Punished by the Alpha - Book cover

Punished by the Alpha

B. Luna

Chapter 4

RAINIER

Sinabi ko sa kanya na kung matalino siya, dapat siyang lumayo sa akin at iyon ang totoo. Hindi mahalaga kung gaano siya kaganda.

Kung gaano siya ka-perpekto para sa akin. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata ng sabihin ko sa kanya kung sino ako. Tama siya na matakot sa akin.

Limang taon na ang nakalipas, pinatay ko ang aking ama at kinuha ang posisyon sa alpha, at nagsimula na akong pumatay mula noon. Nagawa ko ang dapat kong gawin at hindi ako nahihiya tungkol dito.

Nainis ang aking lobo na iniwan ko siya sa ganun na paraan. Nais niyang angkinin ko siya kanina sa pagtatagpo namin. Hindi ko nga alam kung gusto ko ng mate.

Ang aking lobo ay tutol sa kaisipang iyon at hinawakan ko ang manibela ng mahigpit.

"Okay lang ba ang lahat, Alpha?" Tanong ni Toby mula sa likurang upuan.

Tumango lamang ako at sapat na iyan upang matigil ang anumang pag-uusap. Dumiresto kami sa maliit na motel mga limang minuto ang pagitan mula sa bar.

Pag-check in namin, pumasok agad ako sa aking kwarto at sinara ang pintuan sa likuran ko.

Humiga ako sa bulok na kama at pumikit. Di nagtagal, ang mga alaala ng kabataan ko ay bumalik sa aking isipan.

Ang kawawa kong ina. Mabait siyang tao; Ipahinga ng Diyos ang kaluluwa niya. Alam kong nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon. Sinubukan kong iligtas siya, pero hindi sapat ang aking lakas.

Palaging sinasabi sa akin ng aking ina na ang aking mate ang magliligtas sa akin, na siya ang magiging dahilan para maging buo ako.

Biglang naalala ko ang nangyari sa bar kanina, at ang ignorante na lalaking nag insulto sa kanya. Gusto ng aking lobo ang dugo ng lalaking iyon at sigurado akong umalis siya na may bali na braso.

Naisip ko na siguradong matatakot siya, pero mukhang mas nag-alala pa siya sa akin kaysa sa anupaman.

Nilinis niya ang dugo mula sa aking mga kamao ng dahan-dahan, na para bang nais niya akong alagaan.

Puta! Nasira ko na ang lahat bago ko pa siya makilala. Sigurado akong kabilang siya sa Northridge pack. Baka hindi ko siya makita bukas.

Siguro kung alam niya kung ano ang mabuti para sa kanya, lalayo siya sa akin.

Hindi ko hahayaan ang sarili ko na saktan siya.

Kinausap ko sa aking isipan ang aking mga gamma at mandirigma at sinabi sa kanila na salubungin ako sa parkingan ng 9 am bukas. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas, pero kailangan kong panatilihing matalas ang aking isipan.

Hindi ko siya hahayaan na hadlangan ang layunin kong makarating dito. Makukuha ko ang lupa sa kahit anong paraan. Kailangan ito ng aking pack.

Sa wakas ay nakatulog ako na puno ng aking bangungot mula sa nakaraan.

Pagkagising ko, napansin kong madilim pa rin sa labas. Tumayo ako sa kama at kinuha ang aking selpon sa bulsa ng aking pantalon.

Nang sa wakas ay nahanap ko ito, tiningnan ko ang oras. 4 a.m.

Dating gawi, siguro.

Kumuha ako ng ilang damit sa isa sa mga bag na dala ko kagabi at pumasok sa banyo upang mabilis na maligo.

Matapos maghanda, lumabas ako ng motel upang kumuha ng kape at agahan sa kainan sa tapat ng kalye.

Paglabas ko ng pinto, nakita ko si Toby na nakaupo sa isang mesa na kausap ang isang waitress.

"Magandang umaga, Alpha," sabi niya habang papalapit ako sa kanila.

Hinila ko ang bakanteng upuan sa kanyang tapat at agad na umupo.

"Magandang umaga," sagot ko.

Magalang ang ngiti ng waitress habang kinukuha ang aming mga order at pagkatapos ay umalis.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tinanong ko siya.

"Parang ganun na nga," sabi niya, ngumingiti. Alam ko na nakahanap siya ng isang babae kagabi, pero ayaw ko nang malaman ang mga sumunod na nangyari.

Si Toby at ako ay hindi mapaghiwalay noon.

Ipinanganak kami na dalawang araw ang pagitan, dalawampu't walong taon na ang nakalipas. Magkasama kaming pumasok sa paaralan, magkakasamang nag sanay, at nakipaglaban sa tabi-tabi upang ipagtanggol ang bawat isa.

Laging iniisip ng mga tao na magkapatid kami sa halip na matalik na kaibigan.

Siya lamang ang taong tunay na nakakaalam kung ano ang aking ama at siya lamang ang nakakaunawa kung bakit ko siya pinatay.

Matapos kong kunin ang titulong alpha mula sa aking ama, nagkalayo kami. Hindi na pareho ang mga bagay para sa akin pagkatapos noon.

Bumalik ang waitress na may dalang dalawang tasa at kape. Matapos lagyan ang aming mga tasa, umalis ulit siya, at tahimik kaming umupo ng ilang sandali bago siya magsalita.

"Bale, iyon ang iyong mate sa bar kagabi?" Tanong niya, umiinom ng kape.

Tumango ako at isinuklay ang kamay sa buhok ko.

"Ano ang gagawin mo sa kanya?" pinagpatuloy niya.

"Hindi ko alam," totoo kong sagot.

Hindi pa rin natagpuan ni Toby ang kanyang mate. Dati nag bibiyahe siya sa iba`t ibang mga pack noong bata pa kami.

Sinisikap niyang hanapin siya. Masama ang loob ko para sa kanya kapag uuwi siya na nawawalan ng pag-asa ang mukha. Pagkatapos ng mahabang panahon na paghahanap ay sumuko na lamang ito..

Bumaba ang tingin niya sa kanyang kape at nanahimik.

Dala ng waitress ang aming pagkain at tahimik kaming nag-agahan. Pagkatapos kumain ay oras na para umalis papunta sa Northridge pack.

Naglakad kami pabalik sa kalye at nakita namin na sina Jay at Damon ay naghihintay sa tabi ng kotse.

Papunta sa teritoryo ng Northridge pack, isa lang ang nasa isip ko. Siya.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok