Bitten by the Alpha - Book cover

Bitten by the Alpha

Lydia Rose

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Nang maglayas ang dalagang si Quinn at nakagat ng isang lobo sa gubat, natuklasan niya ang isang mundo na hindi niya inaakalang totoo - ang mundo ng mga taong-lobo. Ngayon ay kailangan niyang mag-sanay sa bago niyang buhay bilang miyembro ng tribo ng Shadow Moon, sa ilalim ng gabay ng isang kaakit-akit na pinuno.

Rating ng Edad: 18+

View more

Naligaw sa Kagubatan

MamaNasaan ka na??
MamaDapat ay nakauwi ka na kanina pa, 15 minutos na ang lumipas.
MamaMag gagabi na.
MamaHindi na kita papayagan na lumabas pa kung wala ka pa dito sa bahay sa loob ng limang minuto.
QuinnMa, ayos lang ako
QuinnNasa library lang naman ako
QuinnPauwi na rin ako ngayon
QuinnDi ko lang namalayan ang oras.
MamaHindi yan dahilan.
MamaMaraming hindi maganda na pwedeng mangyari pagsapit ng dilim.
MamaGusto mo bang matulad sa Tita Jodie mo ??
MamaUmuwi ka ngayon din.
QuinnSorry po, Ma
QuinnPauwi na po
Mamaitago mo yang celphone mo habang naglalakad ka.
MamaHuwag kang makipag-usap sa di mo kakilala.
QuinnOpo, ma
QuinnHintayin nyo na lang po ako

Quinn

Habang inaayos ko sa counter ang katambak na mga de lata, kumot, baterya, at bote ng tubig para aking bayaran, tiningnan ako ng cashier na may panghihinala.

"Idodonate ko sa mga mahihirap”, ngumiti ako ng may halong kaba.

Pucha, nasabi ko kay mama nasa library ako. Kung hindi ako uuwi na may dalang libro, malalaman niya na nagsinungaling ako.

Napansin ko ang isang kupas na Agatha Christie na libro na nakahalo sa mga magazine at tabloid.

"Bibilhin ko rin ito," sabi ko, sabay ipinatong ko sa counter.

Nagbayad ako at isinaksak ang mga bilihin sa aking backpack. Dapat maitago ko ito sa damuhan bago ako pumasok sa bahay.

Ngayong gabi na.

Magagawa ko na rin sa wakas.

Magiging malaya na ako.

***

Pagka-dating ko sa aming munting bahay sa kakahuyan, nandoon na naghihintay si mama.

Nag-aalala kong hinawakan malapit sa dibdib ko ang libro.

Tinignan nya ako ng maigi habang tinatapik ang mga daliri nya sa mesa.

"Hindi ko ito pwedeng palampasin, Quinn."

"Alam ko, sorry po... hindi na po mauulit," sabi ko, habang nakayuko ang ulo.

"Tama ka hindi na ito mauulit. Dahil hindi ka na pwedeng pumunta ng library sa loob ng tatlong linggo”, madiin nyang sinabi.

Karaniwan, magrereklamo ako. Ang pagpunta ko sa library ang tanging dahilan kung bakit hindi pa ako nababaliw. Halos ikulong na kasi ako ni mama dito.

Sa bahay ako pinag-aral hanggang mag 18 taong gulang ako, binawalan sa kahit anong gawain na may koneksyon sa ibang tao.

Ang pagkawala ni Tita Jodie ang dahilan ng pagka-praning ni mama. Masyado pa akong bata para maalala iyon, pero di ko na siya nakitang ngumiti simula noon.

Sa ngayon, tatahimik na lang. Hindi na magiging importante ang pagpunta ko sa library.

Pagkatapos ng gabing ito, magagawa ko na lahat ng gusto ko.

"Tapos na ang hapunan – 15 minutos na ang lumipas" pa tampo na sinabi ni mama “kaya matutulog ka ng hindi kumakain".

Habang kumukulo ang tiyan ko sa gutom, naisip ko yung mga de lata na nakatago sa damuhan, pero kaya ko pa namang tiisin ng ilang oras.

Habang naglalakad ako papuntang kwarto, narinig ko ang pagbulong niya ng paulit-ulit.

“Tangang bata.Tanga, tangang bata. Tanga, tanga, tanga. "

"Hindi ako si Tita Jodie," sabi ko, pero hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya ng paulit ulit.

***

Nagtalukbong ako sa kumot. Ilang minuto lang, si mama ay—

Eksakto sa oras. Sumilip siya sa pinto, tinitiyak na natutulog na ako.

Makalipas ang ilang sandali, sinarado niya ito, at nilock.

Ayos lang— hindi naman ako sa pinto dadaan.

Tinanggal ko yung kumot ko,at bumangon sa kama ng nakabihis na.

Hinila ko ang isang libro mula sa cabinet, nakatago doon ang mga pliers.

Ginamit ko ang mga ito upang kalasin ang mga turnilyo ng aking bintana at dahan-dahang ko itong iniangat.Tumingin ako sa ibaba, hindi naman gaanong mataas, pero mas gusto ko nang maka sigurado.

Kung may isang bagay na kailangan sa paglalayas, iyon ay ang malalakas na binti.

Pinagbuhol-buhol ko ang mga kumot at inihagis palabas ng bintana, tiniyak ko na nakatali ito ng mahigpit sa poste ng kama.

Tinignan ko ang aking kwarto sa huling pagkakataon, wala akong naramdaman na lungkot o alinlangan. Mahirap magkaroon ng magandang ala-ala sa lugar na pawang bilangguan.

***

Pinalo ko ang aking flashlight hanggang sa umilaw ito.

Puro puno ang matatanaw sa lahat ng direksyon. Sa kung anumang dahilan, pakiramdam ni mama na mas ligtas manirahan sa bahay na walang katabi, pero lalo lang akong nakaka dama ng panganib dahil dito.

Madilim at nakakalito ang paligid, ngunit kailangan ko nang lumakad.

Kapag nadiskubre ni mama na umalis ako, tiyak na tutugisin niya ako upang mahanap.

Hindi na ako magiging preso. Na sakripisyo na ang labing-walong taon ng aking buhay dahil sa nangyari sa tita ko na di ko man kilala.

Panahon na para magsimulang mabuhay.

Naglakad ako papasok ng gubat, umaasa na makalayo na sa bahay bago pa sumikat ang araw.

Habang palalim ng palalim ang pagpasok ko sa gubat, naalala ko ang mga librong nabasa ko tungkol sa mga batang babae na naligaw sa kakahuyan.

Naisip ko yung mga sinabi ni mama...

Maraming maaring mangyari pag sapit ng gabi.

***

Makalipas ang ilang oras ay tuluyan na nga akong naligaw. Bawat puno ay pare-pareho. Bawat hakbang pasulong ay mistulang hakbang pabalik.

Baka di ko alam, pabalik na pala ako sa bahay.

Malaking pabigat ang aking bag, pero mas mabigat ang pagpikit ng aking mga mata..

Kailangan kong makahanap ng lugar na pwedeng ayusin para may matulugan.

Antok na antok akong naglalakad nang may makita akong kaunting liwanag.

Nakakita ako ng mahaba, ma-alon, at kulay puting-dilaw na buhok na mistulang nawala sa likod ng puno.

Imahinasyon ko lang ba iyon o may ibang tao talaga dito?

Habang papalapit ako sa puno, isang anyong babae ang nakita ko na mabilis ding gumalaw sa di kalayuan.

Nakaka siguro ako may narinig ako na tumatawa.

"Hoy, sino ka?", sigaw ko.

Sinundan ko ang sumasayaw na anyo habang siya ay palipat-lipat sa bawat puno na hindi lumilitaw ang kanyang mukha.

Maganda at misteryoso ang kanyang kilos, at ang mahaba niyang buhok parang ilaw na nagtuturo sa akin ng daan.

Binilisan ko ang pagtakbo. Kailangan kong malaman kung sino siya.

Maya-maya, lumingon siya at tinitigan ako. Taglay niya ang pinaka magandang mukha na nakita ko. At ang kanyang mga mata ...

Kulay pilak na kapareho ng sa akin.

Sa isang kurap, bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Siguro talagang namalik-mata lang ako.

Naka-abot ako sa isang malinis at maaliwalas na lugar. Sinimulan kong gumawa ng matutulugan, naglatag ako ng isang kumot sa sahig, at nagsabit ng isa upang maging bubungan.

Di ko alam kung yung nakita kong babae ay totoo o imahinasyon lamang dahil na rin sa antok at dahil beans na de lata lang ang kinain ko. Pero kahit ano pa man, kailangan ko ng magpahinga.

Nakatulog ako kaagad, umaasa na makakamtan ko na bukas ang inaasam na kalayaan.

***

Ar-rooo-ooo!

Bigla akong nagising sa tunog sa di kalayuan – malamang galing sa isang lobo.

Madilim pa rin; hindi pa ako nakatulog ng matagal

Pinipilit ko na makakita sa dilim nang may narinig ako na kumakaluskos sa mga dahon sa di kalayuan.

Pinaghandaan ko ang maraming bagay, pero hindi ako handa kung atakihin ako ng mga lobo.

Pinasok ko ulit sa bag ang mga gamit ko. Mabuti na siguro na tumuloy. Hindi ako sigurado kung gaano ito kalayo, ngunit hindi ko na gustong malaman pa.

AR-ROOO-OOO!

Lumakas lalo ang tunog ng ungol. Ito ay lumalapit.

Kailangan kong makahanap ng bagay na pwedeng gawing sandata. Mabilis kong binali ang pinaka malapit na sanga at hinawakan ko ito na parang espada.

Sana ay muling lumitaw ang misteryosong babae para tulungan akong makaligtas, ngunit alam ko na ako ngayon ay mag-isa.

Tumakbo ako, bumabangga at sumasabit sa mga sanga at tinik. Kailangan kong makalabas ng kagubatang ito.

Ang tunog ng mabibigat na paa ng hayop na tumatapak sa mga tuyong dahon ay dinig na dinig sa buong kakahuyan

Mabilis itong lumalapit.

Sinubukan kong bilisan ngunit nadapa ako sa ugat ng puno at sumubsob sa lupa.

Habang nakaluhod ako para bumangon, nakita ko sa harapan ko ang isang malaking lobo – nakalitaw ang matalas na pangil at naglalaway.

May bakas ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha..

Kinuha ko ang sanga at hinampas hampas ito sa hangin ngunit hindi ito natinag.

Sinunggaban niya ako, ngunit natamaan ko ng pamalo ang kanyang ilong, at ito ay napaiyak.

"Lumayo ka”, sigaw ko, umaasa na masisindak ko ito.

Tumitig sa akin ang kanyang kulay pula na mga mata at unti-unti itong lumalapit.

Wala na akong matatakbuhan

Walang makakarinig sa aking sigaw.

Sinunggaban ako ng lobo at itinulak pabagsak sa lupa, ang mga kuko nito ay bumabaon sa aking dibdib.

O Dios ko, mamamatay na ako.

Umatungal ito sa akin na gutom na gutom at pawang kinakain ang takot ko.

Tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Binaon ko ang mga daliri ko sa lupa,, sinusubukan kong gumapang papalayo, ngunit sobrang bigat ng lobo.

Mistulang naka ngiti ito habang binubuka ang bibig at-

CRUNCH.

Napasigaw ako sa matinding sakit na naramdaman ng aking buong katawan.

Kinagat ako ng lobo at bumaon ang malalaki nyang pangil sa aking binti.

Bumitaw siya at umalis papunta sa dilim ng kagubatan, iniwan akong dumudugo.

Akala ko ay pinapatay lagi ng mga lobo ang kanilang nahuli, pero ang isang ito ay wala man lang pakialam

Nagsimula akong mahilo habang ang pantalon ko ay basang-basa na sa dugo.

Hindi na ako makagalaw. Dito na ako mamamatay.

Lumalabo na ang aking paningin nang may isang lobo na lumabas sa talahiban.

Higit na mas malaki ito kesa sa nauna, kulay abo na may pagkadilaw ang balahibo nito, ang mga mata niya ay kulay kayumanggi na may halong berde, ngunit hindi ito agresibo.

Sa halip, inamoy-amoy lang ako nito hanggang sa pumikit na ang aking mga mata.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok