The Arrangement - Book cover

The Arrangement

S.S. Sahoo

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Alam ni Xavier Knight ang dalawang bagay na guarantee na kayang magpa-turn on sa isang babae: mga mabilis na kotse at pera. Parehas meron s'ya. Nung napilit s'ya sa isang arranged marriage ni Angela Carson sa pamamagitan ng isang iskandalo, isang walang pera at walang kwentang tao, ipinagpalagay n'ya na s'ya ay isang gold digger — at nangangakong parurusahan ito para dito. pero ang itsura ay mapanlinlang, at kung minsan ang mga magkasalungat ay hindi rin gaanong naiiba sa isa’t isa ...

Rating ng Edad: 18+

View more

91 Chapters

To Sign Away a Soul

ANGELA

Iniisip ng lahat na isa silang bayani.

Pinagpapantasyahan natin ang katanyagan - ‘yong mga nababasa natin sa mga libro at nakikita sa mga pelikula.

Tumakbo sa loob ng isang nagliliyab na gusali para iligtas ang isang aso? Sure. Magregalo ng isang kidney sa isang kaibigan? No problem. Pumigil ng isang pagnanakaw? Easy.

Pero ang katotohanan, hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon natin kapag sumapit ang pagkakataon. Hanggang sa nakatutok na ang baril sa'yong ulo, at naaamoy mo ang bakal nito.

Magiging malakas ka ba para gawin ito? Ang harapin ang baril at sabihin, “Piliin mo ako. Ako ang barilin mo. Patayin mo ako."

Kapag dumating ng oras, ano ang pipiliin mo?

Ang 'yong buhay, o ang kanila?

***

Pinisil ko ang kamay ng aking Papa, ang aking puso sa'king lalamunan. Masakit s’yang makitang ganito. Nakahiga s'ya sa kama ng ospital, may mga tubo na nakakabit sa kanyang mga braso at dibdib. Nagbi-beep ang makinarya sa tabi n'ya, at may oxygen mask na nakatakip sa kanyang mukha.

Bumuhos ang luha sa pisngi ko, at pinunasan ko ito sa animo’y pang-isang libong beses.

S’ya ay isang constant sa'king buhay. Ang angkla na bumuo ng aming pamilya. Isang haligi ng lakas at kalusugan.

Si Lucas, ang aking pinakamatandang kapatid, ay lumitaw sa pintuan. Naglakad ako at niyakap ko s'ya.

"Ano ang sinabi ng doktor?" Tanong ko.

Tumingin si Lucas sa balikat ko kay Papa. "Lumabas tayo sa hallway."

Habang tumatango, pinuntahan ko si Papa at hinalikan ang kanyang noo bago sumunod kay Lucas palabas ng kwarto.

Sa ilaw ng pasilyo ng ospital, hinayaan kong masagasaan ng aking tingin ang aking kapatid. Habang tinitingnan ang kanyang magulong buhok, hindi ahit na pisngi, at malalim na mga bilog sa ilalim ng kanyang mga mata, alam kong mahirap ang naging araw n'ya.

"Makinig ka, Angie ..." nagsimula si Lucas. Kinuha n'ya ang aking kamay sa kanya, tulad ng ginagawa n'ya noong bata pa ako at natatakot sa dilim. "Kailangan kong manatili kang kalmado, okay? Manatili kang matatag. Ang balita… medyo masama.”

Tumango ako at huminga ng malalim para mapanatili ang aking sarili.

"Si Papa ..." pasimula ni Lucas, pagkatapos ay tumigil s'ya, ang kanyang tingin ay papunta sa kisame. Nilinaw n'ya ang kanyang lalamunan. "Nagkaroon s’ya ng stroke."

Sariwang luha ang tumulo sa'king mga mata.

"Hindi namin alam kung gaano kalubha ang epekto nito sa kanya, pero sa palagay nila may kinalaman ang ALS dito," patuloy n'ya.

"Ano ang pwede nating gawin?" tanong ko, habang gumagapang ang desperasyon sa'king boses.

"Magpahinga muna tayo," sabi ni Danny, ang aking isa pang kapatid, mula sa likuran ko. Naglakad s'ya at niyakap ako. "Gumagawa pa rin ang mga doktor ng ilang mga tests."

Nagkatinginan ang aking dalawang kapatid, at alam kong meron silang hindi sinasabi sa'kin.

"Ano?" pautos kong tinanong. "Ano ‘yon?"

Umiling si Lucas.

"Mayroon kang nalalapit na interview, di ba?" tanong n'ya. "Umuwi ka na muna at matulog. Tatawagan ka namin kapag may nalaman kaming bago, okay? ”

Bumuntong hininga ako. Ayokong umalis, pero alam kong tama ang mga kapatid ko. Mahalaga na makuha ko ang trabahong ‘to.

Nagpaalam kami at lumabas ako sa lamig ng hangin ng gabi. Nakita ko ang mga ilaw ng New York City sa di kalayuan, puno ng pag-aalala ang utak ko.

Parang wala akong magawa.

Wala nga ba akong magagawa?

XAVIER

Napasigaw ang babae sa tabi ko habang pinapaikot ko ang manibela, lumiliko ang kotse sa isang hairpin turn. Tumawa s'ya, high sa bilis at sa maraming bote ng champagne.

"Xavier!" kinagat n'ya ang kanyang labi, gumagapang ang kanyang kamay sa'king hita. Dalawang bagay ang garatinsadong kayang magpa-horny sa isang babae.

Ang tunog ng isang mabilis na kotse, at isang sakong pera.

Pinatulin ko ang makina, habang mabilis tumatakbo ang aking Lamborghini sa mga magandang kalsada ng Monaco. Nanginginig sa tuwa ang blonde chick sa tabi ko, habang hinahaplos ang umbok ng aking pantalon. Isa s'yang model, dito sa Monaco para sa isang fashion show.

Ilang beses na kaming nag-sex.

Pero hindi ko man lang alam ang pangalan n'ya.

Ngumisi ako habang binubuksan n'ya ang zipper ng pantalon ko, napabuntong hininga ako sa sarap habang sinusubo n’ya ako.

Now this was life.

Habang tumatakbo sa kalsada ng magandang Monaco sakay ng isang Lambo, ang titi ko nasa bibig ng isang supermodel.

Walang responsibility sa isang multi-billion dollar na kumpanya.

Walang nakakainis na tatay na nakatitig sa batok ko.

Walang cheating fucking whores na nagtra-traydor sa likuran ko at—

Bumulusok ako lagpas ng isang red light, at dumagundong ang sirena ng police sa hangin ng gabi. Tumabi ako, pinapanood ang mga kumikislap na ilaw sa'king salamin.

"For fucksake," ungol ko.

Nagsimulang tumingala si blonde girl, pero itinulak ko s'ya pabalik sa titi ko.

"Sinabi ko bang pwede ka nang tumigil?"

Nagpatuloy ang model sa kanyang ginagawa, sabik na magpaligaya.

Bumaba ang police sa kanyang sasakyan at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan ko.

Well, Inisip ko, habang nakatingin sa ulo na tumataas baba sa'king kandungan. ~Magandang kwento ‘to sigurado.~

BRAD

Tinawag ko ang aking assistant para pumunta sa'king opisina, habang malakas na bumubuntong hininga dahil sa frustration. Ito ang pangatlong beses sa ilalim ng isang buwan na napunta sa headline si Xavier, at hindi dahil sa paghalik n'ya sa ulo ng mga sanggol o pagvo-volunteer sa mga ospital.

Hindi.

Ang aking anak ay inaresto sa Monaco dahil sa reckless driving at public indecency.

Pinisil ko ang taas ng aking ilong.

May kumatok sa pintuan.

"Pasok," tawag ko nang hindi tumitingala. Pumasok si Ron, ang aking twenty-six-year-old na assistant. "Nakita mo ba ang balita?"

Bumuka at sumara ang bibig ni Ron ng ilang beses. Hindi na n'ya kailangan sabihin. Nagduda ako na mayroong kahit isang kaluluwa sa buong New York City na hindi pa ito nakikita. Kung saan saan makikita ang headline.

"Tawagan mo ang mga abugado natin at papuntahin mo dito si Frankie mula sa PR. Please."

Tumango si Ron at mabilis lumabas ng aking opisina.

Tinawid ko ang room papunta sa bintanang salamin na pumupuno sa buong pader ng aking opisina, nakatingin sa ibaba sa mga lansangan ng New York, malayong malayo pababa.

Kailangan kong mag-overdrive para matiyak na ang mga aksyon ng aking anak ay walang epekto sa kumpanya, o sa kanya. Pwede kong sabihin na mayroon akong dalawang anak: si Xavier at ang Knight Enterprises.

Sa paghiwalay ko sa oil ventures ng aking mga magulang, itinayo ko ang nangungunang hotel and hospitality conglomerate sa mundo mula sa wala. Ang aking dalawang pinakamalaking kagalakan sa buhay ay ang aking anak at ang aking kumpanya.

At ngayon pareho silang nasa panganib.

Muli.

Bumuntong hininga ako, ang mukha ng aking magandang asawa ay bumabalik sa'king isipan.

Oh, Amelia. Sana nandito ka pa. Malalaman mo kung paano tutulungan si Xavier.

Nabaling ang aking tingin sa mga kalye papunta sa Central Park. Magkasama kaming naglalakad ng aking minamahal sa parke, nakaupo at kumakain sa isang bench sa tabi ng mga puno.

"Ron!" Sigaw ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking opisina. "Cancel my meetings. Mamamasyal ako."

ANGELA

Naglakad ako sa butas-butas na daan ng Central Park, sinusubukang linisin ang aking isipan. Pauwi na ako galing sa flower shop ni Em matapos kong magsara para sa araw na ‘yon.

Bumabaluktot ang mahahabang tangkay ng mga puno sa malamig na simoy ng katapusan ng tag-init. Lumulutang ang mga swan sa ibabaw ng mala-salaming batis. Ang kwentuhan ng mga batang naglalaro ay lumulutang sa hangin, at nagyayakapan ang mga magkasintahan sa damuhan.

Bitbit ko ang isang bouquet ng lilies sa'king braso, ninanamnam ang kanilang mabangong amoy. Masakit pa rin sa puso ko ang isipin na ang aking Papa ay nasa ospital, pero kailangan kong manatiling matatag.

Napansin ko ang isang mas matandang lalake na nakaupo nang mag-isa sa isang bench; nakapikit ang kanyang mga mata sa pagdarasal. Hindi ko alam kung ano ang humila sa'kin papunta sa kanya, pero bago ko pa ito malaman, nakatayo na ako sa tabi n'ya. Tila s'ya ay malungkot.

So broken.

"Excuse me?" tanong ko.

Dinilat n'ya ang kanyang mga mata, kumukurap sa gulat habang tumitingala sa'kin.

"Pwede ba kitang matulungan, iha?" tanong n'ya.

"Gusto ko lang po sana tanungin kung okay lang po kayo," sabi ko. "Parang medyo ... down po kasi kayo."

Umusad s'ya sa bench at itinuro ang isang plaque na nakaukit sa likuran. "May naalala lang akong isang mahalagang tao sa'kin," aniya, sa medyo hindi malinaw na boses.

Nabasa ko ang nakaukit.

For Amelia. Beloved wife and loving mother. 16 / 10/1962 - 04/04/2011

Nadurog ang puso ko.

Nakangiti kong inabot ko sa kanya ang bouquet ng lilies.

"Para po kay Amelia," alok ko.

"Salamat." Inabot n'ya para kunin ang bouquet, habang nanginginig ang mga kamay. "Maaari ko bang malaman ang pangalan mo iha?"

"Angela Carson ho," sagot ko.

BRAD

Pinagmasdan kong umalis si Angela, isang pakiramdam ng kapayapaan ang tumanggal sa mga pag-aalala sa'king puso. Tinapik ko ang bench, habang abot langit ang ngiti.

Salamat, mahal ko. Pinakita mo sa'kin ang sagot.

Inabot ko ang bulsa ng aking jacket, at inilabas ang aking telepono.

"Ron, kuhain mo ang lahat ng information tungkol sa isang Angela Carson hangga't maaari." Sinuri ko ang bouquet na ibinigay n'ya sa'kin, napansin ang pangalan ng flower shop na nakasulat sa papel na nakabalot dito.

EM’S FLOWERS.

Tumango ako sa'king sarili, isang plano ang namumuo sa'king isipan.

"At pabalikin mo ang aking anak sa New York."

ANGELA

DANNYAngie. Halika bilis
DANNYSi Papa
ANGELAAnong nangyari ?!
DANNYInatake sa puso.

"Nagawa naming muling buhayin ang 'yong ama," sabi ng doktor, malubha ang boses nito. "Ang mga biktima ng stroke ay madaling atakihin sa puso sa unang dalawampu't apat na oras pagkatapos ng stroke. Sinusubaybayan namin s'ya ng mabuti at magpapatuloy ang mga tests para makita kung ano ang maaari naming gawin." Sinabi n'ya ito na parang walang pag-asa na merong pa silang magagawa.

"Salamat, doc," sabi ni Lucas.

Tumango ang doktor at iniwan kaming mag-isa.

"Gaano katagal kailangan mag-stay si Papa dito?" Tanong ko sa isang maliit na boses. "Mukhang wala pa s'ya nasa anumang anyo para umuwi."

"Siguro wala na tayong choice," sabi ni Danny.

"Ano ang ibig sabihin noon?" Nagtanong ako.

Nagkatinginan ang mga kapatid ko. Kumalabog ang puso ko sa'king dibdib. Nararamdaman ko ang darating na masamang balita. Sa wakas, lumingon sa'kin si Lucas.

"Hindi natin s’ya kayang bayaran dito, Angie."

Kumurap ako. "Ha?"

Pinasadahan ni Danny ng kanyang mga kamay ang kanyang buhok, pagod ang kanyang mukha. "Wala tayong pera."

"Paano? Ang restaurant… ”Ang restaurant ang naging buhay ni Papa noong lumalaki kami. Si Mama ay nagtrabaho din doon, hanggang sa nagkasakit s’ya. Ang mga kapatid ko ang pumalit kay Papa pagkatapos na pagkatapos nila sa kolehiyo.

"Ilang taon nang nahihirapan ang restaurant. Tinamaan ito ng crisis. Isinanla ni Papa ang bahay para subukang ayusin ito." Bumuntong hininga si Lucas. Mukha s'yang sumuko.

"Bakit hindi mo sinabi sa’kin?" Nagtanong ako. "Mayroon akong malapit na interview, baka naman siguro ..."

Pero umiling si Danny.

"Malapit nang dumating ang mga bayarin sa opital ..."

Hindi ko na kayang manatili doon — sa hallway, sa ospital. Masyadong claustrophobic. Lumayo ako sa mga kapatid ko. Tinawid ako sa mga hallway at pababa ng hagdan ng aking mga nanginginig na binti hanggang sa makita ko ang sarili ko na nakatayo sa labas, sa harap ng ospital.

Kalagitnaan na ng gabi, kaya wala namang makakakita sa'kin na nakaluhod sa gitna ng sidewalk. Iyon ang naisip ko ...

"Excuse me?" sabi ng isang malalim na boses mula sa likuran ko.

Sumisingap, sumulyap ako para makita ang isang lalaki na papalapit sa'kin. "Bakit, pwede ba kitang tulungan?" Bumulong ako, pinunasan ang aking mga mata.

Lumuhod ang lalaki sa harapan ko, at napabuntong hininga ako nang makilala ko s'ya.

Ito ang lalaking nakilala ko kanina sa Central Park. Ang binigyan ko ng aking bouquet.

"Pasensya na sa panghihimasok. Ako nga pala si Brad Knight."

Natigil ang paghinga ko. Brad Knight?

Si Brad Knight?

Ang bilyonaryo sa likod ng Knight Enterprises?

"Um," nauutal kong sabi.

“Alam ko ang tungkol sa sitwasyon mo, Angela, at matutulungan kita. Maaari akong tumulong sa mga bayarin sa gamot ng 'yong ama."

Umikot ang ulo ko. Naalarma ang aking utak.

Paano n'ya alam? Ano ang kailangan n'ya sa'kin?

“Babayaran ko ang lahat. Sisiguraduhin kong aalagaan ang tatay mo. Isa lang ang dapat mong gawin para sa'kin." Tila totoo ang sinasabi n'ya, pero isang pahiwatig ng disperasyon ang lumabas sa kanyang boses. Tinipon n'ya ang kanyang sarili, nakatitig mismo sa'king mga mata.

"Kailangan kong pakasalan mo ang anak ko."

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok