Ang Hybrid Mate ng Haring Alpha - Book cover

Ang Hybrid Mate ng Haring Alpha

Breeanna Belcher

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Si AsaLyn ay ang isang daan at siyamnapu’t siyam na taong gulang na anak na babae ng Alpha sa angkan ng TipToe Tree. Halos wala pang nababalita na nagmula sa kanilang angkan ang hindi pa nagme-mate bago sila sumapit ng dalawampung taong gulang, ngunit anim na linggo na lamang ay kaarawan na ni AsaLyn at hindi pa niya natatagpuan ang kanyang mate.

Kaya't pinapunta siya ng kanyang ama sa Australia para dumalo sa malaking seremonya ng mating na pinangunahan ni King Alpha Leviathan. Isa ito sa mga unang imortal, at unang ginawang lobo ng Diyosa ng Buwan, ngunit katulad ni AsaLyn, hindi pa rin nito natatagpuan ang kanyang mate...

Rating ng Edad: 18+

View more

Kwento ni AsaLyn

AsaLynn

Ako ay isang daan at siyamnapu’t siyam na taong gulang na at hindi pa rin nakakahanap ng magiging ka-mate. Sa totoo lang, hindi pangkaraniwan para sa isang alpha na may dugong lobo ang hindi pa nakipag-mate pagsapit ng isang daan hanggang isang daan at limampung taon.

Ang dalawang daang taon ay mukhang may edad na, ngunit tila nasa edad-dalawampu pa lang ako sa taon ng mga mortal. May mga normal na lobo na hindi kailanman natagpuan ang kanilang itinadhanang mate at pumili ng ninanais na maging mate.

Ang mga babaeng lobo na may dugong alpha ay hindi pa umabot sa aking edad nang hindi natatagpuan ang kanilang tadhana. Ngayon ay naaawa silang lahat sa akin kung hindi ako makahanap ng mate bago ang aking kaarawan. Kailanman ay hindi ako magkakaroon ng totoong mate.

Isang malupit na biro ng Diyosa ng Buwan.

Kung ang isang lalaking lobo — alpha man o hindi — ay hindi natagpuan ang kanyang itinadhanang mate sa loob ng dalawang daang taon, maaari siyang pumili ng ninanais na mate at makakakuha pa rin ng lakas, kapangyarihan, at bigkis gaya ng sa itinadhanang mate.

Kahit na hindi man ito kasing lakas tulad ng kung sila ay itinadhana.

Bilang isang babaeng lobo na may dugong alpha, wala akong ganyang karangyaan. Kung hindi ko matagpuan ang aking tadhana sa aking kaarawan, hindi ako kailanman mabibiyayaan ng ka-mate.

Maaari akong pumili ng mate at madadagdagan pa rin ng kaunti ang aking lakas, ngunit ang aming bigkis ay hindi kailanman magtutugma at ang makapangyarihang koneksyon na makukuha lamang sa itinadhanang mate ay hindi ko makakamit.

Walang lobo na gugustuhin ang mate na walang bigkis.

Kaya narito ako, anim na linggo mula sa aking ika-dalawang daang kaarawan, nakaupo sa silid kung saan gaganapin ang kalokohang pagtitipon.

Ayokong nagpupunta sa mga ganitong pagtitipon, ngunit bilang panganay ng alpha, dapat akong magpakita at makinig sa kanilang plano ng pagpatay sa kanilang susunod na biktima.

Ang kamangha-manghang buhay ng mga lobo.

Hindi ako katulad nila kung ako ay magpapakatotoo. Hindi ako marahas. Ako ay mahiyain at talagang naiiba sa ibang lobo.

Hindi pa ako nakapatay ng ibang nilalang maliban na lang kung ako ay nasa anyong lobo.

Kahit na ganoon ay tinitiyak ko pa rin na gawin ito ng mabilis at may awa. Galing ako sa grupo ng mga mandirigmang lobo na mahilig pumatay at pahirapan ang kanilang mga biktima. Hindi ako kailanman naging katulad nila.

Mas gugustuhin kong magbasa o mapag isa na lamang kaysa pumunta sa mga pagpupulong at pagdiriwang na katulad ng aking mga kaedad.

Lumaki ako sa isang malaking grupo ng mga lobo, kung saan palagi akong nakakapukaw ng atensyon. Palaging sinusubukan ng mga kalalakihan na lapitan at ligawan ako, ngunit tinatanggihan ko sila.

Naiinis ako kung paano ako tignan ng mga kalalakihan na tila ba ako’y isang putahe.  Ang mga kalalakihan ay maaaring maging kasuklam-suklam na nilalang, ngunit gustung-gusto ko pa rin makahanap ng sarili kong ka-mate.

Ang aking ama ang pang-apat sa limang Sinaunang nilikha, libu-libong taon na ang nakalipas. Siya rin ang pinuno ng aming angkan, ang TipToe Tree.

Palagi niya akong sinasamahan sa mga pageensayo para ako ay matuto ng kanyang mga paraan, umaasang maging katulad ko siya ngunit hindi iyon nangyari.

Kaya kong lumaban tulad ng isang mandirigma. Di hamak na mas higit na malakas, mabilis at mas makapangyarihan ako kaysa sa ibang lobo sa edad na pitumpu’t limang taong gulang, na kung saan ay tinatawag akong hindi pangkaraniwan.

Ang mga kababaihan ay hindi maaaring maging kasing lakas ko. Walang nakakaintindi sa akin, kaya mas pinili kong lumayo sa iba kahit na hangga’t maaari ay pinapahalubilo ako ng aking ama sa aming mga kasama.

Mapapansin mo na hindi ako nakikipag usap sa aking ina na si Lilliana. Ang aking totoong ina naman ay naparalisa habang pinagbubuntis ako at kalaunan ay namatay rin matapos akong isilang.

Walang nagbabanggit sa aking tunay na ina, kahit na ang aking ama.

Hindi ako naglakas-loob na banggitin ang aking ina at harapin ang galit ng aking ama. Minsan ko nang sinubukan noong bata ako, at ako ay naparusahan sa pamamagitan ng malupit at matinding pagsasanay.

Matapos mamatay ng aking ina, nakapag asawa uli ang aking ama at nagkaroon ng dalawang anak.

Nariyan ang aking bunsong kapatid na si Erin, na ngayon ay isang daan at dalawampu't dalawang taong gulang na at syempre natagpuan na rin niya ang kanyang ka-mate na si James. At nariyan din ang aking kapatid na si Gabriel, isang daan at siyamnapu’t siyam na taong gulang, ang kanyang ka-mate ay si Jessica.

Ang aking madrasta na si Elena, ay hindi naman naging masama sa akin. Siya ay malambing at itinuturing ako na parang tunay niyang anak at talagang nagpapasalamat ako dito.

Bagaman, lagi niya akong tinitingnan nang kakatwa, tulad kung paano sa akin ang iba. Hindi ko alam kung bakit. Hinihikayat niya akong makihalubilo sa iba tulad ng aking mga kapatid at nais niya akong maging “normal,” ngunit hindi ako ganoon.

Kahit na ang aking lobo ay hindi alintana ang hindi ko pagiging palakaibigan, na talagang kakaiba dahil ang mga lobo ay napaka-aktibo at mapagmahal na mga nilalang.

Ang pangalan ng lobo ko ay Cypris. Sinasabi sa akin ng iba na dapat ang iyong lobo ay aktibo at makipag-usap sayo ng madalas, ngunit ilang beses ko lamang nakausap ang aking lobo sa buong buhay ko.

Siya ay napaka misteryoso at sa totoo lang... Siya ay isang puta. Humihimok siya at umuungol ngunit hindi ako kinakausap maliban na lamang kung may kailangan siya. Sobrang sakit sa ulo.

Isa siya sa mga dahilan kung bakit pakiramdam ko ay kakaiba ako.

Hindi ako makapag-reklamo. Pinalaki ako na maging malakas at matutong tumayo sa sariling paa. Mahal ako ng aking pamilya kahit na hindi kami ganoon kalapit sa isa’t isa gaya ng iba, ngunit sa palagay ko ay ganun naman ang lahat ng pamilyang alpha.

Nagtatrabaho at nagsasanay kami nang higit sa anupaman. Laging may nagbabadyang giyera. Palaging may panibagong problema sa paligid ko, ngunit teka, ang mahalaga ay mayroon akong mga libro.

Kaya kong basahin ang Greek mythology habang buhay.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok