Fairy Godmother Inc. - Book cover

Fairy Godmother Inc.

F.R. Black

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Everyone wishes na may fairy godmother sila at some point, right? Well, nalaman ni Viola na meron pala siya - kailangan niya lang mag-sign sa dotted line, at ang lahat ng kanyang romantic dreams will come true! What could possibly go wrong? How about yung fact na kailangan niya mag-compete sa isang dangerous game against maraming mga babae para makuha ang puso ng gorgeous prince? Tuloy na ang laban!

Age Rating: 18+

View more

Chapter 1

Ang hukay ng Impyerno ay binalot at sinakop ang sangkatauhan ng masalimuot na amoy ng bulok na itlog na nagtataglay ng fiery embers ng Hades.

Dumudugong puso.

Ano ito? Two hundred degrees?

Pinunasan ko ang pawis mula sa kilay ko at huminga ng humid na hangin na tila sino-suffocate ako tulad ng mga kamay na nakahawak sa’king lalamunan, pinapanood ako ng may masamang kasiyahan habang naghihingalo ako sa hangin, sinusubukang ipaglaban ang aking buhay.

Kung ang musky air ay nag-manifest bilang laman at dugo, susubukan kong dukutin ang mga mata nito, nakikipaglaban na parang ligaw na pusa, sinusubukan na putulin ang mahigpit na paghawak nito sa aking leeg.

Hindi ako sigurado kung anong kasarian ang musky, humid demon na ito, pero tinangka kong sipain pa rin ito sa singit. Walang effect, ang phantom creature na ito ay hindi fazed sa pag-crash namin sa pader sa isang laban na mabilis akong natatalo.

Pero hindi ako namatay. Pinahinga ako ng konti ng damp na hangin, sapat lang para manatili akong buhay para ipagpatuloy ang torture.

Ang malakas na tunog ng aking air-conditioner ay tila naging high-pitched na tawa, inilalantad ang tunay nitong sarili, na isa sa mga bad guys this whole time! Hindi nito talaga trabaho ang palamigin ang silid.

Ang mga kasinungalingan—ang pagtra-traydor.

Dramatic ba ako?

Dipende yon sa kung kanino mo ako ico-compare. Kung ico-compare mo ako sa isang first-class Karen na kumakain sa isang restaurant, na natanggap lang ang kanyang bill, hindi alam na ang ~ranch~ ay upcharge, then perfectly normal lang ako.

Sa totoo lang, medyo tempted akong buksan ang balita para makita kung ang araw ay babagsak na. Ang New Orleans ay palaging dalawang hakbang lang para maging Impyerno tuwing July.

At hindi nakakatulong na nakatira ako sa top floor ng isang lumang Victorian house. Ito ay halos parang ang matanda, haunted na kahoy ay may deal sa devil, para angkinin ang mga kaluluwang naninirahan sa pugon na ito.

Pero, ang tunay na problema ngayon.

Mas malaki ito kaysa sa kasalukuyang lumulutang na impyerno sa New Orleans.

Hawak ko ang isang liham, isang golden sparkly letter, mind you, na isinuksok sa ilalim ng pintuan ko kaninang umaga. Nung madilim pa sa labas. Talagang maaga pa!

Huling check ko, ang postal service ay hindi naghahatid ng alas kwatro ng umaga sa ilalim ng pinto ng kahit na sino.

Bakit? Dahil creepy yon, at hindi ganoon kung paano nila gawin ang kanilang professional business. Nagtatrabaho sila sa normal, suitable corporate hours.

Mga mentally unstable people lang ang naghahatid ng mga sulat ng alas kwatro ng umaga sa pamamagitan ng pag-slide ng sulat sa ilalim ng iyong pintuan, siguro may kasamang mabigat, excited na paghinga.

Alam mo kung ano ang sinasabi ko: mga stalker, serial killer, psychos.

Freddy.

Sa loob ng sulat: Peek-a-boo, I see you!

Isang bagay na alarmingly sinister, at yon ang magiging simula ng isang budget horror movie.

Ako ay tatakbo, tumatalbog ang cleavage, tapos madudulas sa wala, na magreresulta sa aking brutal death by ax.

But no, hindi yon ang nabasa ko, not even close.

Nag-radiate ito ng ilaw. Saglit lang, sigurado akong iniimbitahan ako sa Willy Wonka's Chocolate Factory, hawak ang golden ticket.

Ito ay mas weird pa doon, trust me. Ang sulat na ito ang dahilan kung bakit nag-aalangan ako ngayon sa aking kakayahang gumana in polite society.

I shifted my weight habang nakatingin ako sa ghostly missive na pinapailaw ang aking mga daliri at kalahati ng aking braso. Ang papel ay malambot parang balahibo, at naririnig ko ang isang mahinang jingle, like if kakalugin mo si Tinkerbell.

Apparently, folks, si Fairy Godmother mismo ay nangailangang sumulat sa'kin at anyayahan ako sa isang romantic fantasy of vast proportions. Isang charming prince na pinili ng Fate.

Inilagay ko ang aking mainit na kamay sa aking nasusunog na noo at binasa ulit ang sulat, para lang kumpirmahin ang aking slow-boiling hysteria.

Dear Viola Del Vonsula,

Congratulations to you.

Kung nakatayo ka, I might suggest umupo ka muna. Napili ka at random para sumali sa ika-two-hundredth anniversary ng Fairy Godmother, Inc.

Kahit na isa itong random picking, marami akong alam tungkol sa’yo—possibly mas marami pa sa alam mo tungkol sa sarili mo. Nakikita kita ngayon, binabasa ang sulat na ito, may frown sa iyong beautiful little face.

Pero makakasiguro ka, Viola, I do have your best interest at heart, at ‘yon ay mas better kesa sa nakasanayan mo.

Alam ko lumalaki ka sa takot at walang pamilya, orphaned bata palang. What a poor, poor child you used to be, sobrang heartbreaking, kinailangan mong lumaki agad.

Pero isa kang dreamer once, puno ng hope and excitement, nakikita ang kagandahan sa lahat at binibigyan ang humanity ng benefit of the doubt. Indeed, a wonderful girl inside and out.

Pero ngayon puno ka ng paranoia. Ang pakikisalamuha sa mga maling tao ay pwedeng maging devastating.

Dinadala ka sa isang path of darkness and despair ng innocence mo, kinakatakot ko. Nakakalungkot para sa’kin, bilang Fairy Godmother, ayaw ko ng mga tragic story.

Pero meron akong magandang balita, Viola. Ako, the Fairy Godmother, ay may offer na pwedeng baguhin ang buhay mo. God knows kailangan mo ito. You can only go up, dear girl.

Bibigyan kita ng chance para mahanap ang happily-ever-after.

On behalf of Aphrodite Incorporated, iniimbitahan kitang sumali sa isang challenge kalaban ang apat pang mga babae para manalo ng happily-ever-after.

Keep in mind na ang offer na ito ay once in a lifetime opportunity full of adventure, danger, and the ultimate prize of true love.

Love is the secret to life, Viola, at pwede itong maging sa’yo. Please take a moment to imagine falling in love with a handsome, dashing prince.

Alam ko na ang unang instinct mo ay itapon ang sulat na ito, but please wag, dear girl. For Heaven’s sake, ito ang only chance mo for happiness. Trust me, I’ve checked.

Nasabi ko ba na may mga tao na gusto kang ipapatay? Nakakabahala.

I’m the All-Knowing. Fate is my specialty. Destiny is my hobby. Bloody hell, child, Ako ang keeper ng pinaka-makapangyarihang emosyon sa lahat… ang true love.

The choice is yours.

This offer will last until tomorrow night when the clock strikes twelve. Kung tatanggapin mo, ibibigay sa’yo ang lahat ng mga detalye at katanungan to ensure complete and total understanding.

Ang meeting ay gaganapin sa French Quarter malapit sa tall, charming na lalaking nakaputi. Please do not be late, or this fantasy will be nothing more than a rotting pumpkin.

Upon accepting this offer, pumapayag ka na bayaran ang experience na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalahati ng iyong mga assets, including but not limited to:

Bank accounts, IRAs/401Ks, jewelry, vehicles, clothes, shoes, electronics, real estate, animals, and animals’ belongings.

If you fail, mawawala lahat ng mga family ties mo, at magiging mag-isa kasa mundong ito. Lahat ng mga competitors ay pupunta sa isang kingdom; ang pagpili ng Kingdom ay random by a spinning wheel of destiny.

Ang byaheng ito ay pwedeng magcause ng vomiting, diarrhea, nausea, dizziness, lightheadedness, drowsiness, uncontrollable tremors, fatigue, at minsan, death.

Lahat sa Fairytale challenge ay nakadepende sa fate, at lahat ng bagay ay unpredictable and potentially dangerous, na pwedeng maging sanhi ng katapusan mo.

Bawat contestant ay magkakaroon ng chance na mag-spin ng wheel, kung saan malalaman nila kung anong magiging kapalaran nila sa susunod na tatlong buwan.

Whether a contestant spins to be a princess or a pauper, they will have to make the best of it to catch the prince’s eye and heart.

Godspeed,

Fairy Godmother

Fairy Godmother, President & CEO, Fairy Godmother Inc.

“Where dreams come true.”

Kita mo ba kung ano ang ibig kong sabihin?!

Ang babaeng ito ay nakakaalam ng mga tungkol sa buhay ko, at alam kong wala akong sinabihan tungkol sa mga bad life choices ko. Sa akin nalang yon.

At, higit sa lahat, dahil wala akong mga kaibigan at pamilya na pwede kong i-claim.

Minahal lang ako ng aking mga foster parents kapag tax time o kung kailangan nila ng babysitter para sa kanilang pitong anak para sila ay makalabas at maginom.

Lumipas ang mga segundo na nakatitig lang ako, kumakalabog ang puso sa indecision. Ang tanging paraan lang para magkaroon ito ng kaunting kahulugan ay kung ang invitation letter na ito ay tunay. Which is hindi. Tumawa ako.

Ok, Viola, wag na tayong mabaliw agad. Ilista natin ang mga facts at tingnan ito logically:

— Ang sulat ay kumikinang. Parang imposible.

— Ang sulat ay kumikinang at sparkling ng walang source. ~Parang supernatural.~

— Alam ng "Fairy Godmother" ang mga bagay na hindi n'ya pwedeng malaman tungkol sa buhay ko. Napaka-unsettling.

— Naririnig ko ang mga malinaw na tunog ng sparkles.

— Ang Fairy Godmother Inc. ay parang the Hunger Games—pero para sa mga hopelessly romantic.

— Isa akong secret lover ng pelikulang Anastasia, wag mo sabihin kahit kanino.

— Ang isang midnight meeting para hanapin si Mr. Charming ay pwedeng isang red flag.

Iniisip ko ito.

Kung ito ay isang hidden camera show o isang scientific study para i-test ang mga dumb at uto-utong kababaihan, then ako ay magiging isang proud statistic. Siguro ay mag-aalok sila ng counseling? Baka makinabang ako doon.

Pwedeng isang study ito na inaprubahan ni Dr. Phil! I mean, dati ko pa gusto na magkaroon ng counseling, isang hidden desire, actually.

Secretly gusto kong tingnan ako ng mga doktor at sabihin sa'kin kung psychotic ba talaga ako o kung ako ay minaltrato buong buhay, at hindi ko kasalanan yon, at pagkatapos ay magkasama kaming iiyak.

Pwede kong ibaba ang emotional walls ko!

Baka ipadala pa ako sa isang magandang rehab facility malapit sa beach.

So gagawin ko ba ito?

Mamayang hatinggabi.

Well, Fairy Godmother, you can count me it. Right amount of messed up ako para magpakita at mag-represent.

Sumulyap ako pabalik sa kumikinang na sulat at hindi mapahid ang ngiti sa mukha ko.

Bumili ako ng ticket papuntang Crazy Town.

O isang magandang kama sa isang rehab center.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok