Nang mamatay ang ina ni Marcella Sinclair, hindi n'ya mapigilang maramdaman na maging pabigat sa kanyang eighteen-year-old na kapatid na si Erik. Kaya nang nakatanggap s'ya ng offer ng malaking pera bilang isang stripper, tinanggap n’ya ito. Walang dapat makaalam … lalong lalo na ang kanyang kapatid, na nagpupursiging manatili s’yang dalisay at inosente habang buhay.
Rating ng Edad: 18+
Chapter 1
One is the loneliest numberChapter 2
But two can be just as bad as oneChapter 3
Three is a crowdChapter 4
Four for fourMari
"Ms. Sinclair, wag ka munang umalis pagkatapos ng klase. Kailangan kitang makausap."
Kinabahan ako sa matigas na boses ni Mr. Keats.
Sa lahat ng mga teachers ko, sa kanya ako pinaka-natatakot.
Parang never kami nagkasundo at tuwing nasa klase n’ya ako ay parang nagi-guilty ako nang hindi mapaliwanag.
Tumango lang ako at sinisi ang swerte ko.
Never akong nagkaroon ng good luck, katulad nga ng sabi nila, kung hindi ka nagkaroon ng bad luck then hindi ka rin magkakaroon ng good luck.
Habang tinatabi ko ang mga libro sa bag at kinukuha ang jacket, pinanood ko ang buong klase na iniwan ako magisa.
Hindi ko alam bakit pero laging pinaparamdam ng lalaking ito sa’kin na worst kid ako. Na parang wala akong ginawang tama.
Ang perfect grades ko ay bumagsak pababa sa kamay ng lalaking ito.
"Miss Sinclair, gusto mo bang diretso nalang kitang ibagsak para matapos na? Parang hindi ka man lang nagta-try."
Bumuntong hininga s’ya habang nakasandal sa metal desk, naka-cross ang mga paa at magkadikit ang mga kamay habang nakapatong sa kanyang belt buckle.
Ibinabalik ang tingin sa kanya nagisip agad ako ng tamang sasabihin.
"Hindi, hindi po, Sir. Tinatry ko po talaga ang hardest ko. Inaayos ko po talaga ang mga grades ko sa klase n’yo, Sir. Sana mapakita ng kasunod na assignment na ‘to ang effort ko."
Tumango ako habang inoobserbahan ako ng kanyang malalamig na brown na mata.
Parang sinusubukan n’yang tingnan kung nagsisinungaling ako, o siguro hindi lang s’ya fan ng fashion sense ko.
"Nagdududa ako na kaya mong maipasa ang klase na ito nang mag-isa, Miss Sinclair. Naisip mo bang kumuha ng tutor?"
Nag-squirm ako sa presence n’ya.
Pakiramdam ko ay sinusuri n’ya ako at dini-dismiss sa lahat ng level.
"Mr. Keats, maganda po ang idea, pero hindi ko kayang i-afford ito. Hindi ko sigurado kung saan ako nagkakamali, kung bibigyan n’yo ako ng panahon I’m sure kaya kong itaas ang grades ko."
Nilaro ko ang mga kuko ko, pinag-kukuskus ang mga ito at habang inaayos ang tayo ko para mabawasan ang anxiety na dinudulot n’ya.
"Hindi ako naniniwala sa optimism Miss Sinclair, sa katunayan ito ay hindi magandang choice para sayo this time."
Pinaparamdam ng tono n’ya na parang nakapag desisyon na s’ya na hindi ako papasa kaya bakit pa maga-try.
"Sir, please. Gagawin ko po kahit anong assignment para sa extra credit para maiangat ang grades ko. Hindi ako pwedeng bumagsak sa klase na ito, kailangan ko ang lahat ng credit sa curriculum ko para makapasa. Kung babagsak ako dito hindi ako makaka-graduate sa klase ko next year. Please po, Sir. Please reconsider."
Nakiusap ako sa kanya nang buong puso, kailangan kong pumasa. Hindi ako pwedeng bumagsak, kailangan kong grumaduate para makapunta ako sa college.
Kailangan ko makapag college para kumita at kailangan ko ng pera para masuportahan ang aking pamilya.
Kami nalang ni Erik.
Kayod-kalabaw ang ginawa n’ya para lang makarating kung nasaan kami ngayon.
Dalawa ang trabaho n’ya, bahagya ko nalang s’yang makita ngayon at kung babagsak ako mapupunta sa wala ang lahat ng hirap n’ya. Kung babagsak ako sa subject na ito then binagsak ko rin si Erik at hindi pwedeng mangyari ‘yon.
Mas malaki doon ang utang na loob ko sa kanya.
Nang mamatay si Mama, pinasan n’ya ang daigdig para sa’kin.
Matagal na nang iwan kami ni Papa, ni hindi ko na s’ya naaalala. Kaming dalawa nalang laban sa mundo.
Kailangan kong makatulong, tinanong ko si Erik kung pwede akong magtrabaho pero binasura n’ya ang idea at sinabing kailangan kong mag focus sa pag aaral.
Pinaghiwalay ni Mr. Keats ang kanyang mga kamay, inilagay ito sa kanyang pisngi at hinaplos ito.
Ang kanyang grey na suit ay nakakulubot sa may balikat at nahihila sa gilid, pinapakita ang kanyang puting damit na naka-tuck sa kanyang grey slacks.
"Hmm... Kung interesado ka meron akong paraan para ma-secure mo ang grades mo. Pumunta ka sa address na to ng five p.m. at tutulungan kita. Hindi ko na ‘to aalokin so take it or leave it."
Tumalikod s’ya sa’kin, kinuha ang isang yellow post-it note mula sa mesa.
Gamit ang isang itim na ballpen isinulat n’ya and address at iniabot sa’kin.
Nang walang pagmamadali kinuha at hinawakan ko ito ng mabuti.
"Salamat, Mr. Keats. Promise, pupunta ako. Salamat sa opportunity na ito."
Ngumiti ako, ang aking dibdib puno ng pasasalamat.
Tumango si Mr. Keats at pinaalis na ako, halos lumukso ako palabas ng silid at papunta sa’king locker.
Sa wakas isang good luck.
Totoo magiging mahirap mag aral kasama si Mr. Keats pero hangga’t makakapasa ako magiging worth it ang struggle.
Apat na taon lang ang tanda ng kapatid ko sa’kin, pero alam ko kung anong nakasalalay sa pag-aaral ko.
Hindi n’ya kayang alagaan kami pareho forever. Ni hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na magluksa para kay Mama bago s’ya bumalik sa trabaho.
Eighteen lang si kuya nang mamatay si Mama, iniwan ako, ang kanyang fifteen-year-old na kapatid, sa pangangalaga n’ya.
Umalis s’ya ng college at nagtrabaho. Madaming s’yang binitawan para alagaan ako.
Alam kong nagpupursigi s’ya at hangga’t maaari ay hindi ako pinagaalala.
Naghiwalay sila ng longtime girlfriend n’yang si Dana dahil wala s’yang panahon para dito, ginive up n’ya ang scholarship n’ya at itinigil ang kanyang buhay.
Umikli din ang listahan ng mga kaibigan n’ya kay Ross at Ben na hindi n’ya rin masyadong nakakasama, lagi s’yang nagtatrabaho.
Si Erik ang aking personal na Superman. Hindi ko s’ya kayang i-let down.
Hindi ko kaya.
Kinaya n’yang i-handle ang mundo, ang stress, ang mga utang na iniwan ni Mama, ang mga bills, iwan at itigil n’ya ang kanyang buhay para alagaan ako.
Ang pinakamaliit na magagawa ko ay ang harapin si Mr. Keats.
O kung sino man ang humarang sa’kin.
Kung kaya ni Erik maging matatag, kaya ko rin.
***
Matapos kong matiyak na dala ko ang lahat bago umalis ng school naglakad na ako pauwi. Ilang blocks lang ang layo kaya hindi nagtagal ay nasa bahay na ako at nagmadaling tapusin ang mga gawaing bahay.
Hindi uuwi si Erik hanggang hatinggabi kaya naman ang siguraduhing may hapunan s’ya at malinis na damit ay big deal. Matapos kong magluto at maglinis, sinigurado kong maging on time para kay Mr. Keats.
Umalis ako ng may extra na forty-five minutes, sinakyan ko ang bus na dadaan sa bayan at bumaba ako sa tamang bus stop. Matapos i-check ang post-it nang hindi bababa sa sampung beses, nahanap ko ang address in time.
Tatlong minuto bago mag alas singko kaya kumatok na ako.
Nang buksan ni Mr. Keats ang pintuan, nagulat ako. Ang normal attire n’ya sa school ay suit and tie kaya strange ang makita s’ya sa kanyang bahay.
Maganda ang fit sa kanya ng kanyang plain white shirt, ang kanyang light grey sweatpants ay parang hindi masyadong bagay, pero wala akong sinabi.
"Late ka, Miss Sinclair." Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa’kin, ginagawa akong self-conscious. Tiningnan ko ang aking relo para makita kung on time nga ba ako.
"Pasensya na, Mr. Keats. Ang akala ko sabi mo five o’clock." Tumingin ako sa baba, nakatitig sa kanyang puti at itim na sliders. Katulad ng mga bata sa school ko manamit si Mr. Keats sa kanyang spare time. Alam kong hindi s’ya ganoon katanda, siguro mid-thirties at the latest.
"Tama ang narinig mo, kung hindi ka maaga ay late ka. Hindi ko tatanggapin ang pagiging late. Kung sakaling nakakalimutan mo Miss Sinclair, binibigyan kita ng pabor at hindi ako papayag ma-taken advantage of."
"O-opo sir. Naiintindihan ko. I’m sorry. Hindi na ito mauulit. Pinapangako ko." Ibinaba ko ang aking mata, walang tapang na harapin ang kanyang tingin. Para bang mahihigop ako sa kanyang evil vortex kung titingnan ko s’ya kahit saglit. Parang s’ya ay si Medusa at magiging bato ako or something.
"Mhm dito ang daan." Naglakad s’ya papalayo, kinakaway ang kamay para pumasok ako pagkatapos n’ya.
Nang hindi nagsasayang ng kahit isang segundo sinundan ko s’ya, sinara nang marahan ang pinto para maibigay ang lahat ng atensyon sa kanya. Tinanggal ko ang aking bag at naghintay sa kasunod na instruction.
Mukhang abala si Mr. Keats sa ilang work na kanyang itinatabi.
Maganda ang kanyang bahay, talagang bahay ng isang lalaki. Masasabi kong magisa s’yang nakatira dito, amoy panlalaking cologne at ang pagkawala ng dekorasyon ay nagpapahiwatig na single s’ya.
Sigurado akong magiging ganito ang bahay namin kung magisa si Erik, walang masyadong pakialam si Mama sa interior design.
Hindi sa kaya n’ya magkaroon ng pakialam since wala kaming pera dati at ang lahat ng extra ay napupunta sa bisyo n’ya.
Cocaine addict si Mama. Sa tingin ko ay kasisimula lang n’ya, tanda ko pa kung kailan s’ya nagsimulang magbago. Nang ma-overdose s’ya parang hindi ito posible hanggang sa linisin namin ang kwarto n’ya.
Nakakita ako ng isang maliit na bag nito sa ilalim ng kama, isang maliit na bag sa drawer ng aparador at mga pulbos nito na nakakalat sa kanyang side table.
Noong makuha namin ang kanyang purse para itong pinulbuhan katulad doon sa mga gag reels.
Nag overdose si Mama noong Bagong Taon dalawang taon na ang nakalipas, hindi s’ya umuwi ng dalawang araw pero akala ko ay kasama s’ya ng kanyang boyfriend na si Scotty.
Nang dumating ang ikatlong araw at naputulan kami ng kuryente hindi ko alam kung anong gagawin bukod sa hanapin si Erik.
Nang sabihin ko sa kanya ang tungkol kay Mama at sa kuryente parang hindi s’ya nag-alala. To be fair, s’ya ay nasa isang frat party at mas upset na nandoon ako kesa kung anong nangyayari.
Nang ma-realize kong lasing s’ya naghanap ako ng tulong sa iba. Dumating si Ben noong nawawalan na ako ng pag-asa kaya sinabi ko sa kanya anong meron.
Hinila ni Ben si Erik mula sa party at dinala kami sa kanyang apartment sa labas ng campus. Roommates n’ya si Ross and isa pang lalaki, si Stevie. Naupo kami doon ng apat na oras hanggang sa mahimasmasan si Erik at maintindihan anong mali.
Sinamahan ako ni Ben habang pumunta si Erik sa trabaho ni Mama at nagtanong-tanong. Para malaman na wala na sa trabaho si Mama dalawang buwan na.
Ayon sa kaibigan n’yang si Cindy, hindi n’ya ito nakikita ilang linggo na at huling n’yang narinig ay nagkaroon ito ng problema sa isang lalaking tinatawag nilang gas man.
Lumipas ang dalawang linggo nang walang balita.
Chineck namin ang mga ospital at kulungan, nagtanong-tanong kami. Mukhang hindi interesado ang mga police at pinabayaan kami. Since Christmas break wala akong pasok at hindi ako makauwi dahil walang heat sa bahay.
Nanatili ako sa bahay ni Ben. Lumalabas si Erik, araw-araw hinahanap si Mama at laging wala. Kaya nang dumating ang mga pulis sa apartment ni Ben para ipaalam sa mga kamag-anak, halos para itong isang relief.
Ako ang sumagot sa pintuan, lumabas si Ben para bumili ng hapunan, si Erik ay naghahanap. Nasa trabaho si Stevie at Ross.
Sunset noon, ang lamig ng hangin ay parang winter at nanonood ako ng mga reruns ng Drake & Josh sa isang site na inilagay ni Stevie. Naaalala ko ito na parang hindi dalawang taon na ang nakalipas.
Naaalala ko ang mga pulis na dumating. Si Detective Fordmen at si Officer Harris.
Tinanong nila kung nag-iisa ako, kung pwede bang umuwi ang Kuya ko. Sinabi ko sa kanila na nasa labas s’ya at on his way pauwi pero kung tungkol ito sa aking Mama ay pwede nila itong sabihin sa’kin.
Ramdam ko ang masamang balita na kanilang dala. Alam ko na kung ano man ang kailangan nilang sabihin ay masama ito.
Nang sinabi ni Detective Fordmen na may natagpuan silang bangkay na ka-match ng description ng nanay ko at kailangan nila itong ma-identify, umoo lang ako, at ang Kuya ko at ako ay pupunta sa morgue.
Inihatid ko na sila sa labas, naiwang mag-isa kasama ang balita ng mapait na katotohanan. Bumalik si Ben bitbit ang maraming take out bags. Isang tingin lang n’ya sa akin at alam n’yang may nangyari.
Mari ay pronounced as mar-ee. Ito ay short for Marcella.
"Mari? Anong meron?" Binaba n’ya ang mga bags sa countertop, lumapit s’ya sa tabi ko gamit ang isang hakbang. Nag-tense ang kanyang matigas na braso. Ang kamay n’ya ay nagbukas-sara nang paulit-ulit. Ang kanyang pale blue na mga mata ay nagparamdam sa’kin ng init, na para bang nasa ilalim ako ng bughaw na kalangitan.
"Patay na si Mama, at kailangan namin ni Erik i-claim ang katawan n’ya. Kakaalis lang ng mga pulis. " Sinabi ko ng walang emosyon, hinawakan ako ng kamay ng kamatayan at ginawa akong manhid. Nalungkot ang mukha ni Ben saglit bago n’ya maibalik ang kanyang matikas na composure. Nakita kong nanigas ang panga n’ya, nakita ko ang contemplation sa kanyang mga mata. Dati nang malaking tao si Ben. Noong maliit pa ko iniisip kong isa s’yang bear. Naisip ko ang isang brown grizzly bear dahil sa kanyang dark brown na buhok. Mas matangkad s’ya sa aming lahat dati pa, pero ngayong nagwo-workout s’ya mas lalo s’yang lumaki sa ibang kadahilanan.
"Baka maling tao ang nakuha nila at baka nasa labas parin s’ya. Baka hindi pa s’ya patay." Sa pinaka malambot na boses na narinig ko sa kanya. Si Ben ay palaging naging parang isang haligi, s’ya ang best friend at kababata ni Erik, pero naging malapit narin ako sa kanya.
Umiling ako, alam ko na sa sandaling kumatok ang mga pulis. Wala na talaga si Mama. Nararamdaman ng puso ko.
Nang hinawakan ni Ben ang kamay ko naramdaman kong bumagsak ang mga pader at inanod ako ng kalungkutan. Bago pa dumaloy ang unang luha ko, yakap na ako ni Ben sa kanyang mga braso.
Yakap ako nang mahigpit sa kanyang dibdib habang umiiyak ako at binabasa ang kanyang damit. Hindi ako makahinga. Umiiyak ako nang sobra, wala pang yumayakap sa’kin ng ganoon, na parang kailangan n’ya ako sa parehong paraan na kailangan ko s’ya.
Umiyak ako nang umiyak hanggang sa maubos ang luha sa puso ko at pakiramdam ko ay empty na ako. Hindi ako binitawan ni Ben, hindi n'ya ako sinabihan na huminto o huminahon. Hinawakan lang n'ya ako habang hinahaplos ako sa buhok.
Nang makabalik si Erik, si Ben ang nagsabi sa kanya habang naghihilamos ako ng mukha. Pumunta kami ni Kuya para tingnan ang bangkay ni Mama. Naging malabo ang mga sumunod na araw.
Ang tanging naaalala ko ay si Ben.
Ang paraan ng pagaalaga n’ya sa akin at pagtiyak na okay lang ako. Para sa isang grizzly bear, hindi s’ya umalis sa tabi ko.
Nang tinanong ko si Erik para hayaan ang state na magalaga sa’kin para maituloy n’ya ang kanyang buhay, nabulabog ang bahay. Si Ben, Erik, Ross at Stevie ay sinermonan ako dahil lamang sa pagtatanong ko.
Naninindigan ako.
Mas magiging madali sana ang lahat sa kanya.
***
"Mr. Keats, gusto mo bang magsimula dito?" Tanong ko habang nililinis n'ya ang mga nakasalansan na mga papel at inaayos ang kanyang dark red leather couch.
Hindi s'ya nagsalita, hindi n’ya in-acknowledge ang presence ko at all. Tumayo ako sa likuran niya, tahimik na naghihintay sa tutoring lesson na magsimula.
Parang napakatagal bago s’ya natapos at inutusan akong ibaba ang bag ko at sundan s’ya palabas ng silid.
Here we go.