Ang isa sa pinakamakapangyarihang lalaki sa England, si Mason Campbell ay malamig, matigas at walang pasensya. Dala ng hangin ang mga bulong ng kanyang pangalan at pinanginig ang sinuman sa takot. Kilala siya na walang awa at hindi mapagpatawad. Si Lauren Hart ay kanyang assistant at ang primerong nakakatanggap ng kanyang mga tantrum, galit, at kayabangan. Ang buhay ay magiging mas mahusay kung hindi siya nagtatrabaho para kay Mason Campbell, ang lalaking kinaiinggitan ng mga kalalakihan at ginusto ng mga kababaihan. Pero walang mata si Mason para sa iba ngunit sa kanya, lalo na ng gumawa siya ng deal na hindi ni Lauren maaaring tanggihan.
Rating ng Edad: 18+
"Huminahon ka," sabi ng roommate kong si Beth habang pinapanood niya ako na pabalik-balik sa aming sala.
Tatlumpung minuto na akong nagpapabalik-balik nang gayon, kinakabahan at nag-aalala.
"Kayang-kaya mo iyong interbyu na iyon," dagdag niya na may nakapagpapasiglang ngiti.
Tiningnan ko siyang patagilid. “Hindi normal na interbyu iyon!"
Pinasadahan ko ng aking kamay ang buhok ko sa pagkadismaya.
"Iinterbyuhin ka ba ng Diyos?"
Napatingin ako sa kanya na para siyang nababaliw.
Malinaw na nababaliw nga siya kung nasasabi niya iyon.
Hindi niya maiintindihan kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa interbyung iyon.
Ang lahat ay nakasalalay dito.
"Hindi, pero iinterbyuhin ako ng pinakamakapangyarihang tao," paalala ko sa kanya.
Si Mason Campbell ay isa sa pinakamakapangyarihang lalaki sa buong mundo. Siya ang pinakamakapangyarihang tao sa England.
Wala talagang may gusto na aminin ito, ngunit mas makapangyarihan pa siya kaysa sa Queen.
Sa murang edad, naging mas mayaman pa siya kaysa kaninuman.
Nakapagtayo siya ng ilang mga korporasyon sa buong mundo na mayroong halos isang libong manggagawa.
Kinatatakutan siya sa buong bansa dahil mahirap siyang abutin at nakakasindak.
Si Mason Campbell ay lalaking tumatawa sa harap ng kamatayan.
Nabubuhay siya sa sarili niyang mga patakaran.
Narinig kong yumuyukyok ang mga tao sa kanyang matalim na tingin, at ibig sabihin ko’y mga malalaking tao ang mga iyon.
Narinig ko rin na kaya niyang paglahuin ang sinuman at hindi na siya makikitang muli.
Kinilabutan ako dahil dito.
"Bakit hindi ka pumili ng ibang pagtatrabahuan?" tanong ni Beth.
"Sinasabi nilang nakakatakot iyong mga nangyayari sa likod ng pintuan."
"Narinig ko rin na nakakabasag ng bato iyong matalas niyang tingin, at umuuga ang lupa sa galit niya."
"Okey lang na makita iyon," sagot ko, na pinagagaan ang sitwasyong pinasok ko.
"Siguradong matutunaw ka sa tingin na iyon." Para bang talagang sigurado siya.
Tinaas ko ang baba ko.
"Pero talagang nakakaintriga."
"Oo nga," sumang-ayon siyang tumatango, pagkatapos ay ngumiti siyang natutuwa.
"Pero iba ang mararamdaman mo kapag nililitson ka na ng mga mata niya."
Gusto kong matawa doon, pero sobrang kinakabahan ako tungkol sa mangyayari bukas.
Hindi ko alam kung saan nakuha ni Beth ang mga tsismis na iyon, bagama’t sang-ayon ako na nakakatakot ang kanyang mga mata, hindi ko iniisip na kaya noong litsunin ang sinuman.
Madrama lang talaga ang mga tao kung minsan.
"Psh," tinanggal ko sa isip ko ang posibilidad.
"Balita lang iyan, Beth."
Sinalubong niya ang tingin ko. “Kung minsan totoo ang mga bulung-bulungan."
Pinigilan kong mamalipit sa ilalim ng kanyang titig.
"Narinig kong tinatrato niyang parang kaaway ang lahat ng tao...kahit mga empleyado niya."
Na ikinabog ng nerbiyos ko.
Tinatrato niyang parang kaaway iyong mga empleyado niya? Paano iyon?
Hindi ko masabi kung totoo ang sinasabi niya o hindi.
Tiningnan ko siya nang pasingkit.
"Alam kong ganoon nga siya kabaliw."
"Kaya lalo pang dapat mong isipin ang pagtatrabaho sa ibang lugar." Dinaklot niya ang mga kamay ko sa kanya, pagkatapos ay pinakawalan ako upang i-ekis ang mga braso niya sa kanyang dibdib.
"Gaano ka naman kasigurado na makukuha ko ang trabaho?"
Maraming taong gustong magtrabaho sa Campbell Industry at marami ang iinterbyuhin.
Isa lang sa amin ang makukuha sa trabaho, at seryosong nag-aalinlangan ako na ako iyon.
Ang ilan sa mga babae ay siya ang hinahabol, hindi ang trabaho.
"0 porsyentong sigurado." Tumawa si Beth na dahil dito’y tinitigan ko siya.
“Wala akong makitang mabuti sa pagtatrabaho doon. Nakakasindak lang ang lugar na iyon. Puno iyon ng pangongontrol at kadiliman. “
"Ginagawa iyong malamig at nakakagimbal ni Mason Campbell."
"Walang lugar na nakakagimbal at hindi kanais-nais," sabi ko, na hinihila ang unan sa aking dibdib.
"Ngunit sinasabi nila na ang lugar ay puno ng alingawngaw ng mga sigaw."
"Alam mo," tumingin sa akin si Beth, na tumatagos ang kanyang esmeraldang tingin.
"Gusto kong makarating doon bukas para lang makita na namimilipit ka sa presensya niya," natapos siyang tumatawa.
"Manahimik ka." Ngumisi ako, ibinato sa kanya ang unan.
"Hindi ako mamamalipit. Hindi ako takot."
Tinaasan niya ako ng kilay. “Oh talaga? Hindi ka pa nga nakakapunta sa presensya niya. Hindi mo alam kung ano ang magiging pakiramdam nito. “
Kinakabahan at labis na hindi mapalagay, naisip ko, kagat ang aking labi.
"Kung umuwi akong umiiyak, hindi ka dapat magulat."
"Ihahanda ko ang tisyu."
"Bitch, you wish." Pinandilatan ko siya ng mata na napapangiti.
Nawala ang ngiti niya at seryoso ang tingin niya sa akin.
“Kayang-kaya mo ang interbyu, Lauren. Ang galing ng resume mo. Sigurado akong mapipili ka sa daan-daang mga tao. “
Ngumiti ako ng mahina. “Sana nga."
Talagang umaasa akong matanggap, dahil iyon lang ang trabahong maayos magpasahod. Mababayaran ko ang utang ni tatay sa hospital at matutustusan ang pagpapagamot niya.
Mas marami pa akong magagawa sa perang kikitain ko.
Ngunit ang paggagamot lang ng tatay ang inaalala ko.
Stage four cancer siya na parang suntok sa akin noong una niyang sinabi.
Siya na lamang ang kasama ko matapos kaming iwan ng nanay noong sampu pa lang ako.
Masakit pa rin pag naiisip ko yun.
Napakaraming pinagdaanan ni Itay para mapalaki ako at ngayon ako naman ang bahala sa kanya.
Dumating ang umaga nang mas maaga pa kaysa sa inaasahan ko. Gising na ako mula alas-sais, naghahanda.
Seven-thirty ang interbyu at gusto kong makarating doon bago mag alas-syete.
Napaungol ako habang gumagapang palabas ng kama at antok na antok na nagtungo sa banyo.
Naghilamos ako pero parang konti lang ang naitulong, inaantok pa rin ako. Nagsipilyo muna ako bago maligo.
Inabot ako ng sampung minuto sa paghahanda.
Tumayo ako ng diretso at inayos ang kupas kong palda na abot hanggang tuhod.
Nakatuck-in ang blouse kong light blue. Rosas ang mga pisngi ko na nagpakinang sa mga mata kong kulay hazel.
Bahagyang paitaas ang mga mata ko at makapal ang mga lashes.
Itinali ko ang brown kong buhok sa isang pusod, wala ni isang hibla ang nakalas.
Inaasahan kong sapat na ang pagka-sopistikado ng hitsura ko para sa interbyu.
Ayokong mag-makeup, kaya pinabayaan ko na ang natural kong hitsura.
Naglagay lang ako ng nude lipstick at iyon na iyon. Sinuot ko ang lumang itim na takong na binili ko dalawang taon na ang nakakaraan.
Alam kong natutulog pa si Beth, kaya’t nag-iwan ako ng note bago kinuha ang aking bag at lumabas sa aming flat.
Talagang malamig ang London, at dahil ang lahat ng aking mga coat ay kupas na, wala akong naisuot.
Gusto kong magmukhang maganda, ayokong maliitin ako.
Sumakay ako ng taxi at nang sinabi ko sa kanya kung saan niya ako dadalhin, gulat na gulat siya.
Tinanong niya ulit ako kung saan niya ako dadalhin, at sinabi ko sa kanya ang address.
"Sigurado ka bang doon mo gustong pumunta, ma'am?" tanong niya, hindi sigurado sa sarili.
"Oo," sabi ko na naiinis.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon, ngunit paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin sa rearview mirror na parang hindi siya makapaniwala na pupunta ako sa gayong lugar.
Itinigil niya ang kotse sa tapat ng Campbell Industry, at nang tanungin ko siya kung bakit ayaw niya akong ibababa malapit sa gusali, sinabi niya,
“Sorry, ma'am, walang taxi na pinapayagan malapit sa building. Kailangan kong ibaba ka rito. “
Naghugis ng isang “O” ang bibig ko, umiiling na hindi makapaniwala.
Lumakad ako at inayos ulit ang blouse ko.
Kung may makakakita sa akin, makikita nilang tumutulo ang kaba mula sa akin.
Tinitingnan akong pababa ng Campbell Industry. Malaking building ito na may mga animnapung palapag.
Ito ay malaki, malawak at nakakatakot.
Maingat kong nilagpasan ang isang security guard sa pintuan at pumasok sa building.
Sinalubong ako ng maraming tao na palakad-lakad sa kanilang mamahalin at maayos na damit at na-conscious ako sa aking suot.
Tila kinakabahan sila na parang buhat nila ang buong mundo sa kanilang balikat.
Dumiretso ako sa receptionist na kinakabahan. Pula ang buhok ng babae, pinung-pino ang suot niyang asul na damit.
Kahit ang kanyang buhok ay perpekto ang pagkaka-ayos.
Manipis ang make-up sa kanyang mukha.
Tiningnan ako ng mga hazel niyang mata, puno ng pagkasuya ang kanyang mukha.
"Doon po ang coffee shop, ma'am," sabi niya, at nagpapahiwatig ng bahagyang puntong Italyano.
"Ano?" naguguluhang tanong ko.
Tinitigan niya ako na para bang bobo ako.
"Hindi ba't doon mo gustong pumunta?"
"Hindi. Narito ako para sa interbyu. “
Tinaasan niya ako ng kanyang perpektong kilay, kumukurba ang kanyang bibig. “Oh?"
Muli akong tinitingnan, nagpalatak siya ng kanyang dila bago sinalubong uli ang aking tingin.
Gusto kong suntukin ang mukha niya. Iniisip niyang hindi ako bagay sa lugar na iyon.
Ang kapal ng mukha niya!
Madramang lumanghap ang receptionist bago ngumiti nang peke.
"Twentieth floor. Kumaliwa ka at makikita mo iyong mga taong narito para sa interbyu. “
Kumibot ang labi ko.
Pinapamukha ba niya na marami ang iinterbyuhin at wala akong pag-asang makuha?
Twat.
"Salamat," napabulalas ako.
“Good....” Tiningnan niya ulit ako nang pataas at pababa, nababaligtad ang kanyang mukha. “....luck.”
Medyo naiirita ako, pero pinilit kong kalmahin ang aking sarili at tumungo sa elevator.
Naghintay ako ng ilang segundo bago ito bumukas at mabilis akong pumasok sa loob.
Bago ito magsara, may narinig akong kaguluhan.
Hinihila palabas ng security guard ang isang babae at umiiyak siya.
Malinaw na nagkakaroon siya ng mental breakdown.
"Hindi!" sumigaw siya. “Hindi mo ito magagawa sa akin! Tatlong taon na akong nagtrabaho dito! “
Pinanood ko habang sinusubukan niyang magpumiglas laban sa security guard.
“Loyal ako! Hindi mo ito magagawa sa akin! “
Nagsara ang elevator, hinarang ang mga sigaw at pag-iyak ng babae.
Bumilis ang pintig ng puso ko.
Naawa ako sa babae.
Anuman ang nagawa niya, hindi siya dapat tratuhin nang ganito.
Tatlong taon siyang nagtrabaho!
Dapat binigyan siya kahit kaunting respeto.
Tumama ang likod ko sa pader at pumikit ako. Maganda ba itong ginagawa ko? Pero ito lang ang lugar na magandang magpasahod.
Ginagawa ko ito para kay tatay, hindi ko dapat pinagdududahan ang pagtatrabaho dito.
Pagtatrabaho dito?! Hindi ka pa nga natatanggap, at hindi mo alam kung ikaw ang susuwertehin.
Inayos ang aking mga mata, inaasahan kong maging matagumpay ang interbyu na ito.
Hindi ako dapat pumalpak.
Nakataya ang buhay ni tatay.
Hindi mo kaya, Lauren.
Kaya mo basta kalmado ka lang at maniwala ka sa iyong sarili.
Oo, alam kong kaya ko ang interbyu na iyon.
"Hindi ka ba bababa?" Nagulat ako sa boses ng lalaki sa tabi ko.
Nakita ko na nasa twentieth floor na ako at bumulong ako ng paumanhin sa mas matandang lalaki na naka-kulay abong suit at lumabas.
Ang buong kaliwa ay napakalaking bintana at napatingin ako sa kamangha-manghang tanawin ng London.
Nangangati ang telepono ko sa bag para lumabas at kumuha ng larawan.
Bago ito mangyari, pinaalalahanan ko ang aking sarili kung bakit nandito ako.
Sinunod ko ang sinabi sa akin ng receptionist at tama siya, napakaraming tao.
Sobrang dami na hindi ko man nakita ang dulo.
At lahat sila ay nakasuot ng magagandang damit.
Isang grupo ng mga babae ang sumulyap sa akin at narinig kong tumawa sila ng kaunti.
Ano ang nasa mukha ko?! Gusto ko sanang tanungin.
Pagtingala ko, napansin kong hindi sila tumigil sa pagtingin sa akin at hindi man sila nahihiya.
Galit na lumingon ako palayo.
Hindi porke’t mas sexy ang hitsura nila kaysa sa akin at mas magaganda ang damit nila ay dapat na tratuhin nila ako nang ganito.
Nagsumiksik ako sa napakaraming katawan para makahanap ng lugar na uupuan.
May nakita ako sa dulo ng silid at tinungo iyon. Ngunit bago pa ako makaupo, naunahan ako ng isang lalaki rito.
Nagkibit balikat siya sa akin at tiningnan ko nang masama.
Bumaling ako upang bumalik sa pinanggalingan ko, pero hindi ko namamalayan, tinutulak ako ng mga katawan patungo sa ibang direksyon.
Natagpuan ko ang sarili ko na papunta sa isang pintuang pilak at papasok dito.
Awtomatik na nagsara ang pinto.
Nag-panic ako nang hindi ko ito mabuksan.
Sinubukan ko ulit, ngunit ganun din ang nangyari.
Hindi ko ito mabuksan.
Bloody hell!
Bumaling ako upang tingnan kung nasaan ako, at nakita ko ang aking sarili na nasa isang mahaba at madilim na pasilyo, at may elevator sa dulo nito.
Napabuntong-hininga ako.
Isang daan palabas.
Bumukas ito nang itulak ko ang pindutan, at mabilis akong pumasok sa loob.
Pipindutin ko sana ang twenty-first floor, pero isang pindutan lang ang nakita ko na may nakasulat na logo ng Campbell.
Napalipit ang mukha ko.
Naisip ko na mas mabuting pumunta doon kaysa sa manatili dito nang walang lalabasan, pinindot ko ang pindutan na may logo.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan, at bahagyang nanginginig ang aking mga kamay.
Naramdaman kong maalinsangan dito at parang may makapangyarihan at nakakatakot na presensya.
Ano ba ang problema ko?
Bakit parang takot na takot ako?
Ano ba?
Huminto ang elevator at bumukas ito. Nagmamadali akong lumabas.
Baka makakahinga na ako rito at saan ang lugar na ito?
Sinuri ko ang aking paligid at bumagsak ang aking panga.
Literal.
Ang opisina ay napakalaki at nakamamangha.
Ito’y makinis at magarbo.
Lahat ng naririto ay sumisigaw ng mahal.
Ang mga puting leather na upuan ay nagniningning at ayaw kong hawakan ito baka masira ko.
Higit na kamangha-mangha ang tanawin mula rito.
Napasinghap ako nang masilayan ko ang ilang mga kuwadro sa dingding, at napagtanto kong ang mga kuwadro na ito ang pinag-uusapan ng lahat ng tao.
Nagkakahalaga ito ng isang bilyong pounds.
Holy fuck.
May isang fireplace at may malaking flat-screen TV sa dingding.
Literal na puti ang lahat ng bagay sa opisina, kahit ang mga panulat ay puti.
Hindi ko mailarawan ang lahat dahil biglang nabulag ang aking mga mata ng magarbong opisina na ito.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ilang mga yabag.
Bago ko namalayan kung ano ang nangyayari, marahas akong tinutulak sa lupa at naramdaman ko ang isang baril sa aking ulo.
Holy shit.
Sa pelikula lang nangyayari ito.
Hindi ito totoo.
Hindi pwedeng nasa lupa ako na may nakatutok na baril sa ulo ko na parang isa akong kriminal.
Itataas ko sana ang ulo ko, pero itinulak ito pababa.
Napangiwi ako at nanggigil ang aking ngipin.
"Sabihin mo kung bakit nasa pribadong opisina ka bago ko pasabugin ang utak mo," isinigaw niya, dinidiin ang baril sa aking ulo.
Pribadong opisina?
Paano ko malalaman na bawal dito?
“Magsalita ka! Ngayon! “
Nanginginig ako sa takot.
“Naligaw ako. Hindi ko alam na hindi ako dapat narito.
"Sorry, huwag mo akong barilin," pagsusumamo ko, habang nakapikit ako at nanalangin sa Diyos na huwag akong mamatay nang malayo sa aking mga mahal sa buhay, at hindi rito.
"Tama na, Gideon," may nagsalita, na napabuntong-hininga ako.
Naramdaman kong iniurong niya ang baril na nakatutok sa batok ko.
Nanatili ako sa lupa, hindi sigurado kung may pahintulot na akong bumangon.
Pinahahalagahan ko ang buhay ko.
"Tayo."
Hindi na ako kailangang sabihan pa nang makalawa.
Sa pagbangon ko mula sa lupa, dahan-dahan akong lumingon sa mga lalaking nakatayo sa harapan ko na nakasuot ng itim, may hawak na mga baril.
Nanginig ako nang makita ang lalaking tumutok sa akin.
"Ano ang pangalan mo?"
"Lauren Hart," tinaas ko ang aking baba, na gustong magsalita nang mas matatag.
“Hindi ko sinasadyang pumasok dito. Narito ako para sa interbyu, at naitulak ako papasok sa isang pintuan.
“Hindi na ako makabalik at ang tanging daan ay sa elevator. Dinala ako nito dito.
"Kung iniisip mong nandito ako upang magnakaw, nagkakamali ka."
Pinipilit na maging matapang, nagpatuloy ako, “Please, pakawalan niyo na lang ako."
Nagtinginan sila at hindi nagtagal napagtanto ko na nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.
Iyong inaakala kong pinuno ay sumenyas bago lumabas ng opisina ang isa.
"Pwede na ba akong umalis?" ngumiti ako at kumilos bago naharangan ang daan ko.
"o hindi." Umatras ako ng ilang hakbang.
“Wala namang dahilan para manatili pa ako rito.
“Sinabi ko na sa iyo na wala akong ninakaw. Hayaan mo na lang akong umalis. May interbyu pa akong pupuntahan. “
Hindi nila ako pinansin.
Pagkatapos ...
Nanginig ako.
Biglang umikot ang hangin.
Tumama sa akin ang lamig ng opisina, na nagpabilis sa tibok ng puso ko sa aking dibdib.
Halos madama ko ang bugso ng damdamin, isang malakas na puwersa na naghahangad na patunayan ang galit nito.
Mahigpit kong hinawakan ang aking bag, halos matumba ako dahil sa damdamin.
Narinig ko ang galit na mga yabag bago ko siya nakita.
Peksman...
Huminto
ako
sa paghinga.
Nakatayo, napigil ang hininga ko sa lalamunan dahil sa makapangyarihang ayos niya.
Malakas ang paghinga niya, tumataas at bumababa ang malapad at maskulado niyang dibdib na parang katatakbo lang niya ng marathon.
Naka-itim siya mula ulo hanggang paa; itim na Armani suit, polo, at necktie na parang ginagawang buhay ang malalakas niyang mga braso at dibdib, halos hinahamon ang sinuman na mag-alinlangan sa kanyang bangis at pagiging hot.
Maganda siya, para bang siya ang umukit sa kanyang sarili; mga pangang makapagpapaselos sa sinumang lalaki o babae, matangos na ilong at mapupulang labi.
At ang kanyang mga mata, Diyos ko, ang kanyang mga mata ay purong pilak.
Ito ang pinakamasidhi, ngunit malamig na mga mata na nakita ko sa buong buhay ko.
Inihagod niya ang kanyang mga daliri sa maitim niyang buhok, handang tumitig ang mga pilak niyang mata sa kaninumang kawawang kaluluwang sapat sa kabobohan na susulyap sa kanya.
Sapat sa init ang titig niya para puksain ang sangkatauhan.
Ito si Mason Campbell.
Pinakamabangis na tao sa bansa.
Napalunok ako.
Umiwas sa kanyang dadaanan ang lalaki habang papasok siya, malakas at tiwala sa sarili ang kanyang mga kilos.
Hindi siya lumingon sa akin habang paupo siya sa likuran ng kanyang mesa at tiningnan ang ilang mga file.
Walang nagsalita sa loob ng limang minuto, at nagsisimula na akong mapagod at nagsimulang mamanhid ang aking mga binti.
Walang pumapansin sa akin, at wala pang handang magpakawala sa akin.
Limang minuto pa uli bago niya itinaas ang kanyang malaki at malakas na kamay na itinataboy ako.
Pinakawalan ko ang hiningang pinipigilan ko at tumalikod para umalis nang tinitigan ako ni Gideon habang palabas sa opisina ang mga tauhan niya. Bumagsak ang sikmura ko nun.
Hindi niya ako itinataboy.
Umalis silang lahat, at nag-iisa ako sa kanyang malakas na presensya.
Sinubukan kong kumilos nang natural, pero, putang ina, hindi ko magawa.
Nanatili ako sa aking lugar, ngunit ginagalaw-galaw ko ang mga braso at binti ko, upang mapatigil ko ang sobrang kaba.
Gusto kong titigan si Mason Campbell, ngunit natatakot ako na kung gagawin ko ito ay magiging abo ako o magiging bato.
Hindi okey ang alinman sa dalawa.
"Itigil mo ang panggugulo sa kapayapaan ko," malambing ang kanyang boses, ngunit malamig at nakamamatay.
Ni hindi ko namalayan na alam niyang nandito ako.
Ni hindi itinatago ang kanyang pagkatigatig, itinuon sa akin ni Mason Campbell ang pinakamadilim niyang titig, ang babaing naglakas-loob na guluhin ang kanyang kapayapaan.
"O may gagawin ako dito."
Lalong sumikip ang dibdib ko na halos hindi ako makahinga.
Kinabog ako ng takot, tumakbo sa isip ko ang imahe ng aking sarili na nakahiga na isang malamig na bangkay sa isang abandunadong lugar, na pinupukaw ang malalalim na damdamin sa akin.
Halos mapaihi ako.
"Maupo ka."
Umaalog ang aking mga binti, mabilis akong umupo sa isa sa mga upuan sa harap niya, na pinagpasyahang mas ligtas ako kung wala ako sa kanyang paningin. Ngunit wala akong magawa.
"Bakit ka nandito?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na sinusulatan niya.
Gusto kong silipin kung ano ang hitsura ng kanyang sulat-kamay.
Pangit ba? Maganda ba?
Ngunit alam kong iyong huli yun.
Umusog ako sa kinauupuan ko, na pinipilit magsalita bago pa siya magalit.
Naaalala kong mabuti ang mga sinasabi nila tungkol kay Mason Campbell.
Ang tanging matinding emosyon na naranasan niya sa kanyang buhay ay galit at ang malamig na kadiliman sa kanyang sariling puso.
Sinabi nila na napakabangis ng kanyang galit na kaya nitong takutin ka hanggang sa buto.
Akala ko kabaliwan, na hindi siya maaaring maging kagaya ng sinasabi ng lahat tungkol sa kanya, ngunit nagsisimula na akong mag-isip ng iba.
"Na... Na... Na..a.." nauutal ako sa takot, yumuyukyok sa likod ng puso ko ang pangungusap na gusto kong bigkasin.
Natigil sa pagsusulat si Mason at bigla siyang sumulyap sa akin.
Napalunok ako sa makapangyarihang mga pilak na mata na bumunggo sa sulyap ko.
Nagpatuloy siya sa pagbutas sa akin gamit ang matalas na titig.
"Mag-ingat ka sa sasabihin mo," sabi niya bago tumagilid ang kanyang ulo.
"Natatakot ka ba sa akin?"
Dinilaan ko ang aking labi bago magsalita, “Panlansing tanong ba iyon?" tahimik kong tanong.
Dahil hindi ako nakakakuha ng anumang sagot, idinagdag ko, “O...oo."
Tinaas niya ang isang perpektong kilay.
"Oh?"
"Ayaw kong magsalita ng mali na magwawakas sa pagkamatay ko sa malamig na gabi.
"Sinasabi ng mga tao na ikaw ay isang malupit na mamamatay-tao, at nasisiyahan ka sa pagpatay sa iyong mga biktima o pagpapawala sa kanila."
Ni hindi ko namalayan kung ano ang sinabi ko hanggang sa marinig ko ang sarili ko.
Nanlaki ang aking mga mata at itinakip ko ang isang kamay sa aking bibig.
Nagtiim ang kanyang panga, at inilagay ang isang kamay sa ibabaw ng kanyang mukha.
"Makabubuting alalahanin mo kung sino ang kausap mo, Miss?" binalaan niya ako ng titig niyang pilak na kasing tigas ng yelo, ang kanyang malalim na tinig ay pantay ang lamig.
"Hart," sagot ko, nanginginig ang boses ko.
“Lauren Hart. At syempre, Mr. Campbell. “
“Miss Hart, ayokong ulitin ang sarili ko. Bakit ka nandito?" giniit niya, mas malakas ang boses niya sa pagkakataong ito.
Mas malakas, at may galit at pagkainip.
“Narito ako para sa isang interbyu. Hindi ko sinasadya na mapunta dito. Natulak ako sa isang pintuan at ang tanging daan palabas ay sa elevator na nagdala sa akin dito. Patawarin mo ako.
"Kung sa kabaitan mo’y pakakawalan mo ako, aalis na ako."
"Hindi ako mabait," nagsalita siya na para bang naiinis sa isang salitang hindi pamilyar.
"Syempre. Kung magiging mabuti ka? “
Tumayo siya hanggang sa kanyang buong tangkad, nagtaas ng kilay si Mr. Campbell.
Isang mapanghamong kilay.
"Walang pagkakaiba."
Pumuputok sa aking mga ugat ang pagka-irita, sinalubong ko ang kanyang mainit na titig ng aking malamig na tingin.
"Kung magiging mapagbigay ka na pakawalan ako? Ayoko nang guluhin ka pa. “
"Nagmamay-ari ka ba ng diksyunaryo, Miss Hart?" itinanong niya na hindi kumukurap.
"Iyon lang ba ang mga salitang alam mo?" Nang tinangka kong sagutin siya, pinigilan niya ako.
"Hindi mo kailangang sagutin iyon."
"Oh."
"Totoo," tumugon siya sa tonong nagtataka ako kung sa palagay niya ay bobo ako.
"Ibigay mo sa akin ang iyong resume."
Pinag-aralan ko siya nang matagal at alanganing sandali.
"Nais mong makita ang resume ko?"
“Nagsasalita ako ng Ingles, hindi ba? Ibigay mo sa akin ang iyong resume. “
Mabilis kong ipinasa sa kanya ang aking resume at pinag-aaralan niya ito.
“Hmm. Pumasok ka sa Knight- malinaw naman, hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng magagandang marka.
"Dalawang trabaho lang. Walang karanasan dito,” kinausap niya ang kanyang sarili, maingat na binibigkas ang bawat salita.
Kumunot ang mukha niya sa kakaibang pagsasama ng awa at pangungutya.
"Pagdating mo dito, sana’y hindi ka umaasa na magkatrabaho.
"Sa nakikita ko dito, hindi ka sapat na kwalipikado para magtrabaho sa Campbell Industry, Ms. Hart," sagot niya, bawat hibla ng kanyang kaluluwa’y hinahamon ako na sabihing hindi.
Sinalubong ko ang kanyang titig ng matalas na tingin, handang sumabog ang aking galit sa aking kalooban.
Pinagdiin ko ang aking mga labi at nananalanging hindi niya mapapansin ang muscle na kumikislot sa aking mukha.
"Ano? Hindi ako matatanggap?” tinanong ko, ang kanyang mga salita ay tumutusok tulad ng isang patalim na sanay na itinarak diretso sa aking puso.
Alam kong pagdating ko dito na wala akong pag-asa, ngunit hindi ito nangangahulugang hindi ako nasasaktan.
Ito lamang ang pagkakataon kong makakuha ng perpektong trabaho na may magandang suweldo.
Gusto kong sabihin na hindi dapat siya ang nag-interbyu sa akin, na si Mary Warner ang tumawag sa akin para sa interbyu.
Ngunit duwag ako.
"Iiyak ka ba?" tanong niya, ikinikiling ang kanyang ulo sa gilid.
"Hindi..akala ko lang-"
"Mabuti. Dahil galit ako sa mga mahihinang babae na hindi kaya ang katotohanan. Punasan mo ang luha mo bago mo iwanan ang DNA mo dito."
Nanigas ako, nagsisimulang kumabog ang isang ugat sa aking noo.
"Salamat sa oras ninyo, Mr. Campbell."
Kumalabog ang puso ko sa sobrang galit habang sinusubukan kong bumangon at umalis sa pesteng opisina niya at pangit na pagkatao.
“Pero...kwalipikado ka para sa isang bagay. May trabahong bagay sa iyo. Gusto mo bang maging assistant ko? Pero huwag mong hayaan na lumaki ang ulo mo.
"Susundin mo lang ang mga utos ko, sasagutin ang mga tawag ko at ikukuha ako ng tsaa. Siyempre, ang sweldo mo ay hindi magiging malaki.”
Huminga ako ng sunud-sunod na mahahaba at malalalim hanggang mabawasan ang tensyon ko.
"Mr. Campbell kung pwedeng-”
"Take it or leave it. Mahaba ang pila ng mga tao na magkakandarapa sa trabahong ito."
Isinara ko ang aking mga mata at kinurot ko ang bridge ng ilong ko at pinigil ang pagnanasang sumigaw. “Oo pero-"
Umiwas siya ng tingin sa akin at sumulyap sa mga papel na nasa harapan niya.
"Magandang araw, Ms. Hart."
Sumisigaw ang bahagi ng pagkatao ko na magandang trabaho iyon at ang iba pang bahagi ay sumisigaw rin na hindi ako karapat-dapat na apak-apakan, ngunit nagwagi ang bahagi ko na mas malakas sumigaw.
"Kukunin ko! Kukunin ko ang trabaho.” Pinagdikit ko ang aking mga labi, nilunok ang pait na umaakyat sa aking lalamunan at, sa halip, ay pinagmasdan siya nang may pagkasuklam.
"Mr. Campbell, nakikinig ka ba?
"Sinabi ko na kukunin ko ang trabaho." Pumipintig ang buo kong katawan sa pagkabalisa, naikuyom ko nang mahigpit ang aking mga kamay sa ilalim ng mesa nang hindi niya ako pinansin.
"Magkita tayo sa Lunes ng alas otso," sinabi niya nang hindi man lang tumingin sa akin.
"Maraming salamat! Hindi ko kayo-”
Sumingit siya, “Kaya mo nang lumabas."
Bastos. Tahimik akong lumabas ng opisina, iniisip ang 20 minuto kong pakikipag-usap sa kanya, at sa loob ng mga minutong iyon, wala siyang sinabing maganda sa akin.
Paano magiging maayos ang pagtatrabaho para sa gayong tao?
Tandaan mo, Lauren. Nagtatrabaho ka na para sa kanya ngayon. Oo nga, malas ko lang.
Kung hindi pa ako naging desperado makahanap ng trabaho, hindi ako papayag na magtrabaho para sa kanya.
Kahit na hindi makuha ang sweldong inaasahan ko, tatanggapin ko ang alok niya.
Hindi ko ito tatanggihan, naisip kong hindi ito kunin, pero naalala ko ang tatay ko at kung paanong para ito sa kanya.
Sana lang ay maka-survive ako sa pagtatrabaho para kay Mason Campbell.