Nabuhay si Clarise kasama ng kanyang overprotective na ama at hiniwalay sa kanyang totoong pagkatao, ang pagiging isang wolf o lobo. Kaya naman nang mawalan siya ng kontrol sa kanyang pag-shift ay nakuha siya ni King Cerberus Thorne, ang kilalang pinuno ng lahat ng mga werewolves.
Habang nakakulong siya sa castle ni Cerberus ay natuklasan niyang hindi na niya matatakasan pa ang kanyang kapalaran at habangbuhay na siyang nakatali rito. Pero may pag-asa pa bang mapaamo niya ito bago pa mahuli ang lahat?
Rating ng Edad: 18+
Cerberus Thorne
Isang maingay na tunog ang maririnig sa gitna ng madilim na kagubatan. Magkahalong hingal at ungol.
Wasak at nagkalat ang duguang katawan sa lupa.
Makikita ang kalmot ng mga kuko nito sa ilang mga puno at maging sa biktima nito.
Nakakapangilabot ang tanawing iyon kung tutuusin. Ang mga damo ay nadiligan na ng kumalat na dugo. Ang katawan ay walang awang pinagpira-piraso at iniwan na lamang sa putikan.
Kasunod nito ay ang paglagitik ng mga buto at ang malakas na pagsigaw bago muling bumalot ang katahimikan.
Isa na namang katawan ang muling bumagsak sa lupa. Muli, wasak ang katawan nito at halos wala ng buhay. Saka siya nito muling hinawakan ng marahas.
Naisip nang lalaking iyon na sana nga ay nawalan na lamang siya ng buhay kaysa makita niya ang sariling dumadaloy ang sariling dugo mula sa kanyang putol na braso at kalahati ng kanyang katawan!
Ngunit hindi niya kayang harapin ang lalaking gumawa sa kanya ng mga iyon. Dahil ang nilalang na nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking laman ng mga kwentong hindi na maaaring mabanggit pa. Ang lalaking kinakatakutan ng lahat. Ang lalaking ni hindi niya kayang tingnan ng diretso dahil sa nararamdaman niyang matinding takot.
Ang lalaking walang awang pinagpira-piraso siya ay walang iba kundi ang Hari ng Lahat ng mga Wolf Bornes at tiyak na hindi siya nito pakakawalan kaagad.
Ang mga mata ng lalaki ay halos lumuwa na at unti-unti na rin itong nauubusan ng dugo. Alam nitong wala na siyang pagpipilian pa kundi ang tanggapin ang kanyang kapalaran. Wala siyang lakas o kapangyarihan para labanan pa ito.
Ang nilalang ay nagpatuloy lamang sa kanyang ginagawa sa lalaki at itinatapon ang bawat piraso ng katawan nito sa kung saan. Hindi na ito katakataka pa dahil mayroon itong mga kukong mas matalas pa sa kutsilyo at walang makakapantay ang mala-bakal nitong mga kamay.
Namimilipit na siya sa sobrang sakit at alam niyang hindi na siya magtatagal pa kahit anong gawin niya kaya kahit na nahihirapan ay hindi niya lubusang iniyuko ang kanyang ulo para kahit papaano ay may maiwan pa ring dignidad sa kanya.
Bahagyang natawa ang Alpha King. Gustong-gusto niya ang nakikitang takot sa mukha nito. Ang pakiramdam ng pagkapunit ng balat nito, ang pagkapira-piraso ng katawan nito at ang pagtulo ng pulang dugo sa kanyang mga kamay at braso.
Ilang oras na simula nang pinapahirapan niya ang lalaki. Hangga’t sa makakaya nito ay pinilit nitong huwag sumigaw sa sakit. Unti-unting nanahimik sa buong kagubatan at tanging ang ihip lamang ng hangin ang maririnig.
Unti-unting nawawalan ng buhay ang lalaki. Ang kanyang paningin ay dumako sa mga nagkalat na piraso ng kanyang katawan at maging sa kanyang dugo na bumalot sa paligid.
Hindi pa nakontento sa nakikitang paghihirap ng lalaki ay kinagat pa ng Alpha King ang leeg nito at sinipsip ang natitirang dugo ng lalaki. Kapalit niyon ay ang pagkalat ng nakakamatay na lason rito.
Nakangising tiningnan nito ang lalaki. May bahid pa ng dugo ang mga ngipin nito saka marahang tumawa.
Sa huling pagkakataon ay muli niyang tiningnan ang lalaking namimilipit sa sakit. Tinalikuran niya ito at nagshift bilang isang itim na itim na lobo. Bigla na lamang itong nawala sa kadiliman ng kagubatan. Iniwan niya ang lalaking ilang segundo na lamang ay maaari nang bawian ng buhay.
Nanginginig man ay unti-unting ibinaluktot ng lalaki ang kanyang katawan.
Tumutulo ang kanyang luha habang unti-unting kumakalat ang lason sa kanyang katawan.
Hindi na niya kaya.
Sobra na siyang nahihirapan.
Pinakawalan niya ang isang malakas na sigaw na siyang yumanig sa katahimikan ng kagubatan. Ang mga ibon ay mabilis na lumipad sa takot at pagkabigla habang ang katawan nito ay dahan-dahang natutunaw kasabay ng pagluwa ng nanunubig nitong mga mata.
Sa sandaling katahimikan, makikita ang pagkawala ng lalaki.
Dahil ito ay patay na.