akong makasandal sa kanya at hindi matumba.
Pakiramdam ko, ako’y parang nasa langit.
Isang pagtikhim ang nagmulat sa akin mula sa aking ulirat, bumahing na lang ako at pilit na kumalas mula sa pagka kakapit, inaalala kung nasaan ako.
Sa kasamaang palad, habang sinusubukan kong itulak ang misteryoso at napaka gwapong lalaking iyon palayo sa akin, nakalimutan ko na nakahawak pa rin pala ang isang kamay ko sa aking bagahe sa overhead compartment.
Narinig ko ang aking maleta na dumulas pabagsak sa akin at mabilis na pinangsalag ang aking mga braso, wala nang magawa kundi hintayin na matamaan ng matitigas na sulok nito ang aking ulo.
Ngunit walang nangyari, at sa halip ay narinig ko ang mga katagang, “Careful, beautiful.”
Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko, na may isang kamay pa rin na nakaalalay sa ilalim ng aking kamiseta, mismo sa aking lantad na likuran. Ang isa niyang kamay ngayon ay nakasalo sa aking maleta na nasa itaas ng aking ulo.
Ngumiti siya sa akin at kumindat bago isuksok ang bag ko sa kompartimento at isara ito ng tuluyan.
Habang ang kanyang kamay ay nanatili sa aking likuran, lumingon siya upang tingnan ang babaeng nasa likuran niya na nagsisikap na makuha ang aming atensyon sa matinding iglap naming iyon. Mukha namang nagulat ang babae, at nag-aalangan ng tumikhim muli.
"Sorry, kailangan ko lang pumunta sa pwesto ko, at nakaharang kayo sa daan. Hindi ko sinasadyang madistrobo ang reunion ninyo. Halatang matagal kayong hindi nagkikitang dalawa.” Aniya ng may matamis na ngiti.
Gusto ko sanang linawin ang katotohanan, kaya naman ay ibinuka ko ang aking bibig upang sabihin na hindi ko kilala ang lalaking iyon pero naunahan niya ako.
"Hinahanap lang namin yung pwesto namin. Paalis na rin kami. ” Ang kanyang boses ay matatas at tiyak.
Mapagpasalamat na tumango ang babae.
Nagsimula na akong lumakad palayo, upang makatakas sa pambihirang sitwasyong iyon, ngunit hinigpitan lamang ng lalaki ang kanyang pagkakahawak sa akin.
Sumandal siya at bumulong sa tenga ko: "Not so fast ... You’re not getting away that easily."
Pagkatapos ay napatingin siya sa nakakilabot na lalaking magiging katabi ko sa flight na ito. "Lumipat ka," sabi niya rito.
Si Mr. Creeper ay nakaupo pa rin doon at natulala ng ilang segundo, malamang na pinoproseso pa rin ang mga pangyayari. Naisip ko ay mabuti na lang at nakita niya kami.
"Ano?" tanong niya.
"Alis," ulit ng makisig na lalaki. "Ako ang nakaupo riyan."
"Sorry? Hindi ako lilipat. Ito ang upuan ko."
Napaangil ang lalaking nakahawak pa rin sa akin. "Heto, kunin mo na yung sa akin." Inabot niya kay Mr. Creeper ang kanyang ticket. "First class yan," aniya, habang pinapanood ang lalaking nakatitig sa tiket nang nakataas ang isang kilay.
"Ngayon, umalis ka na riyan," dahan-dahan niyang sinabi—halos nagbabanta—na para bang hinahamon niya ang lalaki na kuwestiyonin pang muli ang kanyang mga utos.
Tumingin sa amin yung creep na yun ng isa pang beses bago siya tumayo at mabilis na kinuha ang kanyang bag, nagmamadaling dumaan sa amin nang hindi man lang nakikipag eye contact. Pinanuod ko ang mga pangyayaring ito, manghang-mangha.
Ano’ng nangyari? Naging kakaiba talaga ang araw na ‘to.
"Go on, gorgeous," sabi ng bago at misteryosong kapitbahay ko, marahan niya akong pinadaan tungo sa window seat habang malapit na nakasunod sa aking likuran.
Umupo ako at pinagmasdan siyang umupo sa tabi ko. Hindi ako sigurado kung ano ang sasabihin, medyo nabigla pa rin at nahihiya sa mga nangyari.
"Um, sorry tungkol sa kanina," bulong ko, habang iniipit ang isang hibla ng ligaw na buhok sa likod ng aking tainga, at nakababa ang tingin. Gusto ko talagang magustuhan niya ako. "Hindi talaga ako ganun ka-pisikal sa mga taong hindi ko naman kilala, promise."
Kabado akong natawa. Nang hindi siya tumugon, tumikhim na lang ako.
"O sige ... bakit mo na lang pinagpalit yung first class ticket mo para lang sa pwestong ito?"
Biglang may humawak sa aking baba at ibinaling ang ulo ko. Nagtama ang aking mga mata at ang kanya, at hinawakan niya ang aking pisngi sa kanyang kamay.
"Dahil gusto kong makasama ka," mariing sabi niya.
Hinaplos niya ang aking pisngi ng kanyang hinlalaki habang lubusang sinisiyasat ang aking mukha.
"Wow, paano ako naging ganito kaswerte?"
Humiwalay ako sa kanya, hindi sigurado kung paano tutugon. Mali siguro ang pagkakarinig ko.
"Sorry, ano’ng sinabi mo?"
Ngumiti lang siya at umiling. "Nothing. Don’t worry about it, beautiful." Humilig siya sa akin mula sa tapat ng armrest. Masyado kaming magkalapit para sa dalawang estranghero.
“I’m Grayson. Ano’ng pangalan mo?"
Halos para akong nataranta, narinig ko na lang ang sarili kong nag salita, "Belle."
Lumawak ang ngiti niya. "Belle," sabi niya sa sarili. "My Belle."
Napakaganda ng kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang titigan ang mga ito. "U-huh...," wala sa sariling sabi ko.
Nagpakawala siya ng buongpusong halakhak. May sinabi ba akong nakakatawa? "Malakas ang ating bond; Nasisiguro ko."
Ako lang ba, o sadyang walang katuturan ang mga pinagsasasabi niya? "Ano? Anong bond?" Tanong ko.
Inalis niya ang isang ligaw na hibla ng buhok mula sa mukha ko. "Huwag mo nang pag alalahanin ang sarili mo tungkol doon."
Muli na naman akong hinila mula sa kawalang-ulirat na tila ay patuloy niya akong ipinasasailalim, nang may isang sanggol sa likuran namin na umiyak ng malakas. Nang mapagtanto ko kung gaano ako kalapit sa lalaking iyon—Grayson—napaatras ako.
Naramdaman ko na ang kanyang paghinga sa mukha ko.
Muli ay kabado akong tumawa, saka pinatong ang mga kamay ko sa aking kandungan, habang sinusubukang hindi magmukhang asiwa gaya ng tunay na nararamdaman ko.
Iniisip siguro ng lalaking ‘to na isa akong nutjob.
"So, business or pleasure?" tanong ni Grayson.