Marked - Book cover

Marked

Tori R. Hayes

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

From the day of her birth, si Rieka ay ikinukulong ng kanyang pamilya tuwing gabi, unable to fulfill her one wish: ang makita ang mga bituin sa gabi.

Ngayon, makalipas ang 18 years, ay gumawa siya ng planong lumabas kasama ang mga kaibigan niya, pero hindi niya alam na ang simpleng pagkilos ng pagsuway na ito ang babago sa buhay niya forever at maglalagay sa kanya sa paningin ng isang Alpha na hindi magpapakawala sa kanya.

View more

Chapter One: A Rebellious Act

Book One: The Descendant

Pinanganak ako sa malamig na gabi ng November sa ilalim ng liwanag ng kabilugan ng buwan.

Hindi umabot sa ospital ang mama ko. Nasiraan sila ng sasakyan sa gitna ng kagubatan, at hindi nagkaroon ng pagkakataon ang ambulance na makarating sa kanila sa tamang oras.

Lagi nilang sinasabi sa akin na 'yon ang dahilan kung bakit iba ang itsura ko kumpara sa mga magulang ko.

Na ang liwanag ng buwan ang dahilan kung bakit puti ang buhok ko at kasing asul ng malamig na gabi ang mga mata ko nang isilang ako sa mundong 'to.

Mula noong ipanganak ako, hindi na ako pinayagang lumabas pag lumubog na ang araw.

Ang sabi nila sa akin, maraming masamang tao at mapanganib na hayop sa lugar namin at active sila sa gabi. Na ako lang raw ang nag-iisa nilang anak na babae at hindi nila kayang isipin na mapahamak ako.

Hindi ako naniwala na sinabi nila sa akin ang buong katotohanan, pero hindi ko rin inakala na babaliktarin ng katotohanan ang lahat ng nalalaman ko.

Ito ang pumilit sa aking pumili between the love of my life at sa lalaking hindi ko kayang layuan

***

Nine years old ako nung unang beses na nagpaalam ko kung pwede ba akong mag-overnight sa bahay ng kaibigan ko. Pagkatapos noon, narealize ko na kailangan ko ring magpaalam sa kanila kung gusto ko pang makita uli ang liwanag ng araw.

Unang beses kong irequest sa kanila 'yun, pero tiningnan lang nila ako nang masama. Na para bang hiniling ko ang pinaka masamang bagay sa mundo.

Sinigawan nila ako for half an hour, at hindi man lang nila ako nabigyan ng dahilan kung bakit ayaw nila akong payagan at kung bakit ganun ang reaksyon nila.

Sinabi lang nila na umuwi ako ng 7 pm at magstay na lang ako sa bahay kung hindi ko susundin ang condition na ito.

Minsan ay nahuli lang ako ng kalahating oras at tumawag na sila agad sa police station para magpadala ng search party para hanapin ako. Mula noon ay hindi ko na ulit nilabag ang rule na 'yon.

Nang mag fifteen years old ako, never na akong lumabas nang lagpas 7 pm. Nakahiga na ako sa kama pagsapit 10:30 ng gabi, at tumigil na rin akong iquestion ito pagkatapos ng maraming taon.

“Kung hindi ko makukuha ang walo hanggang siyam na oras na tulog ko, hindi ako magiging handa para sa susunod na araw,” ang lagi kong natatanggap na sagot kapag nagkakalakas ako ng loob na magtanong.

Ganyan ang routine ko buong buhay ko. Kahit ngayon, sa edad kong eighteen, wala akong tunay na paliwanag kung bakit.

Hindi ko pa nakikita ang kalangitan sa gabi pero lagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam nang maligo sa ilalim ng maliwanag na buwan tulad ng ginawa ko noong ipinanganak ako, pero ang kagustuhan kong 'yon ay tila imposible nang matupad ko pa.

Eighteen years na akong nakakulong sa loob ng bahay ng parents ko, hindi pa ako kailanman naka attend sa party, o kahit sa sleepover man lang. I finally had enough.

Ilang taon ko nang pinaplano ang aking rebellion, at ito na ang gabi para iexecute ang plano ko.

Araw iyon ng birthday ko, at full moon. Inimbitahan ako ng dalawa kong bestfriend sa picnic sa ilalim ng maliwanag na buwan dahil mainit ang gabi ng Nobyembre sa taong ito.

Ang bestfriend kong si Everly, na nasa tabi ko na noon pa lamang, at ang lalaking matagal ko nang crush, si Archer.

Siguro ay may mangyayari ngayong gabi. Walang kaduda-dudang confident si Everly tungkol sa pagtulong na mangyari 'yon.

Hindi ako kasing confident niya, pero hindi naman masamang mangarap.

And this night was going to be magical. Literally.

***

"Nakauwi na ako!" sigaw ko.

Nagvavacuum si Mama, pero pinatay niya ito agad nang marinig niya ako. Tumakbo siya papuntang sala at pumasok sa hall kung nasaan ako.

I prepared myself for the inevitable.

Sa wakas ay lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Happy Birthday! Ang bilis mong umalis kaninang umaga kaya't hindi kita halos nakita!" reklamo niya at niyakap ako ulit.

"Kailangan ko nang pumasok sa school no'n," paliwanag ko.

Tumingin siya sa akin na para bang alam niyang nagsisinungaling ako.

"Hindi mo naman ako papayagang umalis kung nagtagal ako, Ma," pag-amin ko at umikot ang aking mga mata.

“Ito na ang huling birthday ko nang nakatira sa bahay, at kilala kita. Besides, hinihintay na ako kanina nina Archer at Everly sa school.”

Bago pa niya maipagtanggol ang sarili ay may narinig na akong yapak mula sa hagdan.

Bumaba si Papa sa hagdan sing bilis ng liwanag, at mukhang buong gabi siyang nagtrabaho.

Mabilis man siyang kumilos at mukhang masigla, ay kitang kita naman ang itim sa ilalim ng mga mata niya, kaya't nahalata namin ito.

"Nagpuyat ka na naman ba magdamag, Pa?" Tanong ko nang akbayan niya ako para yakapin.

“Siyempre. Birthday mo ngayon, and I have something special planned for you,” tuwang-tuwa niyang sabi. "Happy birthday, by the way, my girl," sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Thanks, Pa," sagot ko at ngumiti. “Ano ba ang plano mo?”

"Nice try. Pero maghintay ka,” pang-aasar niya.

Naputol ang usapan namin nang magsalita si mama. "Pagod ka ba? Gusto mo ba ng tea? O pagkain?" sunud-sunod niyang tanong hanggang sa pinutol ko siya.

“Hay nako, Ma! Half day lang naman akong nawala para sa school. Hindi isang taon."

“I'm sorry, honey. Pero birthday mo ngayon, at gusto kong masaya ka.” Maganda ang mood niya, kaya nagpasya akong makipagsapalaran tutal ay 18th birthday ko naman.

“Ma?” Nagsimula ako. "I was wondering, tutal ay 18th birthday ko naman, pwede ba kong magstay nang medyo mas matagal sa labas?"

Napalingon siya sa takot.

“Medyo mas matagal lang naman. Naisip ko na siguro pwedeng…”

"No!" angal niya. Nagulat ako rito. Maging si Papa ay tila nagulat sa kanyang reaksyon.

“I… I'm sorry, honey,” sabi niya, at tila nagsisi siya agad sa desisyon niyang sumigaw.

"Alam kong gusto mo talaga, pero may dahilan kung bakit may kasunduan tayo, and I don't like seeing boundaries being pushed."

Natahimik kaming lahat saglit bago ako nagsalitang muli.

"Akyat muna ako sa taas para gumawa ng homework," sabi ko at umalis na.

"Okay, darling, but the cake will be ready by three," narinig kong sigaw ni mama.

“Sure!” Sigaw ko pabalik.

Inihagis ko ang bag ko sa sulok, tapos ang sarili ko sa kama.

Finally, a little peace.

Hindi pa halos ako nakakahinga nang tumunog ang phone ko sa desktop mula sa tapat ng kwarto.

Tinatamad akong bumangon, kaya't hindi ko ito pinansin hanggang sa tumunog ito ulit.

Bumuntong hininga ako at kinaladkad ang sarili ko tungo sa mesa. Binuksan ko ang screen at muntik ko pa itong malaglag sa sahig nang makita ko kung kanino galing ang mensahe.

ArcherUy, gusto mo bang lumabas ngayong gabi? Celebrate lang natin birthday mo.

Hindi ako makapaniwala sa sarili kong mga mata. Archer is actually asking me out! Ang bilis ng tibok ng puso ko, sa sobrang bilis ay inakala kong gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.

May dumating na bagong text message.

ArcherAantayin ka namin ni Everly sa labas ng bahay niyo mamayang 11:15

He wasn’t asking me out. They were. Medyo nadismaya ako roon pero nakaramdam rin ako ng onting ginhawa. Mamamatay siguro ako sa kahihiyan kung mag-isa lang kaming dalawa buong gabi.

Sasagot na sana ako without hesitation nang maisip ko ang mga magulang ko. Hinding-hindi nila ako papayagang lumabas ng ganoon ka-late. Pero... Paano kung hindi naman nila malalaman?

Chance ko na ito to finally see the starry night with my own eyes at kung papalarin ay magkaroon ng pagkakataong mapag-isa kasama si Archer.

Alam ni Everly ang feelings ko para kay Archer, kaya umaasa ako na kahit papaano ay gagawa siya ng opportunity para sa akin. Hindi ko pwedeng palalampasin ang pagkakataong iyon.

Nawala ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan, pagkatapos ay pumasok si mama. "Tapos ka na ba sa homework mo?" tanong niya.

“I saw my bed, at mas kaakit-akit pa 'yung kama ko kaysa sa homework ko,” pag-amin ko.

Tumawa siya. "Bakit alam ko ang feeling na 'yan?"

"Naisip rin namin na baka gusto mo nang makuha 'yong regalo mo," sabi niya. Tumingala ako.

“Unfortunately, nawalan kami ng oras para bilhin 'yon, at hindi pa tapos ang Papa mo sa ginagawa niya, kaya… napag-isipan namin na ikaw na lang ang pumili ng sarili mong regalo ngayong taon.”

Nagliwanag ang mata ko. "With limits," mabilis niyang sabi, at bumaba ang mga balikat ko sa pagkadismaya. Tumawa siya.

Kinailangan kong mag-isip nang konti bago ko nahanap ang sagot ko. "Okay," sabi ko. "Gusto kong magpakulay ng buhok."

Tumingin sa akin si mama na parang nawawala ako sa aking sarili. “Pero sobrang special ng buhok mo. Bagay na bagay ito sa mga mata mo.”

“I don't want to be special. At least hindi ganito. Gusto kong maging kamukha kayo. To look like your actual daughter and not just know it. Katulad ng kapatid ko...," bulong ko.

Napabuntong-hininga siya. “Sige, pero 'yung hindi masyadong kakaiba. Then you might as well keep your hair as it is," pagsuko niya. Napatili ako at hinila siya para yakapin.

"Pero 'wag muna 'yung permanent," mabilis niyang idinagdag. "Ayokong pagsisihan mo ang desisyon mo."

"Sige." Okay lang naman sa akin magcompromise muna, kaya pumayag ako.

"Magkita tayo sa bathroom in one hour, at titingnan ko kung ano ang magagawa ko," sabi niya at bumangon.

"Akala ko ba ay hairdresser lang dapat ang nagkukulay ng buhok?" Tanong ko.

"Usually oo, pero ako lang rin naman ang nagkukulay sa sarili kong buhok, kaya sa tingin ko ay kaya naman natin." Tumawa siya.

“Right, dahil ayaw mong mapansin ng mga tao ang mga puting buhok mo,” pang-aasar ko.

"You're not getting any younger yourself, little lady," sagot niya at tumawa bago siya bumaba para siguraduhing handa na ang lahat para sa pangkulay ng buhok ko.

“Mama?” Tanong ko bago siya lumabas. "Bakit kayong dalawa ni papa brown ang buhok at mga mata, pero white ang buhok ko at blue ang mata ko?"

Tumingin siya sa akin. “Anak. Ipinanganak ka sa ilalim ng liwanag ng full moon. Maraming hindi maipaliwanag na mga bagay ang nangyayari sa kabilugan ng buwan. Siguro ay nag-react ang katawan mo sa liwanag at ginawa kang espesyal na babae."

Saka siya nag walk out.

Muli kong ibinagsak ang sarili ko sa aking kama. It sounded as surrealistic as the first time I heard it. Hindi pa ako nakakarinig ng ibang tao na katulad noon ang na-experience.

Tapos naisip ko yung birthday gift ko. Pinayagan niya talaga akong magpakulay ng buhok, which finally meant I could finally look at least a bit normal.

Magugulat sila mamayang gabi. Kaya kinuha ko ang phone ko at sinagot ang text ni Archer.

***

Lumipas ang isang oras, at handa na ang birthday gift nila sa akin. Bumaba ako at pumunta sa banyo kung saan naghihintay sa akin si mama.

Nakatayo na siya at may hawak na gloves, may bote ng pangkulay ng buhok sa kanyang kamay, at may malaking ngiti sa kanyang mukha. "Ready na, birthday girl?" tanong niya. Tumango ako at umupo.

Habang tinatapos niya ang mga huling run ng pangkulay, ay naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Wala nang balikan ngayon.

“There we go. Ngayon, huwag mong alisin 'yung takip hangga't hindi pa zero 'yung nasa timer. Then shower na, pero tandaan mong gamitin ng shampoo at conditioner ko.

Matagal akong nag-antay. Masyadong matagal. Sa wakas ay tumunog na ang alarm, at tinanggal ko ang takip bago ko ito binanlawan sa tubig para matanggal ang sobrang dye.

Pagkatapos kong mag-blow-dry ng buhok, ay oras na. Ginusto ko 'to, diba? Isang regular na kulay ng buhok. Bakit ako kinakabahan?

Huminga ako nang malalim at humarap sa salamin. Ibang-iba ang itsura ko.

Narinig ni Mama na pinatay ko ang hair dryer kaya't lumapit siya sa banyo. Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan.

"Ano sa tingin mo?" tanong niya.

Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. "Medyo weird, pero not in a bad way," amin ko. Medyo kumikinang ang mga mata ko kontra sa maitim na buhok.

Hindi sa naabala ako nito. Mas gusto ko ang mga mata ko kaysa sa buhok ko. Nagugustuhan sila ng mga tao.

“Satisfied ka ba?” she asked.

"Yeah, I like it," sagot ko. "Nakakatawa lang na makita kung gaano ko talaga kayo kamukha, ngayong pareho na ang kulay ng buhok natin."

Tumawa siya at inakbayan ako. “You have always been our daughter. Kahit anong kulay ng buhok mo."

Ngumiti ako, at hinalikan niya ako sa pisngi. "Bigyan muna kita ng ilang minuto mag-isa sa salamin para masanay ka sa bagong kulay ng buhok mo."

She closed the door behind her, at ako ay naiwang nakatayong mag-isa with my new look.

Medyo naguilty ako tungkol sa pagtakas mamayang gabi. Mahal ko ang mama ko, at alam kong gusto niya lang akong protektahan.

I shook it off and ran downstairs into the living room.

Nakaupo ang papa ko sa paborito niyang upuan, nagbabasa ng libro. Pero bago pa ako makapagsalita ay binalita na ni mama. "Nagustuhan mo ba ang birthday present niya, James?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti nang malawak. "Kamukhang-kamukha mo ang mama mo noong bata pa siya."

"Binobola mo naman ako, James." Narinig ko ang tawa ni Mama mula sa kitchen. "Mas maganda si Rieka."

“Siguro,” pang-aasar sa kanya ni Papa at tumawa. Isang bimpo ang lumipad sa silid mula sa kusina diretso sa kanya. Hindi talaga kailanman nagmukhang boring ang pagsasama nila.

"You look beautiful, Rieka," he finally said.

"Salamat, Pa."

"Sino 'yan?" Narinig ko ang boses ng isang maliit na bata na nagsalita sa likod ko. Lumingon ako, nanlaki ang mata niya.

“Ate Rieka?”

"Oo. How do you like it, Luca?" Tanong ko at binuksan ang braso ko para sa kanya. 10 years old pa lamang si Luca. Malaki ang age difference namin, but it hadn't made me love him any less.

Tumakbo siya papunta sa braso ko at niyakap ako. "Ang weird. Kamukha mo si mama."

Tumawa ako. "Talaga?"

"Handa na ang cake," sigaw ni Mama at pumasok sa dining room dala ang isa sa mga sikat niyang cake.

"Ako muna, ako muna!" sigaw ni Luca at binitawan ako para tumakbo papunta sa cake. Humagikgik ako at sumunod sa kanya.

Pagkatapos ng dinner, umakyat na ako sa kwarto ko para ihanda ang sarili ko para sa mga mangyayari mamayang gabi.

Bago ako matulog, tinext ko sina Archer at Everly na may surprise ako sa kanila mamaya.

Nagset ako ng alarm sa cellphone at gumamit ng isa sa mga wireless earbuds ko. Alam kong masasabi ni Mama kung nagkukunwari lang akong tulog, kaya kailangan kong mag-ingat.

Nag good night na ako sa pamilya ko at natulog na.

Nakatulog ako agad, walang kamalay malay na ang gabing ito ang magbabago sa lahat.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok