Nang makidnap si Mara ng misteryosong lobo na si Alpha Kaden mula sa kanyang walang kamuwang-muwang na Purity Pack, natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang mapanganib na hidwaan sa pagitan ng mga matinding magkaribal.
Ngunit, kapag matuklasan ni Mara ang malubhang mga lihim tungkol sa pamilya ni Kaden, maaaring siya lang ang makakapagtanggal ng isang masamang sumpa… at nakatagpo siya ng mga kakampi — at pag-ibig — kung saan hindi niya inaasahan.
Rating: 18+
Chapter 1
Sabihin ang Iyong Mga PanalanginChapter 2
LabyrinthChapter 3
Kapalaran at KahihinatnanChapter 4
Isang PagsasaayosMARA
Dahan-dahan kong hinila ang laylayan ng kurtina sa bintana at sumilip sa labas.
Nagdidilim na at ang buwan na lamang ang nagbibigay liwanag sa bakanteng kalsada.
Sa sinumang makakakita,, ang paligid ay tila panatag at matiwasay — payapa. Sarado ang mga pinto, pati ang mga kurtina. Naka-kandado ang kanilang mga gate at ligtas na nasa loob ang kanilang mga anak.
Pero alerto ang lahat, tulad ng ibang mga gabi.
Napa-buntong hininga ako, at lumabo ang tila kristal na bintana sa harapan ko.
Kinusot ko ito ng manggas ko para palinawin ito at makakita ulit ako, ngunit wala namang mamamalas..
Lagi namang wala, dahil , hindi tulad ng ibang mga lupon, napapawi na ang lahat ng bakas ng sigla sa mga kalye pagpatak ng gabi.
Bakit? Dahil ang aking lupon, ang Purity Pack, ay takot sa Vengeance Pack.
O marahil hindi sa Vengeance Pack, kundi sa kanilang pinuno na si Alpha Kaden.
Sa nakaraang dalawampung taon, siya ang sumira ng balanse na itinatag namin sa pagitan ng pagkakapantay-pantay at kaguluhan sa loob ng aming pack.
Ninakaw niya lahat, lalo na ang aming kalayaan.
Ang aming lupon ay hindi gusto ng ibang mga lobo.
Nakatayo ito sa gitna ng Pack Quarter, sa mas malamig na bahagi ng ekwador.
Napapaligiran ng isang makapal na pader na inilaan upang mapanatili kaming ligtas. Protektado kami sa aming maliit na mundo ng relihiyon at kapayapaan.
Ginagambala ni Kaden ang aming mundo sa tuwing sinasalakay niya ang aming teritoryo.
Inagaw niya ang maraming inosenteng batang babae mula sa aming lupon.
Walang nakakaalam kung anong nangyari sa kanila, ngunit maraming nag-iisip na pinapatay sila o ibinebenta sa kanyang mga miyembro, na siyang kahiya-hiya rin sa mga mata ng Purity Pack.
Siguro’y gumagawa siya ng isang negosyo dito. Hindi rin kami sigurado. Pinapatay din niya ang mga kriminal namin.
Ang sinumang lumabag sa batas ay responsibilidad ng Discipline Pack.
Ngunit ang sinumang pumatay ay kay Alpha Kaden. Malinawiyon.
"Mara, lumayo ka diyan!"
Hinihila ako sa balikat ng aking nanay palayo sa bintana.
Napaatras ako habang galit na sinasarado ng aking ina ang kurtina.
Humarap siya sa akin, ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang.
Mahal ko ang aking nanay, pero kung minsan ay masyadong siyang mahigpit para sa aking proteksiyon.
Buong buhay niya, naniniwala siya sa isang bagay lamang: ang Buwan ang ating tagapagligtas magpakailanman.
Naniniwala siyang kinokontrol ng Diyosa ang lahat ng aming ginagawa at siyang nagpapasya sa aming hinaharap sa pamamagitan ng ilang uri ng hindi kilalang mahika.
Bagama’t lumaki ako sa lupon na ito, hindi ako naniniwala dito. Pero iginagalang ko ito.
Sa paaralan, tinuruan nila kami ng kaunting awit upang panatilihing buhay sa amin ang takot kay Alpha Kaden:
Ikandado ang inyong mga pinto at selyuhan.
Tuwing gabi, ang mga kurtina’y sarhan
Huwag kang tumingin, kung sakaling nandiyan siya.
Palaging mabuhay sa buong takot.
Kahit na ito’y nangangahulugan ng pagsakripisyo sa iyong sinisinta,
Huwag hayaang selyuhan ng Alpha Kaden ang iyong tadhana.
Pati ang aking ina ay pinapahintulutan ito.
"’Nay, okay lang," siniguro ko sa kanya. "Walang nakakita sa akin."
Napabuntong-hininga siya at hinaplos ang isang kamay sa mukha niya.nakaukit sa kanyang pagmumukha ang mga bakas ng taon-taong pag-aalala .
Hindi niya alam kung paano ako disiplinahin minsan — lalo na kapag nagpasya akong lumabag sa mga mahigpit niyang patakaran.
Hindi ko naman sinasadya, ngunit patuloy akong natutukso ng walang tigil kong pag-uusisa .
"Maaaring nakita ka ng mga kapit-bahay natin," patuloy niya. “Alam mo naman kung anong sinasabi nila sa simbahan tungkol sa ‘yo, Mara. Kung gumasta’y para akong masamang ina. ”
Napairap ako.
"At paano kung nakita ka ni Kaden?" mahigpit na tanong niya.
"Well, hindi ko malalaman kung nakita ako ni Kaden dahil hindi ko alam kung anong itsura niya," tugonko habang tumataas ang boses.
Nanlisik ang mga mata niya sa akin.
Kinaiinit ng ulo niya ang isipin man lang na may alam ako tungkol kay Kaden.
Hindi ko pa rin alam kung ano ang itsura niya. Maaari siyang maglakad sa tabi ko sa kalye, at wala pa rin akong malay.
Walang ipinapaalam sa akin si Nanay , ngunit may mga naririnig ako mula sa mga estudyante sa paaralan.
Kapag sinuswerte , nalalaman ko pa kung pumatay siya o hindi.
Minsan, kapag si Nanay at Tatay lamang ang gising, bumababa ako para makinig sa kanilang usapan. Doon ko nalaman ang tungkol sa mga batang babae na nawawala sa bayan.
“Mara, pakiusap. Huwag kang matigas ang ulo, ”pagmamakaawa ni Inay, na inis na inis.
Itiniklop ko ang aking mga braso sa aking dibdib.
Kulang pa ang sabihin na sawa na ako sa pagkukulong tuwing gabi.
Sinukuan ko na ang pagnanais na makagala kasama ang mga kaibigan tuwing Biyernes ng gabi.
sang lukso, laktaw, at talon na lang at magtatapos na ako, pero hindi ibig-sabihin nito’y luluwag na ang mga panuntunan ng aking ina .
Baka nga ay mas maghihigpit pa siya sa paghahanap sa akin ng sinta.
Ang paghahanap ng sinta habang bata pa’y mahalaga sa loob ng aming kultura.
Katawa-tawa ang dami ng mga kinamayan kong mga batang lalaki sa nakaraang buwan .
"Okay lang ba kayo?" Lumingon ako nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto sa harap at pumasok ang aking tatay.
Umuulan sa labas, subalit hindi ko palanapansin iyon habang nakatingin ako sa bintana.
Tinanggal niya ang basang-basa niyang dyaket at inilapag sa mesa ng kusina.
Hindi kalakhan ang aming bahay, kaya nga’t mas mahirap na makulong dito nang matagal.
Sumusunod ang aking mga magulang sa simpleng buhay na nais ng Moon Goddess.
Hindi ako materyalistiko, ngunit kung minsan ay nararamdaman kong ako’y napagkakaitan.
"Wala-"
"Naabutan ko ang ating anak na sumisilip ulit sa bintana," sinabi sa kanya ng aking ina, na pinigil ako sa pagsasalita.
Tiningnan ko siya nang masama. Palagi niya ‘kong sinusumbong kay tatay.
Sumimangot sa akin ang aking ama.
“Hindi naman lalabas si Kaden doon," protesta ko. "Masyado lang kayong nag-alala para sa wala.”
Lumipat ang tingin ng aking ama papunta sa aking ina.
Sinasenyasan niya si nanay na umalis dahil alam niya kung gaano kami kadaling magtalo.
Nang wala na siya, dinala niya ako sa sofa para makaupo.
“Kilala mo ‘yong anak ng kapitbahay natin? Mandy, tama?"
"Milly," itinama ko siya.
Tumango si ama. "Kinuha siya ni Kaden noong nakaraang linggo. Kinuha siya mula mismo sa kanyang kama, at hindi pa siya nakikita. "
Naramdaman kong nanlaki ang mga mata ko.
Milly? Isang taong siyang mas matanda sa akin, at maraming beses na mas kaakit-akit.
Hindi ako nagulat nang kahit kaunti na napili siyang maging bahagi ng anumang negosyong ginagawa ni Kaden.
"Bakit mo ‘to sinasabi sa akin?" Tinanong ko siya.
Gusto kong malaman, ngunit hindi ko inaasahan na iyon din ang gusto ng aking ama.
“Nag-aalala ako na baka kuhanin ka rin niya. Tuwing umaga, natatakot akong pumasok sa kwarto mo kung sakaling malaman kong kinidnap ka niya sa gabi. "
Umiling ako sa kanya. Malabong makidnap ako.
Kung kumuha siya ng ibang babae mula sa aking kapitbahayan, ibig-sabihi’y hindi muna siya babalik dito sa susunod na buwan
Ganito niyang paglaruan ang mga tao.
Pinapagod niya muna kami sa isang maling pakiramdam ng seguridad, at pagkatapos, binabago niya ang kanyang galaw para gulatin at lituhin kaming lahat .
Hinawakan ng tatay ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.
Pagdarasalin niya ba ako?"Nagtataka tayong lahat kung bakit niya ‘to ginagawa, Mara. Pinapangako ko sa iyo, malalaman natin ‘to, at pipigilan natin siya sa lalong madaling panahon. "
Pinisil niya ng bahagya ang kamay ko.
Pinapatakbo ni tatay ang aming lokal na simbahan. Dahil dito, sa pakiramdam ko’y mahina rin ang kakayahan niyang kalabanin si Kaden.
Ang kinakatakutan namin ay isang alpha ng isang lupon na kilalang-kilala sa kanilang kawalan ng awa.
Matapos ang Dakilang Digmaan na naging dulot ng paghihiwa-hiwalay ng mga lupon sa buong lupa, pinagtibay ang mga bagong anyo ng lipunan at mga kowd ng moralidad.
Pinangalanan ayon sa aming pangunahing paniniwala, ang bawat lupon ay dapat magpanatili ng kapayapaan sa mga kalapit nito, at ang sistema ay napatunayang matagumpay sa loob ng maraming siglo.
Gayunpaman, sa lahat ng mga lupong itinatag batay sa pagkamakatarungan at pagkakapantay-pantay, isang lupon lang ang kailangan para sirain ang katahimikan ng lahat.
Iyon ang Vengeance Pack.
"Magiging maayos din ang lahat," siniguro ko sa kanya. "Aayusin ni Alpha Rylan ang mga bagay sa huli."
Napangiti ang aking ama. Si Rylan lang ang inaasahan namin para mawakasan ang paghihirap na ito. Kung hindi niya magawa ito, wala na kaming maipanlalaban.
Nais ko nang magpahinga at nagpasya akong dumiretso na sa kama.
Pagpasok ko sa silid, tinamaan ako ng lamig. Hindi dapat ganito kaginaw.
Binuksan ko ang ilaw at hinanap ang pinagmumulan ng lamig.
Maliit ang silid, may isang simpleng aparador, mesa, at kama. Walang gamit na masyadong marangya o labis-labis.
Malinaw ang pinagmumulan ng lamig. Bukas na bukas ang aking bintana. Kahit kaila’y hindi ko ito binuksan ng ganyan kalawak
Mapapalo ako ng aking ina kung nakita niya na hindi nakasara ang kurtina ‘ko sa gabi.
Tiyak na mapaparusahan ako kung nalaman niya.
Kahit noong bata pa ako, sinusundo na niya ako galing sa eskwela pagkatapos kong makipaglaro sa aking mga kaibigan hanggang sa lumubog ang araw.
Dahan-dahan, lumapit ako sa bintana.
Naririnig ko ang tagiktik ng malakas na ulan sa kalsada sa labas.
May bagyong palakas nang palakas, kasabay ng dagundong ng kulog mula sa malayo.Kung mas mabilis kong maisasara ang bintana, mas mabuti.
Mabilis kong isinara ang bintana at bumalik sa aking silid.
Biglang tumama ang mga patak ng ulan sa bintana, kaya't napatalon ako sa pagkagulat. Talagang ayoko sa kulog at kidlat ...
Kailangan ko lang huminahon at matulog, sabiko sa sarili ko habang hinihila ang mga kurtina para isara. Hinayaan kong maapektuhan ako ng nangyari kay Milly..
Hinila ko ang buhok kong nakatali at pumasok sa banyo. Siguro kailangan ko lang na iligo itong pagkabalisa ko.
Pinalitan ko ang settings ng tubig sa shower ng at piniling maligo sa mainit na mainit na tubig, pagkatapos ay nagtanggal ng aking mga damit.
Sa paghakbang ko sa ilalim ng showerhead, para ba akong nasa ibang mundo — isang mundo kung saan hindi ko kailangang makinig sa mga patakaran ng ibang tao sa lahat ng oras.
Kung saan hindi idinidikta ng aking mga magulang ang bawat desisyon na gagawin ko.
Itinuon ko ang aking ulo sa malamig na pader.
"Siguro nakalaan ako para sa Freedom Pack," bumulong ako sa sarili. "Isang lupon kung saan magagawa ko ang anumang nais ko."
Iniisip ko lamang kung gaano ako kawalang saysay pakinggan nang may aninong biglang tumakbo sa harapan ko. .
Bigla kong inalis ang ulo ko sa pagkatuon sa pagkagulat. Sumilip ako sa labas at maingat na tumingin sa paligid.
Katahimikan.
Mas lalo akong nagmukhang katawa-tawa ngayon.
Lumabas ako ng shower at pinatay ang tubig pagkatapos.
Habang binabalot ko ng twalya ang aking katawan, sinikap kong tanggalin ang lahat ng mga paranoyd kong na pinag-iisip.
Kathang-isip at imahinasyon ko lang iyon. Alam ng lahat na malawak ang aking imahinasyon, .
At hindi si Kaden ang karaniwang nakakaimpluwensya sa aking imahinasyon.
Lubos kong nalalaman ang pagbabanta na ibinibigay niya sa akin at sa aking pamilya, ngunit hindi ko magawa na matakot sa kanya sa normal na mga kondisyon.
Ngunit ngayong gabi, nang walang dahilan, nililito ako ng nanlalamig kong takot.
Nang suot lang ang twalya, tumayo ako sa harap ng salamin at sinuri ang sarili.
Katulad ako ng bawat iba pang miyembro ng Purity Pack.
Ang aking buhok ay mukhang kayumanggi kapag basa, ngunit ito ay talagang. halos kulay ginto.
Ang aking mga bughaw na mata ay hindi kasingningning ng sa karamihan.
Ang aking balat ay maputla, at ang aking mga pisngi ay halos walang anumang kulay.
Ito siguro ang mga dahilan kung bakit walang binatang nagnanais akong ligawan. Palaging may mas hihigit na pagpipilian.
Mahal ko pa rin naman ang aking sarili.. Wala naman akong magagawa.
Dumagundong nang bigla ang kulag at napasigaw ako sa takot.
Nagpasalamat ako sa Diyosang Buwan na naharangan ng kurtina ang buong liwanag ng kidlat.
Nagpatuyo ako at bumalik sa aking silid, kung saan mabilis akong nagpalit ng damit.
Pagkatapos ay pinatay ko ang mga ilaw at dumiretso sa kama at nagbalot ng kumot.
Nais ko lamang itulog ang bagyong ito at magising bukas nang walang Kaden na bumubulabog sa aking isipan..
Ngunit kahit anong subok kong maging komportable, hindi siya mawala sa aking isipan.
Kahit nakapikit ay punong puno ng mga kakatwang anino ang aking paningin.
Halos makatulog na ako sa tunog ng pagtama ng ulan sa aking bintana nang maramdaman kong may isang kamay na nagtakip sa aking bibig.
Hindi ako tinuruan kung paano ipagtanggol ang sarili, kaya’t hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko.
Sinubukan kong lumaban ngunit naramdaman kong naipaloob ako sa isang mahigpit at hindi pamilyar na yakap.
Nagpupumiglas ako hangga't makakaya ko habang sumisigaw, kahit na ang tunog ay napahina ng kamay na nakatakip sa aking bibig.
Sumisipa ako habang hinihila ako mula sa kama. May nagpapataw ng presyon sa aking leeg, at sa ilang saglit akala ko’y mamamatay na ako.
Ngunit hindi ako mamamatay nang walang laban!
Ang aking mga binti na lang ang natitira kong panlaban.
Nagwala ako at sinubukang kumonekta sa mga binti ng dumadakip ngunit wala akong matamaan kundi ang hangin.
“Tahan na. Malapit nang matapos ang lahat.”
Ang marahang boses ng lalaking iyon ang huling naririnig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.