Fit for Fire - Book cover

Fit for Fire

Vera Harlow

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Ulila sa pagkabata at nagpalipat-lipat ng foster homes, ginugol ni Adeline ang huling siyam na taon na nag-iisa at nagtago ng isang lihim: siya ay isang taong lobo. Nang tumakbo siyang hindi namamalayang sa teritoryo ng isang pack, siya ay nadakip at agad na natuklasan na ang paghahanap ng kanyang sariling uri ay hindi ang inaasahan niya.

Nang makilala niya ang alpha na humahawak sa kanya laban sa kanyang kalooban, lumipad ang mga sparks. pero maaari ba niya itong makita higit sa pagiging isang tampalasan? O habang panahon siyang magiging bilanggo nito?

Rating ng Edad: 18+

View more

Isang Pagtakbo sa Kung Saan Man

Adeline

Sumipol ang hangin sa aking tenga, ang hindi mapigilan na samyo ng mamasa-masang lupa at ulan ay bumabaha sa aking mga pandama. Malabo ang mga puno, palumpong, at bato sa daan habang tumatakbo ako. Nag-apoy ang aking baga, at sumakit ang aking mga binti.

Ang malamig na hangin sa gabi ay pumasok sa aking baga at pinuno ang aking mga pandama, hinihimok ako. Kailangan kong tumakbo nang mas mabilis. Kailangan kong itulak ang sarili.

Ang pakiramdam ng lupa na gumagalaw sa ilalim ng aking mga paa ay ang aking bagong adiksyon, habang hinuhukay gamit ang aking mga kuko, pinananatili kong mababa ang aking katawan at inihagis ko pa rin ang aking sarili nang mas mabilis.

Isang kuneho ang lumabas mula sa ilalim ng malapit na palumpong. Habang nagpapalabas ng isang nasasabik na sigaw, hinabol ko ang hayop na may mala-palumpong na buntot pabalik sa lungga nito.

Ang ilaw ng buwan ay lumipat sa mga puno, sanhi upang tumalon sa akin ang mga anino ng kagubatan sa malamlam na liwanag.

Patuloy akong tumakbo, naiisip ang mala-aninong mga kamay na inaabot ang mamasa-masa na lupa, inihahaba ang mga mabutong daliri at inaabot ang aking buntot.

Pinilipit ko ang aking balingkinitang katawan sa pagitan ng mga puno, naaaliw sa liksi at galing nito. Tumalon ako sa isang nahulog na troso, at pagkatapos ay nakipagunahan sa maputlang gintong ningning ng buwan papunta sa isang maliit na clearing.

Pagdating sa clearing, bumagal ako sa isang mabilis na paglalakad bago umupo sa malambot na damo.

Humingal ako, sinubukang habulin ang hininga habang tinititigan ang bagay sa kalawakan na madalas pinaguugatan ng aking lumalawak na imahinasyon.

Mayroong isang bagay sa buwan na nadama kong nakapupukaw. Kahit na sinabihan ako sa aking buong buhay na wala itong supernatural na kapangyarihan, lagi kong pinaniniwalaan na mayroon ito.

Gusto kong isipin na mayroong isang selestyal na dyosa na nakatingin sa akin ngayon. Gumagabay sa akin.

Bukod dito, ang mga taong nagturo sa akin na mali ang paniniwala sa mahika at dyosa ay siya ring mga taong mariin na tatanggi sa aking eksistensya.

Kung makikita lang nila ako ngayon.

Habang nakahiga, nagpatuloy akong tumingala, pinag-aaralan ang mga bituin. Hindi ko maalala ang huling beses na nagkaroon ako ng pagkakataong masiyahan sa isang gabing tulad nito.

Hindi mo makikita ang ganito karaming bituin sa bayan, at napipigilan ng napakaraming ilaw ang kanilang ningning.

Sa totoo lang, kahit na hindi, hindi ko inisip na makikita ko ang marami sa kanila. Madalas akong nakokonsensiya sa kung ano ang karamihan sa amin. Karaniwan akong abala sa pagtingin sa hinaharap para huminto at tumingala.

Ang aking isip ay naglakbay, at namangha ako kung saan ako dinala ng araw. Dapat ay nasa bahay ako ngayon.

Nag-shopping ako ngayong araw, at sa daan pauwi, napahinto ako sa isang stop sign. Isang malaking green sign ang bumungad sa aking harapan.

Maaari akong lumiko sa kanan at umuwi o magtungo sa mga kalsadang natatago ng puno sa kaliwa.

Sa sandaling iyon, saglit akong sinapian ng hindi mapigilang pagnanasa na lumiko sa kaliwa, magmaneho at huwag tumigil, at sa isang iglap, itinuro ko ang aking gulong patungo sa kagubatan habang nasa gas ang aking paa.

Nakakatawang isipin na iiwan ko lang ang lahat at magsisimula sa sarili kong pakikipagsapalaran. Na wala sa likod ko ang kasing halaga ng kung ano ang nasa harapan ko.

Masaya, pero alam kong kasinungalingan ito. Pinaghirapan kong makarating kung nasaan ako hindi para pabayaan ko lamang ito. Iyon, at gaano man kahirap ang gusto kong paniwalaan ang kabaliktaran, alam kong walang naghihintay para sa akin doon.

Walang hindi ko makukuha kung nasaan ako.

Pinagpatuloy ko pa rin ang kalokohan ko. Nagmaneho ako nang mas malayo, walang pakialam na hindi pa ako nakakarating sa daan na ito.

Hindi nag-aalala sa paglubog ng araw na nasa aking rearview mirror. Ang mga halimaw sa gabi ay hindi na nakakatakot kapag ikaw ay isa ring halimaw. At least, ‘yun ang sinabi ko sa sarili ko.

Isang bagay sa loob ko ang may hindi mapigilang bugso na kumawala. Natakot ako sa lakas nito. Hindi ako nakatakbo nang ilang buwan, at ang halimaw sa loob ko ay nanatiling tulog. Hanggang ngayon.

Nais niya akong sakupin. Bumulong siya ng mga pangako sa akin, sa kanyang sandali ng labis na pangangailangan. Bumulong siya tungkol sa kapangyarihan. Tungkol sa lakas na hindi na kailangang matakot.

Pinangako niya ang karunungan, ang kanyang intuwisyon at koneksyon, na tanging ang kanyang mga paa na kumakagat sa malambot na lupa ang maaaring magdala.

Pagkatapos ay ipinangako niya sa akin ang pinakamarumi sa lahat ng kanyang mga tipan.

Pagtanggap. Ang pagkakataong maging buo sa sarili ko.

Ako ay naging isang sisidlang kalahating puno nang mahabang panahon. Ibubuhos niya ang sarili sa akin, kinukumpleto ako at hinihimok na ilabas ang magandang nilalang na ako, ang babaeng karapat-dapat akong maging. Humawak ako ng mahigpit sa mga bulong niya.

Kahit na sila’y mga bugso, mabigat ang kanilang pakiramdam sa mga kamay ko. Pagtigil sa kalsada ay gumawa ako ng isang bagay na halos hindi ko pa nagawa kahit kailan: Inalis ang pagiging mapagmatyag sa isang lugar na hindi ko kilala.

Naghubad ako, isinuksok nang mabuti ang mga susi ng kotse sa likod ng aking passenger wheel well, at nagpalit ako.

Hinayaan kong bumagsak ang babae at lumabas ang lobo. Ang makapal na buhok ay umusbong kung nasaan ang balat, ang mga kuko ay naging matatalim, habang ang mga kamay ay naging paa ng hayop.

Ang nakakasawang dagundong ng mga bayarin, gawain, at mga walang katapusang iskedyul ay sumabog sa mga siklab ng tibok ng puso, hindi mapakaling mga paa, sipol ng mga ibon.

Narinig ko ang musikang ginawa ng hangin nang nagmaniobra ito sa mga dahon at dumulas sa mga talim ng damo sa ilalim ng paa.

Nakalimutan ko ba talaga kung gaano kasarap ang pakiramdam na ito? Talaga bang hindi ko namamalayan kung gaano kaganda ang mundo? O nagsinungaling ako sa sarili ko?

Ang pagsasabi sa aking sarili na hindi ito kamangha-mangha para itago ang katotohanang ang pagkakaroon ng ganito side sa aking sarili ay hindi normal.

Upang parusahan ang sarili ko sa hindi pag-akma sa papel na dapat kong gampanan.

Para sa pagiging supernatural sa isang mundo na sumasamba lamang sa kalikasan kapag ito ay nakakulong sa mga rehas at ito ay ligtas na nasa likod ng salamin.

Isang biglaang simoy ng hangin ang nakapagpatayo sa akin. Kiniliti ng hangin ang aking balahibo, at nanigas ang aking katawan.

Tinaas ko ang aking ilong sa langit upang masiguradong naamoy ko na ang presensya ng iba pa. Hindi lamang isang presensya, kundi marami.

Magkakaiba ang kanilang amoy, pero magkakapareho. Kumunot ang ilong ko. Naguluhan ako dito. Hindi pa ako nakakasalamuha ng ganito dati.

May part akong nagtataka. Nais kong malaman kung ano ang aking naaamoy; ang ibang part ko ay alerto. Hindi ako handa na harapin ang isang hindi kilalang banta sa hindi pamilyar na teritoryo.

Lumakas ang amoy, at alam kong oras na upang tumakbo muli.

Pag-alis sa clearing, sumuot ako sa isang palumpong ng kakahulog lang na puno. Ang berdeng ningning ng mga mata ng maliliit na hayop ay sumilip sa akin mula sa mga palumpong sa magkabilang panig ko.

Ang kanilang pagtitig sa gabi ay nagpapaalala sa akin ng mga ghost light, na nagdadala sa akin papalapit sa mga puno. Inalis ko ang nakakanginig na kilabot na gumapang sa aking gulugod, tumakbo ako nang mabilis.

Sinubukan kong hindi pansinin kung paanong ang headwind ay ngayo’y parang mala-multo na mga daliri na paikot-ikot sa balahibo ng aking leeg.

Habang palayo sa samyo, sinubukan kong lumayo patungo sa kanluran, inaasahan na makawala sa kanilang landas.

Marahil ay nagha-hunt lang sila. Kung hindi ko ginambala ang kanilang hunting, at kung hindi ako kumuha mula sa lugar, marahil ay hahayaan nila ako.

Sinubukan kong maghanap ng mga palatandaan habang tumatakbo ako. Kakailanganin kong alalahanin kung paano makabalik sa aking kotse.

Sa ngayon, ang mayroon lamang ako ay puno, puno, palumpong, puno, puno. Sa puntong ito, nag-aalala ako na mawala ako rito at humantong sa paggugol ng mga araw na sinusubukang hanapin ang aking daan palabas.

Habang tumatalon sa ibabaw ng isang bato, namangha ako sa kahanga-hangang pagtago ko. Diyos ko, na-miss ko ito.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo nang ilang minuto, pero hindi pa rin ako nakalaya sa amoy. Habang patuloy sa kanluran, pinanatili ko ang aking bilis, hindi nais na magkaroon ng isang run-in sa isang teritoryal na hayop.

Tiyak na hindi ko iyon na-miss.

Kahit papaano papalapit pa rin ito. ’Di nagtagal ay nakakuha ako ng isa pang samyo. Ang isang ito ay nagmumula sa kakahuyan sa harapan ko.

Katulad ito ng samyo na naamoy ko dati. Sigurado ako na ang naaamoy ko ay mga lobo, bagaman kakaiba ang kanilang amoy.

Ano ito? Isang pack? Hindi ko alam na ang mga wild wolf pack ay maaaring napakalaki.

Kadalasan ang isang nag-iisang lobo ay hindi iisiping lumapit sa akin. Ako ay mas malaki at mas malakas kaysa sa kanila.

Gayunpaman, nagiging mas matapang sila sa isang pack. Karaniwan, iniiwasan nila ako, at iniiwasan ko sila.

Ang mga lobo ay sobrang teritoryal, kaya't nang maamoy ko sila, sinubukan kong umalis nang mabilis sa lugar, ayaw kong galitin sila.

Ang taktika na ito, na karaniwang gumagana para sa akin, ay nabigo.

Ang amoy ay nasa buong lugar na ngayon. Habang nararamdamang napapaligiran ako, lumiko ako bigla sa kaliwa. Sumakit ang aking malalakas na mga binti sa puwersa na inilalagay sa kanila.

Mas mabilis. Kailangan kong gumalaw nang mas mabilis. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ko mapapanatili ang pagtakbo sa bilis na ito.

Kumibot ang aking tainga nang marinig ang mahinang tunog ng mga tumatakbo na yabag at mga nasisirang sanga. Patay. Isang ungol ang humiwa sa kadiliman sa likuran ko.

Hinahabol nila ako!Sumigaw ako sa utak ko bago sumipa ang aking instincts. Lumayo ang aking isip at ang aking damdamin ay namanhid habang ang hayop sa loob ko ay pumalit.

Hindi ko gusto nang nangyari ito. Ito ang pakiramdam na nagmamaneho ako habang ang isang estranghero ay may hawak na baril sa aking ulo.

Nagmamaneho pa rin ako pero walang tunay na kontrol. Ako ay naging tagapagsalaysay sa aking sariling kwento, at bagaman kasali ako, naramdaman kong pinapanood ko ang kaganapan mula sa kung saan man.

Habang naririnig ko ang mala-kulog na tunog ng tumatakbong mga paa at nakikita ang mga pagbabagong anyo sa mga puno sa paligid ko, lumubog ang aking puso.

Wala nang tatakbo. Huminto ako. Ang buhok sa aking katawan ay tumayo nang tuwid, at ang aking labi ay itinaas upang ipakita ang aking mga ngipin.

Habang ibinababa ang aking ulo at umuungol nang mabangis, nilinaw ko ang aking mensahe. Huwag akong guluhin. Kailangan nilang maunawaan na kung pinili nila akong labanan, sakit lamang ang maghihintay sa kanila.

Isang malaking kulay abong lobo ang tumalon sa akin mula sa mga puno. Umiwas ako.

Habang inaayos ang sarili mula sa pag-atake, gumawa siya ng ilang mga hakbang patungo sa akin, ang kanyang buhok ay nakatayo at ang kanyang mala-labaha na mga ngipin ay kumikislap sa laway.

Isa pang lobo ang tumama sa akin mula sa tagiliran, itinumba ako sa aking likuran. Hindi nais na tumambad ang aking tiyan, kinagat ko ang gilid ng kanyang leeg, sumubsob sa kanya nang matindi bago gamitin ang aking mga binti upang itulak siya sa akin.

Habang nakababa ang ulo, bumulyaw ako at umungol. Tumulo ang dugo mula sa aking bibig habang inaalog ko ang isang piraso ng huling lobo na inatake ako sa aking nakabukas na mga panga.

Umatake muli ang malaking lobo, yumayapos sa aking likurang binti. Sumigaw ako at pumilipit, hinuli siya habang dinidikit ko ang aking sarili sa kanyang balikat gamit ang aking mga ngipin.

Isang pagdagsa ng adrenaline ang nagtulak sa akin na ilayo siya sa aking katawan. Sa sandaling iyon ay natutuwa ako na ang aking pagiging lobo ay kontrolado.

Isang boses ang sumigaw sa akin mula sa kalaliman ng mga puno.

“Itumba mo siya, pero huwag mo siyang patayin. Gusto naming siya ay dalhin nang buhay. "

Isang tao? Dalhin ako? Saan? Hina-hunt ba ako ng mga tao? Ang mga lobo bang ito ay kumukuha ng mga order mula sa kanila?

Pagtingin ko sa paligid, napansin kong ang mga lobo na ito ay mas malaki kaysa sa average na lobo. Maaari ba silang…

Biglang may sumiklab na kirot sa aking kaliwang balikat, na pinahinto ang aking pag-iisip. Isang lobo ang umatake sa aking likuran, ang kanyang bigat at aking pagkabigla ay itinumba ako sa lupa.

Binaling ko ang aking ulo sa gilid, tumunog ang mga panga habang sinubukan kong makakuha ng isang tipak ng umatake. Ang kanyang nguso ay nanatili sa labas ng aking naaabot.

Mabilis niyang hinila ang kanyang ulo pabalik, diniin ang kanyang mga ngipin sa kalamnan ng aking balikat.

Nang sinubukan kong tumayo, binalaan ako ng lobo sa paglagay ng puwersa sa aking balikat at inilagay ang kanyang paa sa aking likuran, habang inuungol ang kanyang hangarin.

Pumalibot ang iba pang mga lobo sa akin, ang kanilang mga ulo ay nakababa at ang kanilang mga ngipin ay nakalabas.

Isang lalaki na may buhok na madilim ang dumaan sa kanila. Sa pagtayo niya sa ibabaw ko, napansin kong ang amoy niya ay natatakpan ng mga lobo na nakapalibot sa akin.

Siya ay malaki, puro muscle. Pumaibabaw siya sa akin, may makintab sa kanyang kamay. Ang pagiging tao ko ang nakapansin kung ano ito.

Isang syringe. Sinubukan niyang bumaba at nag-panic, nagsimula akong magpumiglas, sinubukang makalaya.

Ano ang gagawin nila sa akin? Papatayin ako? I-dissect ako para sa pag-aaral nila? Sasabog ang aking puso palabas ng aking dibdib nang bumaha sa akin ang takot.

Unti-unting umatras ang pagiging lobo ko. Dahan-dahan akong nakakuha ng kontrol, na nangangahulugan din na ang aking emosyon ay babalik nang buong lakas.

Ang sakit sa aking balikat ay naging manhid sa takot na matuklasan. Ang isa pang sakit, isang nakakukurot na sensasyon sa aking leeg, ay dumating at umalis, at naramdaman kong humina ako.

Nakipaglaban ako hanggang sa dumating sa akin ang isang kakaibang sensasyon. Naramdaman ko ang aking balahibo na nagbigay daan sa laman, ang ngipin ng lobo na ngayon ay lumulubog at dumidiin sa aking balikat.

Sumigaw ako, at inayos niya ang hawak niya upang magkasya sa aking mas maliit na katawan, pero hindi niya ako pinakawalan.

Pagkatapos, narinig ko ang pagtunog ng aking mga buto na gumagalaw pabalik sa lugar. Sinubukan kong kumawala sa aking panic, sa bingit ng hysteria.

Ang sakit mula sa aking sapilitang pagpapalit anyo ay masyadong matindi. Sinubukan kong ibaluktot ang aking sarili habang ang isa pang pagbagsak ng sakit ay gumimbal sa aking katawan.

Nanginig ang aking mga paa bago sumabog ang aking mga kamao. Ang aking mga daliri ay nabuklat at kumibot sa mundo, naghahanap ng anumang mahahawakan.

Ang aking mga paa ay humukay sa lupa habang ang mga buto ay nabali, desperadong inilibing ang kanilang mga sarili na para bang kaya akong patayuin ng aking paanan.

Pumailalim ang aking mga kuko sa maselang balat sa aking mga daliri sa kamay at paa, pumapaikli sa kanilang normal na haba para sa tao.

Tumunog ang aking gulugod nang tumuwid ang likod at gumalaw ang aking vertebrae. Ang biglaang paggalaw ay halos pumunit sa akin mula sa mga panga ng lobo.

Ang aking pagpapalit-anyo ay pinupunit pabukas ang sugat sa aking balikat. Napasigaw ako nang magsimula nang tumindi ang pakiramdam ng pinagsamang sensasyon.

Sinakal ng lobo ang balikat ko at muling dumikit sa pagtatangkang hawakan pa rin ako.

Pakawalan mo ako! Sumigaw ako sa utak ko.

Ngumiwi ang lobo.

"Pakawalan mo siya hanggang sa matapos niya ang kanyang pagpapalit," utos ng lalaki na para bang narinig niya ako, patakbo sa tabi ko.

Alam niya ang ginagawa ko. Nagpapalit ako pabalik sa harap nila, at wala akong lakas na pigilan ito.

Hawak-hawak ng lobo ang aking pang-itaas na katawan sa kanyang paghawak sa aking balikat, kaya't nang pakawalan niya ako, bumagsak ako sa matigas na lupa ng kagubatan.

Nararamdaman ko ang lupa at mga pine needles na dumikit sa aking likod at tiyan na duguan habang patuloy na malayang dumugo ang aking balikat.

Ang amoy ng aking sariling dugo ay napakatindi na ibinalik ko ang isang bugso ng apdo na lumalaban para makalabas.

Nang lumunok ako, biglang parang walang laman ang bibig ko at naging maliit at mapurol ang aking ngipin. Humikbi ako habang lumukot ang nguso ko at naging pang-taong ilong at bibig ko.

Ang huli ay ang aking panga na masakit na gumalaw pabalik.

Huhingal ako at sinubukang ibangon ang sarili, pero natumba ako, hindi na makagalaw.

Ang malamig na hangin ng gabi ay masarap sa pakiramdam sa aking nilalagnat na katawan, at nararamdaman ang mga matang nakatingin sa akin, sinubukan kong ibaluktot ang aking sarili.

Ang lahat ng mga lobo ay umungol sa paligid ko at lumapit. Nakikita ko ang mga paa habang tumigil sila sa harap ng mukha ko.

“Tama na. Hindi na siya banta,” sabi ng lalaki.

Sinubukan kong igalaw ang aking ulo upang makita siya nang mas mabuti, pero isang pulgada lang ang kaya nito igalaw.

Lupa at maliliit na bato ay nadadama ko habang dumikit ang mga ito sa aking mukha na basa mula sa aking walang katapusang pagdaloy ng luha.

"Jeremy, nakikilala mo ba ang tampalasang ito?" sigaw ng lalaki.

Isa pang lalaki ang lumapit sa akin mula sa dilim. Napabilis ang paghinga ko, habang ang unang lalake ay yumuko sa tabi ko.

Napangiwi ako nang lumapit ang kamay niya sa mukha ko at humikbi.

Mahigpit na hinawakan ng lalaki ang pisngi ko nang hindi ako sinasaktan at ibinaling ang mukha ko upang mas makita ito ng lalaki na si Jeremy.

Tumayo sa ibabaw ko si Jeremy. Bumagsak ang mga anino sa kanyang mukha, dahilan upang hindi maintindihan ang kanyang mga features. Lumuhod siya sa kabilang side ko upang mas makita ako.

Sinubukan kong bumaluktot nang mas mahigpit sa aking sarili, pero nagawa ko lamang na kumibot. Ang lupa sa ilalim ko ay kumakagat sa aking laman, pero ang pakiramdam ay nagsimulang humupa.

“Relax, maliit na tampalasan. Walang mananakit sa iyo ngayong gabi, ”sabi ni Jeremy habang inaalis ang buhok sa mukha ko. “Hindi ko siya kilala. Sa palagay ko wala siya sa aming mga talaan.”

Talaan? Tampalasan? Ang mundo sa paligid ko ay lumalabo, at lalong humihirap na maunawaan ang mga bagay.

Nagsisimula nang mawala ang pag-aalala ko sa pagdakip sa akin.

"Paanong naging posible iyon? Mayroon kaming tala ng bawat tampalasan sa lugar," sinabi ng isang lalaki.

"Ang isang ito ay maaaring dumadaan lamang, Patrick."

"Malalaman natin," ang lalaki na si Patrick ay tumugon. "Maaaring hindi natin malaman maliban na lamang kung madala natin siya sa medical sa lalong madaling panahon. Duguan na siya "

Tumayo si Patrick, at gumaan ang loob ko.

Akala ko maglalakad na siya palayo nang muli siyang bumalik sa paningin ko. May dinikit siya sa aking dumadaloy na sugat at nag-apply ng pressure para subukang pigilan ang dugo.

Napangiwi ako sa biglaang pressure, pero habang ang lahat ay nagiging manhid, hindi na ito nag-abala sa akin nang matagal.

"Hawakan mo ito," sabi ni Patrick, at nakita ko ang madilim na mukha ni Jeremy na lumalangoy pabalik sa paningin habang idiniin niya ang tela sa akin.

May tumakip sa aking nanginginig na katawan. Amoy ito ng lalaking tumayo sa ibabaw ko. Malaki at maiinit na kamay ang dumulas sa ilalim ko.

"Humanda ka," bulong ni Patrick habang inaangat ako sa kanyang mga braso.

Sumilay ang mga bituin sa harap ng aking mga mata sa biglaang paggalaw.

Ang aking katawan ay sumandal sa hubad na dibdib ni Patrick, at napagtanto kong tinakpan niya ako ng kanyang jacket at ginamit ang kanyang shirt upang pigilan ang pagdugo ko.

Naalala ko na hubad ako, pero hindi ko na din maisip pa ang aking sarili. Ang aking paningin ay nagsimulang biguin ako habang ang kadiliman ay gumalaw na parang mga ulap ng ulan sa aking mga mata.

Naramdaman ko ito nang magsimula nang maglakad si Patrick, at naririnig ko ang usapan ng mga kalalakihan, pero hindi nagtagal ay naging static ang kanilang boses.

Hindi ko na napigilang bumagsak ang mata ko. Ang huling nakita ko bago tuluyang pumikit ay ang buwan.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok