Chasing the Omega - Book cover

Chasing the Omega

Jessica Edwards

Chapter Four

ALICE

Ang huling bagay na gusto kong gawin ngayon ay ang makipag-usap kay Ryder. Mas gugustuhin ko pang i-pin ang mga mata ko at putulin ang dila ko kaysa makipag-usap sa kanya.

Pero eto, nandito kami, sa kalagitnaan ng gabi.

“Look, pagod na pagod na ako sa trabaho, at medyo badtrip ako sayo at sa mga kaibigan mo. Kaya sabihin mo na lang kung anong dapat mong sabihin, at iwan mo na akong mag-isa."

Sana, hindi na niya ako kausapin pa ulit.

"Anong nangyari sayo kagabi?" tanong niya.

Sana kumilos na ako kanina noong may oras pa, kasi ngayon nakikilala na ng boobs ko ang chest niya sa lapit namin sa isa’t-isa.

"Walang kahit ano. Isa pa, it’s not like may utang akong explination sayo.”

Kinulong ako ni Ryder, at nilalagay ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko. “Akala mo ba hindi kita nakita doon sa loob ng diner? nakita naming lahat!  Kaya kailangan kong malaman kung anong nangyari sayo kagabi."

"Bakit ba napakaimportante para sayong malaman mo?" Sumuong ako sa ilalim ng braso niya at nagsimulang maglakad palayo.

“Alice! Kailangan mong makinig sa akin."

Bago ko pa nalaman, hinila na ni Ryder ang kamay ko sa may pulso at inikot ako paharap sa kaniya. "Maaaring hindi ka naniniwala sa akin, pero sinusubukan kitang tulungan."

"Tulungan ako?"

"Sinusubukan kitang tulungang maintindihan kung ano ang mga pagdadaanan mo."

"At ano naman yun?" Kinuha ko ang kamay ko mula sa kanya at inilagay sa balakang ko at naghintay ng sagot.

"Marahil iniisip mong nagbibiro ako pero hindi." Tumalikod si Ryder sa akin, nilalagay ang mga kamay niya sa bulsa, at nagbuntong-hininga." Sa loob ng ilang araw, pagdaraanan mo ang pagbabago."

Sumimangot ako. "Ang pagbabago?"

“Sa lalong madaling panahon, mararanasan mo ang pagbabago. Ang pagbabago ng pagiging isang lobo."

A ano?

Tiningnan ko siya nang may pagkalito sabay tumawa ako nang tumawa.

Humarap siya at tiningnan ako, nanlaki ang mga butas ng ilong. “Tigilan mo na ang pagtawa. Hindi ito biro. Hindi ako nagbibiro sa mga ganitong bagay. Sa hitsura ng mga bagay-bagay, mukhang magaganap ang pagbabago sa lalong madaling panahon."

Hindi naman niya siguro sinasabing magiging isang lobo ako noh?, dahil kalokohan iyon.

I roll my eyes, “Okay, sige, sasabayan ko ang trip mo.  Anong nangyayari sa pagbabagong ito? "

"Sakit. Sobrang daming sakit."

Napabuntong hininga ako. "Nasaktan na ako dati, alam mo ba yun."

"Hindi ganitong klase ng sakit. Magsisimula kang magpawis nang husto, at makakaramdam ng sobrang init. Magsisimula ka ring makaramdam ng pagkahilo, at sa pagkakatanda ko, sasakit din ang ulo mo. Isipin mo na lang na isa itong malalang lagnat, dahil hindi pa iyan ang pinakamasamang parte."

Panunuya ko. "May mas sasahol pa ba kaysa sa pagiging isang halimaw?"

Hindi niya pinapansin ang tanong ko at nagpatuloy. "Mararamdaman mong parang sumasabog ang buo mong katawan, at ang isang bagay na hindi mo dapat gawin ay ang labanan ito."

Napabuntong hininga siya. "Sinasabi lang nito na ang katawang lobo mo sa loob ay handa nang sakupin ang katawang tao mo sa panglabas, at kung lalabanan mo ito sa unang pagkakataon, maaaring hindi mo malalagpasan ang susunod na pagbabago. Kaya kahit anong mangyari, huwag mo itong labanan."

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito? Isa ka bang lobo? "

Nagkibit-balikat lang si Ryder. "Lahat kami."

"Sinong 'kami'?"

Hindi sinasagot ni Ryder ang tanong ko. Binibigyan lang niya ako ng tingin na para bang kinukumpira niya ang sagot sa tanong ko, at narealize kong kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niya.

"Sinasabi mo bang na sina Bane, Silver, at Kellan ay mga lobo? Ano ba, magseryoso ka nga."

“Sa tingin mo tutulungan kita kung hindi ka magiging isa sa amin? Amoy na amoy sa buong diner ang halimuyak mo, imposibleng hindi mapansin ng kahit na sinong lobo.”

Binilog ni Ryder ang kamao niya. Tinitigan ako ng may madilim, at masamang kislap sa kanyang mga mata.

Wala akong pakialam kung galit o asar siya sa akin. Gusto ko lang umuwi at kalimutan na nangyari ang pag-uusap na ito.

Panunuya ko sa hindi paniniwala “Hindi ako magiging isa sa inyo! Hindi nangyayari ang mga ganitong klaseng bagay sa tao."

"Gusto mong malaman kung anong nangyari kay Mr. Daniels? Kung paanong natagpuang wasak ang katawan niya sa sarili niyang pamamahay?" Ngumuso si Ryder.

Hindi ko na ‘to kaya; Ginagawa ko na lang ang naiisip kong isang bagay para ma-block ang boses ni Ryder. Tinakpan ko ang mga tainga ko at nagdasal na sana tumigil siya.

"Tama na!"

Nagmamakaawa akong tumigil na siya, pero tuloy-tuloy lang siya.

"Ano ang nangyayari dito?" tumawag ang isang boses.

Hindi lamang tumigil sa pagsigaw si Ryder, nanigas din ang katawan niya nang napansin niyang nakatayo si Terry na may flashlight at nakatutok sa kaniya.

"Ginugulo ka ba niya, Alice?"

Inalis ko ang mga kamay ko sa tainga at umiling. "Hindi, paalis na siya."

Tumingin ulit sa akin ni Ryder na may desperadong tingin sa mga mata, pero hindi ko na kayang pakinggan ang iba pang sasabihin niya.

"Goodnight, Terry." Lumalakad ako palayo, at iniwan ang dalawang kalalakihan na nakatayo sa dilim.

Nakakagulat ang tahimik na paglakad ko pauwi ng bahay.  Walang eksena kay Ryder, o engkwentro sa isang lobo. Ako lang at ang tunog ng kalikasan.

Naririnig ko ang hiyawan ng mga fox, at ang malakas na pagdighay ng isang pulang usa.

Nagshort cut ako pauwi ng bahay, at natagpuan ko ang isang daan sa kagubatan na nasa pagitan ng bahay ko at ng gubat.

Naniniwala akong maraming mga sektreto itong kagubatang, pero wala akong naramdamang banta, ni takot na malaman kung anong misteryo ang nababalot dito.

Habang nakatayo sa daan, wala akong ibang naramdaman kundi kapangyarihan. Naranasan ko na ang feeling nang malapit sa kamatayan, at at walang nang mas buhay pa kaysa sa pakiramdam ko ngayon.

Nagpadulas ako sa kagubatan, tumalon-talon sa mababaw at paikot-ikot na mga sapa at sa mga madudulas na bato. Sinuong ko ang mga mababang sanga ng mga matatanda at nabubulok nang puno ng oak tree.

Pumalibot sa mga tainga ko ang mga bubuyog, humuhuni ng isang kanta.

Berdeng dahon, dilaw na dahon, at mga pulang dahon ay nakakalat sa lupa na parang isang bahaghari na mayaman sa kulay ng taglagas. Sa unahan ng kagubatan, hindi na ganoon karami ang mga puno.

Malapit na ako sa bahay.

Habang papalapit ako sa bahay, nakikita ko ang luma, at bulok na tulay na patungo sa kalsada sa tapat ng bahay ko.

Home sweet home.

Nakatira ako kasama ang nanay ko sa isang tahimik na residential area, sa isang magandang detached house.

Ito ang nag-iisang bahay na natirhan ko simula bata ako, at hindi ko gugustuhing pumunta saan mang sulok ng mundo, dahil sa katahimikan at kapayapaan na ibinibigay ng bahay na ito sa amin.

May malaking hardin na may magagandang puno, halaman, at maging isang swimming pool ang bahay.

Medyo maluwang ito para sa aming dalawa lamang ng nanay ko. May dalawang palapag at atic sa pangatlo, na may malalaking bintana.

Nasa front gate ang ground floor, kung saan matatagpuan ang malaking hall na nag-uugnay sa dalawang malaki, komportable at mahangin na sala, banyo, at isang modernong malaking kusina na nasa gitna ng bahay.

Ang isang sala ay may pintuan papunta sa isang terrace kung saan matatanaw ang hardin.

Sa first floor ang apat na kwarto, na binubuo ng dalawang doble room at dalawang single room, at dalawang banyo.

Natutulog sa masters bedroom ang nanay ko, na may sariling banyo at balkonahe.

Nakarating na ako sa porch, sa harap ng bahay namin, at pagkatapos ay inabot ko ang handle ng gate at muling chineck kung naka-lock ito.

Nasa bahay na dapat ang nanay ko sa mga oras na ito.

Kumakatok ako sa salamin na pinto, at naghihintay kung may sasagot.

Kumatok ulit ako at naghintay ng ilang minuto pa.

Walang tao.

Tinuklap ko ang ilalim ng doormat at nakita ang silver key.

Wala siguro si mama sa bahay.

Kinukuha ko ang susi at pumasok sa bahay. “Mam? Nandito ka ba?"

Walang sagot.

Siguro may date siya ngayong gabi?

Bumaba ako sa hagdan ng kusina at napansin ang isang papel na nakadikit sa ref.

"Alice,Tinawagan ako ng ospital.  Baka hindi ako uuwi hanggang sa suusnod na umaga, Nasa microwave ang hapunan. Love you, Mum x ”

Eto na ang sagot kung nasan siya.

Binubuksan ko ang microwave at napa ‘hmmmm’ sa saya nang malanghap ko ang masarap na aroma ng pepperoni pizza.

Alam na alam ng nanay ko kung anong makakapagpasaya sa akin.

Bago ako magpalit ng damit pantulog, ininit ko ulit ang pizza at dumampot ako ang isang coke in can.

Pagbaba ko dinala ko ang pizza at soda sa sofa sa harap ng TV, nagpasya akong gumawa na isang bagay na magiging proud sa akin si Sam, at di-nownlload ang panghuling season ng Game of Thrones.

Na naman, tumakbo ulit sa isip ko ang mga katanungan.

Paano kung totoo ang sinabi ni Ryder? Na magtatransform ako sa isa pinaka-mapanganib na predators na kinakatakutan ng mga tao?

Anuman ang mangyari sa akin, hindi ko gugustuhing makapanakit ng kahit sino.

Hindi ko mapapatawad ang sarili pag nanyari yun.

Bumalik na ako sa ulirat at nakita ang simula ng palabas nang biglang nagsimulang lumabo ang paningin ko sa lahat ng bagay sa kwarto. Wala akong makita.

Kinusot ko ang mga mata ko ng aking mga palad at naramdaman ko ang init sa mukha na para bang nasusunog.

Naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso ko sa loob ng aking dibdib, at napansin kong nahihirapan akong huminga nang normal.

Tumayo ako at pumunta sa banyo nang bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan na para bang sinaksak, pinipilipit at hinihila ang aking lamang loob.

Hinihila ko ang pinto ng banyo at binalanse ang sarili ko sa lababo.

Tumingin ako sa salamin at nakita ang sarili kong naliligo sa pawis.

Ay hindi...

Nangyayari na!

Anong gagawin ko?

Pumipitik-pitik ang ulo ko habang lumalala ang sakit sa tiyan na hindi ko na makayanan.

Habang sinusubukan kong pigilan ang matinding sakit, mas lalo ko pang nararamdaman ang pagtindi ng sakit sa balakang ko, at wala na akong magawa kundi ang sumigaw.

Lalong lumalala ang sakit habang sinubukan kong labanan ito, at agad akong naduwal na para bang may gumagapang sa aking lalamunan.

Yumuko ako at sumusuka nang marami, nakita ko ang toilet bowl na napapalibutan ng itim na likido.

Hindi ko na alam kung ilang beses akong sumuka ako, pero tumatanggi akong humiinto sa pakikipaglaban.

Tumanggi akong magbago.

Wala akong pakialam kung gaano pa katagal ang sakit.

Hindi ako susuko sa pagbabago.

***

Matapos ang isang libong oras ng matinding pakikipagdigma, napabuntong hininga ako habang ipinapahinga ang pisngi ko sa sa malamig na takip sa ibabaw ng toilet bowl.

Unti-unti, nagsisimulang nang luminaw ang paningin ko. Humupa na ang sakit sa aking tiyan at balakang, at sa wakas nakakahinga na ulit ako.

Bumalik na rin sa normal ang tibok ng puso ko, at huminto na ang pagpitik ng aking ulo.

Sa walang lakas na mga binti, tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa tabi ng toilet bowl at nilinis ko ang banyo mula sa itaas hanggang sa ibaba.

Matapos kong malinis, umupo ako sa sahig at sabi ko sa sarili ko iidlip lang ako saglit.

Hindi ko narinig na bumukas ang pinto, at hindi rin narinig ang nanay ko na tinatawag ang pangalan ko nang maraming beses.

Natagpuan niya ako sa eksaktong posisyon, nakaupo sa sahig ng banyo habang nakapatong ulo sa takip ng toilet bowl. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

"Alice, anak, anong ginagawa mo sa sahig?" Tumingin siya sa akin na may pag-aalala sa kanyang mga mata habang nakatayo siya sa tabi ng pintuan ng banyo, nakasuot ng pink na uniporme, at hawak ang kanyang itim at ginansilyong cardigan sa mga braso niya.

"Nagkasakit ako," simpleng sabi ko.

Lumuhod ang nanay ko sa sahig sa harap ko at inilagay ang kamay niya sa noo ko.

"Nagkalagnat ka ba?"

"Opo siguro."

'Sige, sa palagay ko dapat kang magpahinga, at uminom ng maraming tubig. Tatawag ako sa doktor bukas kung gusto mo, bago ako magtrabaho, okay honey? Walang pasok para sa iyo bukas."

Hinalikan niya ako sa noo at tinutulungan akong tumayo.

"Kamusta ang trabaho?" Sinusundan ko ang aking nanay ko sa kusina at umupo sa bartool habang pinapatay niya ang TV.

Na-miss ko ulit ang Game of Thrones.

“Medyo busy sa trabaho, pero masaya akong nandito na ako. Okay lang ba ang lahat sa school? "

Dinala niya ang hindi nakain na pizza at ang hindi nabuksan na coke in can sa kusina at nilagay sa counter.

"Okay naman ang school, sa tingin ko. Mayroon kaming bagong English teacher."

“Bagong teacher? Ano ang nangyari kay Mr. Daniels? "

“Hindi ko alam. Baka nag-quit siya? "

Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinabi sa nanay ko ang tungkol kay Mr. Daniels, pero sa tingin ko hindi magandang ideya na sabihin ko sa nanay ko na natagpuang gutay-gutay si Mr. Daniels sa sarili ninyang pamamahay.

Isa pa, malay ko ba kung sinabi lang sa akin ni Ryder yun para takutin ako.

“Aba, sayang naman. Magaling na teacher siya, at gusto ka niya."

"Oo nga, pero..." Nagkibit-balikat at tumayo na para i-hug ang mama ko." Goodnight, mom."

Pinisil niya ako nang mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. “Goodnight, honey. Love you."

"Love you, too."

Umakyat na ako sa kwarto ko at isinandal ang ulo ko likod ng pinto.

Nagawa ko, hindi ako naging lobo.

Natatawang parang isang baliw sa sarili ko, pakiramdam ko nagtagumpay ako.

Nanghihina ang katawan ko pagkatapos ng mga kaganapan kagabi at ngayong gabi, pero at least tumigil na ang pagsusuka.

Sa isang parte, natuwa ako na hindi ko makikita si Ryder bukas, pero sa kabilang banda, may isang bahagi sa akin na para bang gusto kong sabihin sa kanya kung anong nangyari dito ngayong gabi.

Gayunpaman, sinabi niya sa akin, na kung lalabanan ko ang unang pagbabago sa unang pagkakataon, mas maliit ang tyansa kong makayanan ang susunod na yugto.

Next chapter
Rated 4.4 of 5 on the App Store
82.5K Ratings
Galatea logo

Unlimited books, immersive experiences.

Galatea FacebookGalatea InstagramGalatea TikTok