Ang Nawalang Prinsesa - Book cover

Ang Nawalang Prinsesa

Holly Prange

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Si Everly ay namumuhay sa takot buong buhay niya, pero lumala ang lahat nang ibenta siya ng kanyang mapang-abusong madrasta sa pagkaalipin. Napilitang mabuhay sa isang masalimuot ng kabilang mundo ng mga halimaw na nauuhaw sa kanyang dugong birhen, nawawalan na ng pag-asa si Everly--iyon ay hanggang siya ay nakatakas sa Red Moon Pack.

Doon niya nakaharap ang guwapong Alpha Logan, ang kanyang nakatakdang mate. Pero ang dati niyang mga panginoon ay hinahabol ang kanyang landas.Makakaya ba ng bago niyang pack na ang talunin ang mga ito?

Rating ng Edad: 18+

View more

Chapter 1

Everly

“Everly! Bumangon ka! Napakatamad mo! Gutom na ako!" tawag ng malakas at nakakasuklam na tinig ni tita sa hagdan.

Nagpakawala ako ng isang pagod na daing habang itinatapon ang manipis at makati na kumot bago magmadali na magbihis.

Mabilis kong hinila ang kupas na kayumangging bestida na nakatiklop sa upuan sa sulok.

Ito ay isa sa tatlong mga damit na pagmamay-ari ko, lahat mana ko mula sa aking Tita Lutessa.

Nakakakuha siya ng isang buwanang bayad mula sa mga account na iniwan sa akin ng aking mga magulang. Ang pera ay inilaan upang bilhin para sa akin ang mga bagay na kailangan ko.

Gayunpaman, inaangkin niya na sapat lamang ito para sa pagkain at bayarin sa bahay upang mapanatili ang aming tubig at kuryente at isang bubong sa aming mga ulo.

Alam kong nagsisinungaling siya. Sa tuwing siya ay may sweldo, umuuwi siya na may dalang mga bag ng bagong damit at alahas para sa kanyang sarili.

Tiningnan ko ang aking sarili sa basag na salamin na nakatukod sa pader at nagbitaw ng isang buntong-hininga bago ipusod ang aking mahaba at maitim na buhok.

Nagmadali akong bumaba ng hagdan at pumasok sa kusina, kung saan nahanap ko ang aking tiya na nakaupo sa mesa at gumagamit ng cell phone.

Hindi ako sigurado kung ano ang ginagawa niya, bagaman positibo ako na hindi ito mahalaga.

Sa hinuha ko, nagtitingin siya sa isa sa kanyang mga social media account.

"Hay salamat, wala ka talagang silbing bata ka," sabi niya habang nakikita niya akong papasok sa silid.

“Pasensya na po, Tiya Tessa. Nasobrahan lang po ng tulog,” ang bulong ko habang mapagpakumbabang yumuyuko. Sinusubukan ko ang aking makakaya upang hindi mapasama sa kanya, o sa totoo lang, hindi lalong mapasama sa kanya..

"Ayoko ng palusot, puta! Gumawa ka lang ng agahan nang makapasok ako sa trabaho! Ang iba sa atin dito kailangang maghanapbuhay!"

“Opo, tita. Pasensya na po tita,” mabilis kong sagot habang naglalabas ng mga sangkap sa ref.

Inilagay ko ang lahat sa kalan habang sinisimulan ko siyang gawan ng isang hamon at keso na omelette na may kamatis at spinach.

Umuungol ang aking sikmura at naglalaway ako habang pinapanood na maluto ang pagkain sa kalan. Gusto ko rin.

Pinapayagan lamang ako ng aking tiyahin na kainin kung ano ang natitira sa plato niya, na madalas kakaunti lang. Ginagawa ko ang aking makakaya upang magpuslit, ngunit kailangan kong mag-ingat.

Minsan ay nahuli niya ako na kumakain ng ilang tira niya sa ref, at pinalo ako. Ako ay nasaktan at halos hindi makagalaw nang maraming araw pagkatapos nito.

Galit ako sa buhay ko ngayon. Hindi naman dati ganito. Ang aking mga magulang ay kamangha-mangha at mapagmahal.

Palagi nila akong pinapatawa at sinasabi sa akin kung gaano nila ako kamahal. Inaaliw nila ako at yayakapin tuwing nasasaktan ako o nalulungkot.

Napakalapit namin. Pero anim na taon na ang nakalilipas, naaksidente ang sasakyan nila na siya nilang ikinamatay.

Kasama ko dapat sila ngunit nangyaring nakitulog ako sa isang kaibigan nang gabing iyon. Ngayon, araw-araw kong pinagsisisihan na hindi ko sila kasama. Namimiss ko sila.

Namimiss ko ang dati kong buhay. Nasasabik ako sa aking malaki at magandang bahay na may malaking hardin sa likod kung saan ako naglalaro. Noon ay mayroon akong mga kaibigan, magulang; masaya ako.

"Huwag nang managinip ng gising, taba!" sigaw ni Tita Tessa, na inilalabas ako sa aking iniisip.

Inilipat ko ang omelette sa isang plato at dinala ito sa kanya bago siya ipagbuhos ng isang tasa ng kape na may paborito niyang creamer at isang wisik ng gatas.

Nagsisimula akong maglakad palayo upang masimulan ang natitirang mga gawain sa bahay nang pinahinto niya ako.

“May bisita ako ngayong gabi. Linis-linisin mo naman ang bahay. At habang nandito siya, huwag kang makakaalis sa iyong silid. Huwag ka ring mag-iingay, ”utos nito habang dinuduro ako.

Mabilis kong tinango ang ulo ko bago umalis.

Madalas siyang may iba't ibang mga lalaki na dumarating at ilalabas siya; madalas silang bumalik at magtungo sa kanyang kwarto.

Sa lahat ng oras, nagpapanggap ako na wala ako sa aking tinaguriang silid, ang maliit na espasyo ng attic sa itaas ng sala.

Ang natitirang araw ay ginugugol ko sa paglilinis, pagpupunas, pagwawalis, paglalampaso, paghugas ng pinggan at paglalaba, at paglilinis ng banyo at lahat ng iba pa.

Hindi ko na kailangang bigyan ng iba pang dahilan ang aking tiyahin para bugbugin ako. Katatapos ko lang nang marinig ko ang doorbell.

Napatalon ako sa gulat at tumingin sa pintuan, iniisip ko kung dapat ko itong buksan o hindi.

Karaniwan ayaw niyang malaman ng kahit sino sa kanyang mga "bisita" na nandito ako, ngunit sigurado akong magagalit siya sa akin kung aalis sila dahil hindi ko sila pinapasok.

Tumayo ako sandali bago magbitaw ng buntung-hininga at magtungo sa pintuan.

Binuksan ko ito upang makita ang isang lalaking nakatayo sa harapan ko na may maitim na balbas at bigote.

Napapanot na siya, at mas matangkad lamang siya sa akin nang kakaunti.

Nanliit ang kanyang mga kayumanggi na mata sa akin habang tinitingnan ang aking katawan, na nagpaparamdam sa akin ng pagkahilo.

Ang sulok ng kanyang manipis na bibig ay naging isang ngisi, at nanigas ang aking katawan.

Hindi ako komportable sa pagtingin sa akin ng taong ito, at ngayon ay pinagsisisihan ko na ang pagbukas ng pinto.

Isinara ko ito nang bahagya upang maging handa akong ibagsak ito sa kanyang mukha kung kinakailangan.

Itinuwid ko ang aking katawan hanggang sa aking buong taas at inipon ang aking lakas ng loob. Tinanong ko siya, "Ano po ang maitutulong ko?"

“Nandito ako para kay Lutessa. Hindi ko alam na mayroon siyang katulong…” nagsimula siyang sabihin habang humakbang siya papalapit, at nilalabanan ko ang kagustuhang umatras.

"Wala pa siya sa bahay," sagot ko bago huminto, hindi sigurado sa kung ano pa ang dapat kong sabihin. Dapat ko ba siyang hilingin na mag-iwan ng mensahe? O bumalik na lang?

Dapat ba akong mag-alok sa kanya ng maiinom? Hahayaan ko ba siyang maghintay sa sala?

Ayokong mapag-isa kasama siya, ngunit hindi ako sigurado kung ano ang gagawin ni Lutessa kung paalisin ko siya.

“Ayos lang. Maghihintay ako, ”ang wika ng lalaki habang tinabig ako pagpasok niya sa harapang silid, na ikinadapa ko.

Nasalo niya ako sa baywang at hinila ako palapit, napasimangot ako sa amoy ng panis na sigarilyo.

Humahawak siya ng mas matagal kaysa sa kinakailangan, at mabilis akong kumawala sa kanyang hawak at humakbang palayo.

"O — Okay, p — puwede na lang po kayong maghintay d — dito, kung ganun," nauutal na sabi ko nang magsimula akong pangunahan ng aking nerbiyos.

Nginisian niya ako, tila nasisiyahan na pinakakaba niya ako.

Lumakad siya patungo sa akin habang patuloy akong umaatras hanggang sa mabangga ko ang pader.

Ang kanyang mga kamay ay umakyat sa magkabilang gilid ko, kinukulong ako habang nakasandal siya sa akin at marahang nagsasalita malapit sa tainga ko.

"Maaari akong mag-isip ng ilang mga paraan upang palipasin ang oras ...," sabi niya habang ang kanyang kamay ay nagsisimulang hawakan ang aking hita at magpunta sa ilalim ng laylayan ng aking damit.

Kinuha ko ang bisig niya at pinigilan ito, at nagtagpo ang mga mata namin.

"Tumigil ka," pilit kong sagot.

"Huwag ka nang patukso diyan," sabi niya bago hinawi ang kanyang kamay mula sa mahigpit kong hawak.

“Ako — hindi ako. Hindi lang ako i—interesado,” wika ko bago huminga nang malalim upang kumalma.

"Si Lutessa ay pauwi na rin, at maaari kang maghintay sa sofa," mahigpit kong sabi sa kanya bago tumalikod at maglakad palayo.

Kinuha niya ang bisig ko at hinila ako papunta sa kanya, at agad ko siyang hinampas ng aking libreng kamay.

Isang malakas na palo ang umalingawngaw sa maliit na bahay, na sinundan ng isang saglit ng katahimikan.

Nanlaki ang mga mata ko nang sumeryoso ang mukha niya at lumingon siya sa akin. "Ikaw puta ka!" Nagsisimula na rin siyang sumugod sa akin, at tumalikod ako para tumakbo.

Nahila ang ulo ko patalikod sa pagsabunot niya sa akin. Nagpakawala ako ng isang daing bago niya ako ibinangga sa pader.

Sumasayaw ang mga madilim na tuldok sa aking paningin habang ako ay napaluhod.

Bulag kong inaabot ang aking mga kamay, sinusubukang itayo ang aking sarili, ngunit tumama ang kamao niya sa mukha ko at natumba ako.

Nagpakawala ako ng daing habang namimilipit sa sahig sa sakit. "Parang awa niyo na po!" Nagmamakaawa ako. "Tama na po!"

Hindi siya nakikinig habang ibiniling niya ako pahiga at sumampa sa akin upang pumatong sa balakang ko.

"Manahimik ka ngang puta ka. Ibigay mo na lang sa akin ang gusto ko,” utos niya bago hawakan ang leeg ng damit ko at winarak ang harapan upang ilantad ang payak na bra na suot ko sa ilalim.

Ang aking mga kamay ay umabot sa aking harapan habang sinusubukan kong itulak siya palayo.

Nagpupumilit siya na kunin ang aking mga bisig, at sa wakas ay nakaya kong makuha ang isang mabigat na ceramic na ashtray sa ibabaw ng lamesa.

Hinampas ko ito sa ulo niya and bumagsak siya papalayo sa akin.

Mabilis akong bumangon upang tumakbo palayo, ngunit ang kanyang kamay ay dumakma sa aking bukung-bukong, dahilan upang madapa ako sa aking mukha.

Sa sandaling iyon, narinig ko ang tunog ng pintuan habang pumipihit ang hawakan nito at ito ay bumukas. Pumasok si Tita Tessa at agad na nanigas nang makita kami.

"Anong nangyayari dito?!" sigaw niya habang nagmamartsa patungo sa amin habang ang lalaki ay nagkukumahog na tumayo.

Habang nagsisikap din akong tumindig, hinatak ako ng aking tiyahin sa braso.

"Nilalandi mo ba si Dean, hayop ka?!" sigaw niya habang niyuyugyog ako.

“H — HINDI! S — sinubukan niya po akong gahasain! ”

"SINUNGALING!" sigaw niya habang inaalog niya ulit ako.

"Sinong lalaki naman ang magnanasa sa isang mataba at walang kwentang pokpok na tulad mo?! Wala kang kwenta! At oras nang malaman mo iyan! ”

BInuhat niya ako sa harapan niya bago ako hinampas sa mukha.

Agad ang kirot habang lumipad ang aking kamay upang takpan ang aking pisngi at luha ang pumuno sa aking mga mata.

Bahagyang huminahon ang kanyang mukha bago siya lumingon sa kababuyan na nakatayo lamang doon at pinapanood ang eksena.

“Dean, hintayin mo ako sa sasakyan. Kailangan kong turuan ang haliparot na ito ng aral bago ang ating date. Lalabas din ako. ”

Tinitigan ako nito at tumango bago umalis.

Pinunasan ko ang aking basang pisngi habang naririnig ko ang pagsara ng pinto, at ang aking tiya ay tumungo sa aparador at bumalik na may sinturon.

"Parang awa nyo na, Tiya Tessa," pagsusumamo ko sa kanya. "H-hindi ako nagsisinungaling! Pinilit niyang pumasok. S — sinaktan niya ako… ”

"Bakit mo palaging sinisira ang buhay ko?!" sigaw niya sa akin habang hinahagupit ako ng sinturon.

Likas na ihinarang ko ang aking mga bisig sa harap ko upang maprotektahan ang aking sarili, at kumagat ang sinturon sa aking mga braso.

Itinapon niya ako sa sahig, at napadapa ako nang paluin niya ako ulit ng sinturon.

Paulit-ulit niya akong hinahampas habang nakayuko na ako sa sahig, sinusubukan ang aking makakaya upang protektahan ang aking ulo at leeg sa paghagupit niya.

Nang sa wakas ay nagsawa na siya, binitawan niya ang sinturon sa sahig at tumungo sa harap ko.

"Pagkabalik ko, malinis na dapat itong lahat! Naririnig mo ako, tamad na puta ka?! "

Nagsisimula akong humikbi, kinakaya na lamang na bigyan siya ng kaunting tango.

Tumalikod na siya at iniwan akong nakahandusay sa sahig na may mga pasa at hiwa na bumalot sa aking katawan.

Nanatili ako roon habang ang aking katawan ay napupuno ng aking malulungkot na daing. Ang aking buong katawan ay madulas at malagkit sa dugo.

Masakit gumalaw, ngunit ayaw ko nang mabugbog ulit.

Matapos ang parang magpakailanman, naibangon ko ang aking sarili at nilinis ang kalat bago gumapang sa shower upang magbanlaw.

Sa paglaon ay bumagsak ako sa aking kama, na isang luma at maruming kutson sa sahig. Bumaluktot ako at nagtalukbong sa makati kong kumot.

Lahat ng aking galaw ay mabagal at masakit, at kung hindi dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung makakatulog ako.

Sa kabutihang palad ko, pagod na pagod ako, at kinuha na rin ako ng kadiliman. Hindi ko alam kung gaano katagal ako makatulog bago punan ng boses ng tiyahin ang silid.

"Bumangon ka, Everly! Bihis! Kailangan na nating umalis!” utos niya.

Bumukas ang aking mga mata at tumingin ako sa paligid na naguguluhan. Madilim pa rin.

"Ano ang nangyayari? Pupunta saan? " inaantok kong tanong, sinusubukan pa ring maintindihan kung ano ang nangyayari.

"Basta bilisan mo at gawin mo na ang sinabi ko, wala kang kwenta!" tugon niya bago ibinagsak ang pinto at nagmartsa ulit pababa.

Nagsusumigaw ang aking katawan habang pinipilit kong bumangon at magbihis ng isang maruming puting damit.

Isinuot ko ang aking sapatos at bumaba, kung saan nakita ko si Tiya Tessa na naghihintay sa pintuan na nakasuot ang kanyang coat.

Ang kanyang paa ay tumatapik sa sahig nang walang pasensya, at tumingala siya sa akin habang nagsisimulang bumaba ng hagdan mula sa attic.

"Bilisan mo! Tumatakbo ang oras!”

Binuksan niya ang pintuan at nagsenyas sa labas sa kanyang kotse na naka-park sa harap. "Ti—"

“Manahimik ka! Halika na lang! Pasok!" Umiling ako at sumakay sa harap bago mag-seatbelt.

Isinandal ko ang aking noo sa bintana habang papalibot ang aking tiyahin at sumakay sa driver seat.

Ang malamig na salamin ay masarap sa aking balat, at ipinikit ko ang aking mga mata, huminga ng malalim.

Nagmamaneho kami sandali, at maya-maya ay nakakatulog ako.

Paggising ko wala akong kaalam-alam kung nasaan kami, ngunit napansin ko na tatlong oras na mula nang umalis kami sa bahay. Saan niya ako dadalhin? Ano ang nangyayari?

Nagsisimula na akong kabahan. Umayos ako ng upo at nagsimulang tumingin sa paligid, sinusubukan kong malaman kung mayroong anumang mga palatandaan o landmark na nakikilala ko.

Hindi nagtagal, pumasok kami sa isang malaking lungsod, at siya ay paikot-ikot sa mga kalsada.

Ang aking pagkabalisa ay patuloy na lumala sa patuloy kong pagsisikap na alamin kung saan kami papunta. Lagi niya lang akong sinasabihang manahimik o hayaan siya.

Kumakalam ang aking tiyan habang pinapanood ang mga gusali sa paligid namin. Tila paluma nang paluma ang mga ito habang nakakalayo kami.

Sa wakas, huminto kami sa harap ng isang simpleng bricks na warehouse na may itim na pintuan. Kinakaladkad ako ni tita rito at nag-doorbell.

Isang malaking lalaki na nakasuot ng masikip na itim na T-shirt at maong ang sumagot na nakahalukipkip. "Sabihin niyo ang pangalan niyo at kung ano ang pakay niyo dito," masungit nitong sabi.

“Lutessa Andrews. May meeting ako kay Lord Vlad Lacroix," sabi niya habang mahigpit na hawak ang aking braso.

Tumango ang guwardiya at humakbang pabalik,at pinadaan kami bago kami patuluyin sa isang madilim na pasilyo.

Parang kung anong lumang bodega lang ito maliban sa lahat ng mga tunog na naririnig ko mula sa mga silid na hindi ko makita.

May malakas na musika na tumatagos sa mga pader na parang may club sa kabilang panig.

Habang patuloy kaming naglalakad, naririnig ko ang mga daing at hiyawan mula sa iba`t ibang mga silid. Sa bawat hakbang, lumalaki ang aking pangamba. Nasaan na ba kasi kami?

Pinadaan kami sa isang hanay ng mga dobleng pintuan, at biglang ang lugar ay nagbago sa isang makapal, marangyang karpet ng pula at puti at itim na pader.

Nang maabot namin ang isang pintuan sa dulo ng pasilyo, kinatok ito ng lalaki, at may boses mula sa loob sa tumatawag, "Tumuloy kayo."

Binuksan ng guwardiya ang pinto at sumenyas sa amin na pumasok bago isara ito sa likod namin.

May isa pang lalaki na nakaupo sa isang upuan na mataas ang sandalan sa likod ng isang napakalaking mesa na mahogany.

Tila patay sa putla ang ang kanyang kutis at ang itim na buhok niya ay nakasuklay pabalik. May hitsura siya sa kanyang tangkad, balingkinitan na pangangatawan at kulay-abong mga mata, ngunit siya rin ay… nakakatakot.

Ang mga sulok ng kanyang bibig ay umakyat patungo sa isang masamang ngiti sa aming pagpasok, at tumayo siya mula sa kanyang mesa at lumapit upang salubungin kami.

Itinulak ako ng aking tiyahin pasulong, at sinimulan akong ikutan ng lalaki habang ang kanyang mga mata ay bumabakat sa bawat pulgada ng aking katawan.

"Puwes, ito siya?" mahina siyang nagtanong, at nagtataka ako kung tanong nga ba talaga ito.

"Oo. Ito ang sinabi ko sa iyo, ”sagot niya.

Tumango siya habang papalapit ulit sa harapan ko.

"Mabuti. Puwede na ito. " Lumingon siya at lumakad papunta sa kanyang mesa habang kinukuha ang isang maliit na kayumangging bag at dinala ito sa tiyahin ko, at ihinulog ito sa kanyang kamay.

“At ang bayad mo. Tulad ng napag-usapan. "

"Salamat po sir," sagot ni Tita Tessa.

Paglingon ko sa kanya. "Bayad saan?"

"Sasabihin niya sa iyo. Hindi na kita problema.” At ganun ganun lang, ang aking tiyahin ay lumingon at lumayo sa akin, at iniwan akong mag-isa sa silid na ito kasama ang kakatwang lalaki.

Tumingin ako sa kanya, naghihintay ng paliwanag.

"Hindi ba halata, hija?" Tanong niya na may tonong mapangutya. Kumunot ang aking kilay habang sinusubukan kong pagtagpi-tagpiin ang lahat, ngunit hindi ako sigurado.

Kung hindi lang ako nag-iisip nang mas matino, sasabihin ko na parang ipinagbili lang ako ng tiyahin sa lalaking ito. Ngunit parang hindi naman tama yun. Hindi naman kaya?

Ngumiti ang lalaki. "Magaling, hija. Tama ka." Nanlaki ang mga mata ko nang bumaling ang aking atensyon sa lalaki. Hindi ko winika iyon nang malakas.

Binasa ba niya ang isip ko? "Tama ulit," sabi niya na may masamang ngiti.

“P — Pero p — paano? Bakit? Ito ay iligal! Ito ay— ” pagsisimula kong sabihin, habang sinusubukang maintindihan ang lahat.

"Hindi ako apektado ng mga batas ng tao," sabi niya habang kumalat ang kanyang masamang ngiti sa kanyang mukha, at ipinakita sa akin ang kanyang dalawang matalas na pangil.

Ang kanyang mga mata ay naging matingkad at pulang-pula, at isang gulat na singap ang lumabas sa aking mga labi bago magdilim ang lahat.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok