Walang-hangganan - Book cover

Walang-hangganan

Mikayla S

0
Views
2.3k
Chapter
15
Age Rating
18+

Summary

Tanging ang mate lang ni Lux ang kanyang naiisip sa sandaling nalanghap ang isang pamilyar na amoy niya. Sinusubukan niyang isipin kung anong itsura niya, kung masarap ba siya?... Pero alam niya sa sarili niya na hanggang pangarap na lamang ito. Mula sa pag sikat at pag lubog ng araw, ang mate ni Lux ay laging nandiyan. Nagmamatyag. Hindi alam ni Lux kung anong uri siya, tanging ang alam niya, siya ay si Soren.

Rating ng Edad: 18+

View more

Chapter 1: Pag-intindi sa aking sarili

Zayla

Mate

Para sa mga tao maaari itong: lovers, kaibigan, kakilala. Para sa mga bampira, ito ay isang paalala na nabubuhay lang sila para sa kamatayan. Isang sagradong pag-asa na bigla nalang mawawala sa isang kagat ang kanilang natitirang kaluluwa.

At para sa mga lobo, it’s everything! Ito ay ang bawat kaligayahan, bawat tibok ng puso, bawat pag-kulo ng iyong tiyan ay para lang sa isang tao! Ang amoy, ang lasa nila! Lahat ng bagay tungkol sa kanila ay nakakalasing.

Para sa karamihan ng mga lobo ang paghahanap ng makakasama habang buhay ay madali. Bawat taon ang mga lobo ay nagsasama sama at dumadalo sa taonang ball na isinasagawa ng aking mga magulang. At kada-taon nag iiwan ang grupo ng mga lobo sa mga magulang ko ng “mate”.

Sa loob ng 21 taon pinangarap ko ang tungkol sa araw na makikilala ko ang para sa akin.

Sino siya? Ano ang hitsura niya? Gusto niya ba ako tulad ng pag gusto ko sa kanya? Araw-araw ay nagbibihis ako, lumalabas upang magmukhang maganda hangga't maaari, upang matiyak na mapapansin niya ako. At sa araw-araw lagi akong nabibigo.

Kung titingnan mo, di katulad ng mga mas nakakatandang kapatid ko na kambal na sila Drayden at Draxel, hindi ko pa nakikita ang aking mate like they did. No!

Mapalad sina Draxel at Drayden! Naging kabiyak ni Draxel ang isa sa mga anak na babae ng matalik na kaibigan ng aking mga magulang, si Kimber.

Kilala na namin si Kimber sa aming buong buhay. Hindi lang sya ang kabiyak ni Draxel kundi magiging isang Luna rin ng aming kampo. Lahat ay nagagalak sa mga pangyayaring ito. Bakit naman hindi? Siya ay kamangha-mangha.

Sa loob lamang ng tatlong linggo nung natagpuan rin ni Drayden ang kanyang mate, siya ay si Blair.

Napaka kumplikado ang nagging sitwasyon ko.

Hindi tulad ng iba, nahahanap nila ang para sa kanila at the age of 15. Yung sa akin? I met mine bago pa ako mag 15.

Ibig kong sabihin, way before that. Ang tanging problema lang ay hindi ko sya nakita ng personal.

Ang unang tagpo ko sa kanya ay nung ako ay musmos pa lang sa edad na 6 na taong gulang.

Kami ng aking mga magulang ay bumisita sa aking mga tito Silas at Thackery upang pag usapan ang negosyo ng pamilya. Napaka busy ng araw na iyon nang mapag desisyonan nang aking mga tito, aking nakababatang pinsan na si Kasyn at tita Milani na mag tampisaw sa lawa.

Ang mga tatlong batang lalaki ay naglalaro sa gilid ng lawa, ang aming mga ina ay nagbibilad sa araw at sila papa ay nag luluto. Habang ako ay masayang nanghuhuli ng mga butterflies.

May natagpuan akong isang neon blue butterfly na lumilipad sa di kalayuan. Sinundan at hinabol ko ito papunta sa isang kakahuyan hanggang sa mabalot ng dilim ang paligid. At ang butterfly ay naglaho.

Nang dahil sa takot, umiyak ako. Hindi ko na makita o marinig ang aking pamilya na nasa lawa. Dulot nang ingay ng hangin na binabangga ang mga puno. “Shhhh, tahan na Lux, it’s going to be alright.” Isang napaka lalim na tinig ang biglang bumulong sa akin. Natakot ako pero nagpakalma sa akin.

Napatalon ako at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Pero wala. Wala akong makita.

Akala ko mag isa lang ako hanggang sa marinig ko ang boses. “Hindi ka dapat nandito Lux.”

Hinahanap ko ang pinanggalingan ng boses habang sinisinghop ang aking dress. Pero wala. Alam ko andiyan siya.

Napakakalma ng boses niya, kahit bata ako ay gusto ko na itong marinig ulit. "Sino ka?" Naghahanap muli sa paligid at inaasahan ko at nagdasal na sana masulyapan ko ang may-ari sa napakapapawing pagod at tila musika na boses.

Ngunit sa halip ay wala akong narinig at wala akong nakita, dumating ang aking ama at agad akong nakita. Pinagalitan niya ako tungkol sa pagtakbo papuntang gubat. Pinapaalala sa akin na kahit na nasa ligtas kaming teritoryo, kailangan kong may kasama palagi.

Sinubukan kong intindihin, talagang ginawa ko! Ngunit kahit na anim na taong gulang pa lang ako nun pero tinawag niya sa ganoong tono. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na hanapin siya.

Pagkatapos nito, wala na akong nakita o narinig na kahit ano mula sa misteryosong lalaki hanggang sa ako ay nag tungtong ng 13 taong gulang.

Ito ay isang kakaibang araw para sa akin, bago lang ako nagka period nun. Kami ng aking mga kapatid na lalaki ay nag tatalo ng napaka tindi, so ang ginawa ko tinadyakan ko ang isang puno sa likoran ng bahay namin.

Alam kong ligtas ako roon, na dahil dito lamang ako hindi ina-agrabyado ng aking ama at mga kapatid ko.

Umupo ako sa isang tuod ng kinalimutan at matandang puno. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na umiyak dahil sa galit. Bakit sa lahat ng araw, ngayon pa bumisita sa unang pagkakataon itong aking buwanang dalaw?

Bakit hindi maintindihan ng aking mga kapatid na hindi nila kailangan makialam kung magiging dalaga na ako.Wala akong control sa katawan ko o ang natural na pagtanda ng tao. Hello, hindi ako isang bampira.

Matapos ang pag-upo sa tuod ng isang oras, naubos rin ang luha ko at unti-unti humihinahun ang katawan ko pero sumisinok ako ng kaunti. Nang biglang narinig ko na naman sa ikalawang pagkakataon ang boses na napakatagal ko ng di narinig.

"Oh aking maliit na Lux, ikaw na ay dalaga."

Ang kanyang boses ay nagpa sindak sa akin na sanhi ng pagkawala ko ng balanse.

Hanggang ang kanyang kamay na may kaunting kalyo ay bahagyang humawak sa aking balikat upang pigilan ang aking pagkatumba at paghinga.

Naramdaman kong nagngisi siya sa aking pagiging clumsy. “Mag ingat ka aking munting Lux.”

"Ang pangalan ko ay Zayla, hindi ko alam kung sino si Lux" Umiling ako ng bahagya ng maramdaman kong dumadapo ang kanyang mga kamay sa aking balikat. Bago pa man ay naramdam ko ang malalim niyang bungisngis sa kanyang katawan na nagpa gimbal sa aking katawan.

“Pero Zayla, ikaw pa rin ang aking munting Lux.” Ang boses niya ay mas magalak sa pagkakataong ito. Hinawi ko ang paligid upang makita kung saan nagmula ang boses na iyon, pero malas k, siya na naman ay naglaho.

.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok