Medyo boring ang buhay para kay Alice: pumapasok siya sa high school, nanonood ng ~Gossip Girl~ kasama ang BFF niyang si Sam, at nagtatrabaho siya nang part-time sa isang kainan. Walang kahit na anong exciting na nangyayari sa kanya — hanggang sa isang gabi, habang nagtatapon ng basura sa trabaho, nakagat siya ng isang lobo!
Ang nakakapagtaka lang pag gising niya noong sumunod na umaga, magaling na agad ang sugat niya at para bang mas lumakas pa ang pakiramdam niya! Higit na mabuti kaysa sa dati. Problema nga lang, hindi lang siya ang nakakapansin sa mga magagandang pagbabagong ito... Maging ang Bad-boy na si Ryder at ang buong gang, biglang na lang naging interesado sa kanya, bakit nga kaya?
Rating ng Edad: 16+
ALICE
Di naman ganun ka-pangit ngayong gabi, ibig kong sabihin, may mga magaganda at pangit kang araw, ‘di ba? Madalas, tahimik dito pag linggo, pero ayos lang, di na masama.
Mababait at galante ang mga regular customers magbigay ng tip, at maging ang boss kong si Robbie, okay din siya.
Oo, may pagkatamad siya at medyo matagal kung tumitig sa likod ko, pero at least, palagi naman siyang nagpapasahod on time at pinapayagan niya akong dalhin ang mga natitirang pagkain sa bahay.
Tumingin ako sa luma at bilog na orasan na nakabitin sa dingding at nagbuntong-hininga.
Kalahating oras na lang.
Tinitingnan ko ang huling customer ngayong gabi, nagdadasal ako na sana malapit na siyang matapos. Kinuha ko ang coffee pot at naglalakad papunta sa cutomer na may pilit na ngiti.
"Kape pa po, sir?" Nakikiusap ang mga mata ko na magsabi siya ng “no”
“No thank you, my dear,” sagot niya habang tumatayo na sa mesa.
Tinulungan ko siyang isuot ang kanyang amerikana at kinuha ko ang payong niya. Inaabot niya sa akin ang limang daang piso at lumabas na siya ng pintuan nang walang anu-ano.
Inilagay ko ang pera sa drawer at pinatay ang mga ilaw sa diner.
Pagkatapos, nagtungo ako sa likuran ng kainan kung nasaan ang kusina, at narealize kong kami na lang palang dalawa ni Terry ang natira.
Tinitingnan ni Terry ang schedule na nakabitin sa dingding ng opisina na may ng pag-aalala sa mukha.
Malakas na nagbuntong-hininga si Terry habang tinitingnan ang mga araw ng trabaho niya. Higit tatlumpung taon na siyang nagtatrabaho dito sa diner, at wala ni isang beses siyang nagkaroon ng day off.
Pumuputi na ang buhok niya, pero kaya niyang lutuin ang pinakamasarap na pagkain na natikman ko.
“Uy Terry, kakaalis lang ng huling customer. Gusto mo bang i-lock ko na ang diner para sa iyo? "
Sinagot ako ni Terry nang hindi inaalis ang tingin niya sa schedule, "I-lock ko ang harap, pero pwede ba isang favor bago ka umalis, dear?"
Bago pa ako nakasagot, tinipon na ni Terry ang anim na plastic bag na puno ng basura at nilagay ang mga ito sa paanan ko.
"Gusto mo bang ilabas ko ang mga ito sa dumpster?" Tanong ko. Kinuha ko ang lahat ng anim na bag, tatlo sa bawat kamay, at tumingin kay Terry.
“Please? Salamat."
Kinuha niya ang jacket niya, kumaway sa akin, at umalis na.
Napatingin ako sa swinging door, napatulala, at umiling.
Hawak ang mga bag ng basura, lumabas ako sa likod at naglakad papunta sa tambakan. Napailing ako nang makita kong bumubuhos na ang ulan.
Ayos. Salamat, Terry. Salamat nang marami.
Itinulak ko ang tuktok ng dumpster, at kinuha ang unang dalawang bag para itapon ang mga ito nang biglang, mula sa kadiliman sa likuran ko, nakarinig ako ang mahina, at hindi maitatangging tunog ng ungol.
Nanigas ako, iniisip kung imahinasyon ko lang ba yung naglalaro sa akin.
Takot na takot, hinawakan ko ang mga plastic nang mahigpit at humarap, hinawakan ko ang mga bag ng basura na para bang isang espada, handa nang makipaglaban.
Pag dilat ko, nakita ko ang pinagmumulan ng ungol. Nakatayo nang wala pang dalawang metro ang layo mula sa akin ang pinakamalaking lobo na nakita ko sa buong buhay ko.
Napahikbi ako sa takot at dahan-dahang nagsimulang umatras, nabitawan ko ang aking pansamantalang sandata. Atras, hanggang sa naramdaman kong dumikit na ang likuran ko sa tambakan at narealize kong wala nang tatakbuhan.
Nangangatog sa takot, ipinikit ko ang mga mata ko, nagdasal na sana hindi isang banta ang tingin sa akin ng lobo.
O mas malala, isang pagkain.
"Huwag mo akong saktan," paulit-ulit kong bulong sa sarili.
Iminulat ko ang mga mata ko sabay nagsisi na sana hindi ko ito ginawa.
Nanlilisik ang mga pulang mata niya sa akin, at siguradong hindi niya ako iiwang buhay.
Nababalutan ng mapusyaw na kulay abo ang malaking bahagi ng balat nito sa katawan, walang balahibo, para bang binunot at kinalbo ito.
Mukhang may peklat ang lobo sa buong katawan niya. Paano kaya siya naka-survive nang matagal na panahon?
Ginawa ko ang tanging bagay na naisip ko. Lumuhod ako sa basang semento nang nakayuko ang ulo, sa pag-asang magiging hudyat ito ng pagsuko ko.
Umalulong ang lobo sa lalim ng gabi at bumulusok sa akin.
Sumisigaw ako habang nilalapa ako nito, ngunit pagkatapos ay tumatakbo ito sa mga matataas na damo at nawala sa paningin ko. Tiningnan ko ang direksyon kung saan tumakbo ang lobo at maya-maya pa’y natawa na parang isang baliw.
tang ina!...?
Umiling ako at binangon ang sarili ko mula sa sahig, sira ang uniform ko.
Chineck ko ang sarili ko, at doon ko napansing wasak ang damit ko sa may kanang balikat.
Bakit ang sakit ng balikat ko?
Parang may kumuha ng isang tipak mula sa t-shirt ko.
"Aray!" Napangiwi ako habang hinahawakan ang balikat ko, nakita ko ang kamay kong nababalot ng dugo.
Dugo! Kinagat ba ako nun!?
Tumingin ako sa paligid, nag-iisip kung totoong nangyari iyon.
Nanginginig pa, dinampot ko’t tinapon ang huling plastic ng basura, Kinuha ang bag ko, nilock ang diner at umuwi.
Habang naglalakad ako sa dilim, pauwi ng bahay, hindi na bumubuhos ang ulan, tumingala ako sa langit, at napansin ang kabilugan ng buwan.