11 YEARS AGO
Madilim pa din nang dumating si Dad sa bedchamber ko. Tulog pa ang araw, kasama ang lahat ng mga ibon.
Pupunta siya sa isang adventure, sabi niya, at naisip niya na baka gusto kong sumama.
Syempre gusto ko.
Tumalon ako galing sa kama. Sinuot ko ang sheepskin coat ko. Summer ngayon, pero ang mga umaga ay malamig pa din...
Chapter 1
Dragons at DawnChapter 2
Underneath the MoonChapter 3
Meetings in the Dark 🌶Chapter 4
An Exercise in TrustSUMMER
11 YEARS AGO
Madilim pa din nang dumating si Dad sa bedchamber ko. Tulog pa ang araw, kasama ang lahat ng mga ibon.
Pupunta siya sa isang adventure, sabi niya, at naisip niya na baka gusto kong sumama.
Syempre gusto ko.
Tumalon ako galing sa kama. Sinuot ko ang sheepskin coat ko. Summer ngayon, pero ang mga umaga ay malamig pa din.
Kinuha ko ang adventure pack na binigay sakin ni Dad galing sa huling birthday ko, nang mag-pitong taon gulang ako. Pinuno niya ito ng mga magagamit na bagay na kakailanganin ko para sa paghunt ng mga salamander, pagtatayo ng mga forts, at pagsunod sa mga Dragons.
Magnifying glass, slingshot, pangputol sa mga halaman at manipis na mga branch, libro para ipitin sila...
Kapag dala ko ang pack ko, naramdaman kong tunay na adventurer ako. Dinadala ko ito kapag umaalis ako sa castle para maghanap sa mga Dragons.
Ang mga Dragons ang paborito ko.
"Summer," mahinang sabi sakin ni Dad habang naglalakad kami sa hagdanan, para hindi magising ang mga tao sa castle. Hawak niya ang kamay ko.
"Nakakatuwa talaga ang mission namin. Isang rogue na Dragon ang kumain ng mga prized na cows ni Farmer Tivoli at nakatulog sa field niya.”
Nanlaki ang mata ko. Isang dragon!
Kinarga ako ni Dad sa carriage na naghihintay sa harap ng castle.
"Kailangan natin siyang gisingin," sabi ni Dad, "at kumbinsihin siyang wag mag-abala sa ibang mga farmers."
Isang babae na Dragon. Ito ang pinakamagandang araw.
Matagal ang byahe namin. Ang araw ay nagsimulang sumikat, at sa bintana ng carriage, ang mga green hills at valleys ng Patter Kingdom ay natatakpan ng dew.
Nararamdaman ko ang Dragon ay malapit sakin. Alam kong nararamdaman din ni Dad, dahil pinisil niya ang kamay ko.
At pagkatapos ay tumigil ang carriage.
Isang lalaki ang naghihintay samin. Ipinakilala niya ang sarili niya kay Dad bilang Farmer Tivoli. Nag-usap sila sandali, pero hindi ako nakikinig.
Nakasandal ako sa gitnang parte ng fence. Nakatingin sa Dragon.
Sa gitna ng mahamog na bukid ay meron isang purple na Dragon. Ang scales niya ay iridescent, na sumasalamin sa araw habang tumataas at bumababa ang katawan niya sa bawat paghinga. Kasing laki siya ng carriage, kasama na ang dalawang kabayo na nagmamaneho nito.
Maganda sya.
Naririnig ko ang hilik niya. Ginalaw niya ang buntot niya, na parang may paniginip siyang maganda.
"Dad!" Tumawag ako. "Tara na!"
Tumawa siya pero lumapit at binuhat ako sa ilalim ng mga braso ko sa ibabaw ng bakod.
Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa matangkad na damuhan. Nabasa ng hamog ang mga binti namin.
"Bale, mahal ko," sabi niya, "palagi kaming lumalapit sa natutulog na mga Dragons galing sa harap. At lumalapit tayo sa kanila na may respeto sa mga puso natin. Tulad ng mga kabayo na nakakaamoy ng takot, nakakaamoy ang Dragons ng respeto.”
Palapit na kami sa kanya. Tumitibok ang puso ko.
"Daddy, ano ang ibig sabihin ng 'rogue'?"
“Ibig sabihin wala siyang grupo. Nag-iisa siya sa mundo."
Huminga ako. Nakatayo kami, nakatingin sa Dragon.
Tahimik siyang natutulog. Nag-alala ako na ayaw niya magising.
"Indigo," tawag ni Dad.
Nanlaki ang mata ko. Alam niya ang pangalan nito?
Tamad na bumukas ang mga mata ng Dragon. Kulay electric green ang mga mata niya. Tumingin siya sakin, at naramdaman ko ang pagkabigla sa buong katawan ko.
Pinatong niya ang napakalaking ulo niya sa mga paa niya.
"Hindi ka na nagugutom," sabi ni Dad. Ibinagsak niya ang kamay ko, dahan-dahang lumalakad papunta sa kanya.
Tinaas ng Dragon ang ulo niya at huminga ng usok galing sa ilong.
Malapit na si Dad ngayon, at lumuhod siya.
"Ako ang Hari ng Patter. Ipinakumbaba ko ang sarili ko sa harap mo."
Itinaas ng Dragon ang ulo niya, nakatingin sa kanya pababa sa ilong niya.
"At humihingi ako sayo ng isang pabor. Please umalis ka sa field ni Farmer Tivoli at maghanap ng iba pang pagkain kesa sa mga cows sa Patter."
Nag-harrumphed ang Dragon. Sa isang sandali, hindi siya gumalaw, at nag-aalala ako na baka magdesisyon siyan kainin ang dad ko kesa sa mga cows.
Pero tumayo siya. Sa paggalaw niya, ang mga scales niya ay bumulong na parang silk. Pagkatapos ay ikinalat niya ang napakalaking mga pakpak niya.
At mabilis, tahimik, lumipad siya sa langit.
Gumawa ng hangin ang mga pakpak niya na hinihipan ang buhok ko galing sa mukha ko.
Pinanood ko siya hanggang sa siya ay isang maliit na tuldok sa kalangitan. Saan siya pupunta? Nagtaka ako.
Nang tumingin ako sa kay Dad, nakaluhod pa din siya sa field. Pero napalingon siya at tintingnan niya ako. Nakangiti siya, at nang magtinginan kami, kumindat siya.
KASALUKUYANG ARAW
PATTER KINGDOM
Hawak ko ang kamay ni Maddie habang dinadala ko siya sa Dragon pen.
"Totoo bang nakakahinga ng apoy ang Dragons, Summer?" tanong ng maliit kong pinsan.
"Oo. Humihinga sila ng apoy, at napakainit na kaya nitong matunaw ang bato.”
"Wow," hinga niya.
Tumingin ako sa maliit niyang ulo, ang mga pula niyang mga kulot tumatalbog habang lumalakad siya.
"Nandito na tayo." Tumigil ako. "Dito nilalagay ng kapatid ko ang mga Dragons."
Napaluhod ako sa tabi niya para tingnan ko siya sa mata.
“Makikita na natin ang Dragons, Maddie. Ang mga creatures na ito ay makapangyarihan at delikado. Hindi mo kailangang matakot sa Dragons, pero kailangan mo silang respetuhin. At ang pagrespeto sa kanila ay ibig sabihin hindi mo sila hahawakan. Kahit kailan. Okay?"
Alam kong kailangan kong ipaintindi ito ng malinaw para sa kanya. Tumango ang anim na taong gulang na bata. Parang hindi siya natatakot.
Tumingin ako sa pen. Ito ay isang hostile na istraktura na dati ay isang wheelhouse. Si Ross, ang kapatid ko, at ang Hari ng Patter, ay binago ito sa isang dungeon kung saan tinatago niya ang Dragons na nahuli ng army niya.
Para idroga, gutomin, at itrain sila hanggang sa sumali sila sa army ni Ross.
Dahan-dahan kong binuksan ang malaking pinto. Hindi ako dapat nandito, at lalo na hindi kasama si Madeline.
Pero ang maliit kong pinsan ay hindi tumitigil sa pagtatanong, at patago akong umaasa na kung si maliit na Maddie at ~akoay pinilit si Ross, sa wakas ay titigil na siya magkulong ng mga Dragons.
Sumilip ako sa madilim na kwarto. Naiilawan ito ng konting torches.
Tatlong Dragons ang tinatago sa mga stalls. Nakahiga sila na may mabibigat na kadena sa paligid ng bawat binti.
Kahit na sa darating na gabi, nakikita ko ang itim na dugo ng Dragon na naipon sa huling stall ng Dragon. Ang Dragon na ito ay bago. At napakalaki. Malinaw na lalaki ito.
Ang mga gintong scales nito ay maganda. Ang kulay ay parang galing sa ibang mundo. Hindi ko maalis ang tingin ko sa creature.
Biglang bumukas ang mga mata nito. Ang mga gintong mata niya ay nakatingin sakin, at sa isang sandali, nawala ang mundo.
Nakalimutan kong huminga, at tumibok ang puso ko. Ano ang nangyayari?
Naramdaman ko ang paghila ni Maddie sa damit ko.
"Summer, tingnan mo ako!" Sinubukan niya akong itulak.
Kinuha ko ang pagkakataong ito para matigil ang tingin ng Dragon, binubuksan ang pinto.
Pero katulad ng isang impulse, na parang magnet ang Dragon, tumingin ako ulit. At nagtinginan ulit mga mata namin.
Nasaktan ako nang makita ang Dragon na nasasaktan ng ganito.
"Wow," hinga ni Maddie. "Bakit nakatali ang mga Dragons?" bulong niya.
“Kasi gusto ng kapatid ko na itago lahat para sa kanya. Ayaw niyang palayain sila. Mukhang hindi makatarungan, hindi ba?”
Pinisil ko ang maliit niyang kamay. “May pakiramdam ako na mababago natin ito. Pero oras na para matulog.”
"Noooo..." ungol ni Maddie. Pero kinarga ko siya sa mga braso ko at hinayaan magsara ang pinto sa likod ko. Nagpapasalamat ako na nawala ako sa tingin ng Dragon.
Napakatindi nito, at hindi ko malaman kung bakit.
Binaba si Maddie sa lakaran.
"Tumakbo kaagad pabalik sa castle, okay, unggoy? Papatulugin ka ni Nell. Uuwi na ako mamaya.” Hinalikan ko ang noo niya, at nagsimula na siyang tumakbo.
Bumuntong hininga ako.
Kailangan kong mag isip. Ito ay isang magandang panahon para pumunta sa kagubatan.
Sa sandaling nasa ilalim ako ng takip ng mga puno, humina at naging steady ang paghinga ko. Natagpuan ko rhythm ko habang dumadaan ako, humahawak sa bark at may hawak na mga dahon sa pagitan ng mga daliri.
Bilang isang healer, mas malapit ako sa natural na mundo. Ang pagiging solo sa nature ay hindi lang nagpalakas sa kakayahan ko magheal pero ito ay nagpapagaling sakin. ~Mas pinalinaw nito ang isip ko, mas kalmado.
Madali akong gumalaw sa kagubatan, kahit na hindi ako makakita ng maayos sa dilim.
Naisip ko ang gintong Dragon at si Jordan Culling, ang gwapo na hari na nasa Patter para ligawan ako.
Kakaiba na naisip ko silang sabay, naisip ko, pero mabilis kong kinalimutan ito.
Si Culling ay kaakit-akit at matalino, at gusto niya ako para maging reyna niya. Nilinaw niya yun. Nakakatukso ang alok, pero masyadong maaga para malaman. Labing walong taon gulang palang ako ngayon.
Huminto ako at huminga sa ilong ko. Sinubukan kong malaman ang acrid na amoy ng Dragonsbane.
Nag-set up si Ross ng hindi mabilang na mga traps sa kagubatan sa paligid ng Patter, para akitin ang mga Dragons ng bait. Kapag ang trap ay sumabog, sila ay mababaril ng Dragonsbane, isang lason na ginamit para pahinain, o kahit patayin, sila.
Nakakuha na si Ross ng maraming mga Dragons, pero hindi ako uupo at hayaan ang mga inosenteng creatures na ito na makuha na walang dahilan kundi sa hubris ng bobo kong kapatid na hari.
Ngayong gabi ay tatanggalin ko ang mga traps niya.
Sa dami ng makakaya ko.
DANE
Ayan na siya.
Tama si Aneurin. Maganda siya.
At siya ang the one. Naamoy ko ito.
Lumakad ako sa kagubatan sa form ko na Dragon. Ang mga scales ko ay itim, halos hindi nakikita sa gabi.
Tahimik akong gumalaw.
Papunta sa kanya.
Umulit ang boses ni Aneurin sa ulo ko. Habang nakakulong siya sa dungeon ng hari, siya ay nasa ulo ko higit pa sa normal. Lalo na pagkatapos niyang makita ang babae.
Tama siya.
Siya ang hinahanap namin.
Ang prinsesa ay may mahabang, kulot na brown na buhok. Umiilaw ang mga mata niya kahit sa dilim, at bagay sa figure niya ang damit niya. Kinuskos niya ang isang dahon sa pagitan ng mga daliri niya bago yumuko at inilagay ang mga kamay niya sa lupa.
Mukhang tinatanggal niya ang isa sa mga trap ng bobong hari.
Interesting.
Pinanood ko siya na nagtatrabaho, dahan-dahan at maayos na tinatanggal ang kagamitan.
Ang presensya niya ay parang isang balm sakin. Pinapaginhawa niya ang patuloy na galit sa isip ko, ang natural na pag ayaw ko sa mga tao ay natatanggal.
Napasaya din ako nito, pero hindi ko ito papansinin sa ngayon.
Gusto ko ipakita ang sarili ko sa kanya, pero ayaw ko siyang matakot.
Ang isang maliit na branch ay naputol sa ilalim ng paa ko. Humarap siya sa direksyon ko. Meron pagtataka sa mga mata niya, at pagkatapos ay takot.
Alam niya kung ano ako. Kaya sinara ko ang distansya sa pagitan namin, gumagalaw ng dahan-dahan papunta sa kanya sa apat kong paa.
Sa malapit, ang amoy niya ay nagpabaliw sakin.
Malaki at takot ang mga mata niya. Hindi siya humihinga.
Napagdesisyonan kong kalmahin ang mga takot niya. Lumamig ang katawan ko habang naging itim na usok ako at pumasok sa human form ko.
Ngayon, malaki ang mga mata niya, pero hindi ito takot. Hubad pala ako.
"Summer," sabi ko. "Marami akong naririnig tungkol sayo." Lumabas ako galing sa shadow ng mga puno, pinapayagan ang liwanag ng buwan na mahulog sakin. Narinig ko ang paghinga niya, ang tunog na nagpapadala ng pagnanasa sakin.
Oh, gaano katamis na ipahingal siya...
"Dane ang pangalan ko."
Tumigil ng sandali si Summer, at pagkatapos ay tumakbo siya papunta sa woods.
Napatawa ako sa sarili.
"Hindi ako kumakagat, maliit na babae," tawag ko sa kanya. Alam kong naririnig niya ako.
Bale, hindi pa...